Mikael Daez affirms he never received any gay proposition; spends earnings only on food

"As in zero talaga. People ask me that kasi siyempre yung mga friends ko hindi naman sila showbiz, tinatanong nila [din ako about that]. No. Not at all. As in zero talaga. As in seryoso talaga," says Mikael Daez when asked if he’d been "courted" by gays.


Guwapo at hunky ang model-turned-actor na si Mikael Daez, pero never pa raw niyang naranasan na maligawan ng bading.

Kahit daw noong nag-aaral pa siya ay walang nanligaw sa kanya na gay. At lalong hindi pa rin daw niya nararanasan na makatanggap ng indecent proposals.

"No. Not at all. As in not at all. As in zero talaga.

"People ask me that kasi siyempre yung mga friends ko, hindi naman sila showbiz, tinatanong nila [din ako about that].

"No. Not at all. As in zero talaga. As in seryoso talaga."

Pero hindi siya homophobic?

"No. Not at all!" sagot niya.

"I have friends, actually sa barkada ko, I have.

"Sa extended barkada ko, may dalawa na bading. Stylist sila, they work for a magazine.

"Sila yung nakakausap ko. Siyempre sa Temptation Island, sila yung nakakausap ko.

"Sila yung sobra talagang mahilig sa Temptation Island."

Parang hindi kapani-paniwala na sa lakas ng appeal ni Mikael ay wala pang nanligaw man lang na bading sa kanya.

"Wala talaga. Wala talaga," ulit niya.

HAPPY ME! Masayahing tao si Mikael. He’s a jolly person. Pero what makes him unhappy?

"Pag nagugutom ako, unhappy ako. Pag hindi ako nakakabanyo, unhappy ako, mga ganun!" tumatawang sagot ng binata.

At kahit hunky ang katawan ni Mikael, mahilig siyang kumain.

"Lahat! Everything, halu-halo... Yung champorado sa taping ng Amaya, ang sarap! Gustung-gusto ko yun!"

MY HEART. Kailan siya huling nagkaroon ng lovelife?

"My last girlfriend was in college pa."

Wala nang ama si Mikael.

"He passed away seven years ago. My disposition in life is very happy.

"So, in terms of that moment in my life, para sa akin, you have to look at everything as a blessing in disguise.

"I mean God has a plan for everybody."

May lumabas na balitang sa pagkamatay ng ama niya ay na-bankrupt ang pamilya nila?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hmmm, I dunno, I don’t think so."

Maykaya naman sila, since sa Ateneo naka-graduate ng college si Mikael.

"I don’t know, that’s subjective, I think. Pero at that time, high school ako, so very hands-off naman ako sa mga finances.

"Batambata pa ako nun. Fifteen pa yata ako nun when I lost my dad."

OTHER CAREER. Bago siya nag-artista, isang broadsheet writer si Mikael.

"Siguro ang part time job ko, I wrote a bit. I wrote different topics for different blogs, sa Philippine Star.

"Tumigil akong sandali until now, kasi I have to focus on Amaya. Iyon ang primary goal ko sa ngayon.

"For column in that newspaper, I was able to write for three or four weeks and then I stopped."

Nag-host din si Mikael ng travel show na World Premiere, produced by Jonas Gaffud ng Mercator, ang agency na nagha-handle ng career niya.

Naka-one season ang naturang travel show.

"Pero sana ma-renew kami ng second season. Sana talaga, ang ganda [kasi] ng reviews.

"Yung World Premiere, sobrang saya naman. Maganda yung mga feedback na nakuha namin.

"May mga nag-email. There are people who came up to me na sinabing sobrang gusto nila yung show. Na, ’We hope you get a better timeslot.’"

"Tapos may mga fans na kami and sponsors. Kaya sana, may second season kasi sayang. Ang ganda ng show na yun."

JUST SAVE! Since maganda na ang income ni Mikael ngayon, ano na ba ang mga nabili niya from his earnings?

"Let me think... Actually, wala pa. Wala pa.

"Kung sa Amaya [na talent fee] yung pinag-uusapan, wala pa akong nabibili.

"Nasa bangko, hindi ko ginagastos.

"Of course, I help out in the household. Tinutulungan ko nanay ko."

Ayaw bumili ni Mikael ng kotse.

"Hindi ko pa kailangan ng kotse, e.

"Hindi pa. So hangga’t hindi pa kailangan, huwag na munang magsayang ng pera."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paano siya bumibiyahe papunta sa kanyang showbiz commitments?

"Usually sa kuya ko, sumasabay ako. Or minsan hindi naman niya kailangan yung kotse, so hiraman kami ng kotse.

"Ako naman kasi right now, especially yung first year ko, save first.

"I mean, tingnan natin. Mag-ipon muna ako, tapos step back.

"Tingnan natin kung anong magagawa ko sa pera ko.

"And the thing is, kasi I graduated Business Management, di ba?

"So, mahilig ako in terms of looking at where I can put my money, managing my money.

"So hindi naman ako ano... hindi naman ako spontaneous gumastos ng pera."

Ang medyo gastos raw niya ay sa pagkain.

"A, alam ko mero’n na. Meron na akong nabili—isang box ng tuna. Tuna na pang-diet ko!" tumatawang sinabi ni Mikael.

"Siguro I just spend a lot on food. Okay lang ’yan, ’tsaka na yung investment. Ipon muna."

SEXY ME? Marami ang naa-attract sa magandang pangangatawan ni Mikael. Sa palagay ba niya ay sexy nga siya?

"Hindi ko pinag-iisipan ’yan."

Sa palagay niya, ano ang best part ng katawan niya?

"My best part? Well, laging napapansin yung jaw ko.

"Iyon lang talaga ang laging napapansin," sabi niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN