Director Joey Reyes on Eugene Domingo: "She’s an actress, not mere celebrity."

"She starred in a movie that changed the entire outlook toward indie movies. She broke the barrier between mainstream and indie movies. And no other actress in whatever magnitude succeeded in doing that," says movie director Joey Reyes about Eugene Domingo and her movie Ang Babae sa Septic Tank.


Tuluy-tuloy ang naging papuri ng beteranong direktor na si Joey Reyes sa isa sa apat niyang lead actors sa pelikulang Wedding Tayo, Wedding Hindi na si Eugene Domingo.

Inihayag ng award-winning director sa harap mismo ng comedienne actress sa press conference ng pelikula kamakailan, "Hey, Eugene Domingo is Eugene Domingo."

Sabi ni Direk Joey tungkol sa pelikula ni Eugene na Ang Babae sa Septic Tank, "She starred in a movie that changed the entire outlook toward indie movies.

"She broke the barrier between mainstream and indie movies.

"And no other actress in whatever magnitude succeeded in doing that."

Ang pelikula ay unang ipinalabas sa taunang Cinemalaya Independent Film Festival. Subalit sa sobrang dami ng tumangkilik nito at naging patok sa takilya, agad itong naipalabas sa mainstream cinema.

Dahil umano sa pelikulang ito, mas napatunayan ni Direk Joey na mahal talaga ni Eugene ang kanyang trabaho bilang artista.

Aniya, "Kasi may dalawang klase ng artista ang makikilala mo, e.

"May artista na gusto lamang maging popular at yumaman. Marami ’yan. They last for three years.

"At mayroon ding artista na mahal na mahal niya ang trabaho. At ’yong mga kayamanan at popularidad, extra benefits na lang ’yon.

"That’s why they love their work and their work loves them.

"’Yon ang katulad ni Eugene. She’s an actress, not mere celebrity."

CHANGING NEEDS OF THE VIEWERS. Samantala, nabanggit din ni Direk Joey sa panayam sa kanya ng media na ang success na tinamasa ng Ang Babae sa Septic Tank ay isang patunay na nag-iiba na rin ang gusto ng mga Pilipinong manonood.

"Kung tutuusin, ang mga taong nanonood ngayon ay nag-iisip na dahil may pera na silang kinikita para makapanood ng pelikula.

"Kaya hindi puwedeng maging parallel ang pelikula sa telebisyon. Bakit ka gagastos ng halagaang gano’n kung pareho lang din sa telebisyon."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag pa ng direktor, "Sila ay naghahanap na talaga ng bago. Kaya nga ang saya-saya.

"I was practically euphoric sa Cinemalaya. Ang dami kong nakitang mga puwedeng gawin na ginagawa ng mga mas bata sa amin.

"Nang lumabas ang Ang Babae sa Septic Tank, that really broke the barrier.

"Sabi ko, harinawa ma-realize ng mainstream na unless mag-adjust ka sa audience mo, mapapag-iwanan ka talaga."

Sa huli, sinabi ni Direk Joey na magandang pangitain ito para sa pagbabago sa lokal na industriya ng pelikula.

Aniya, "Maganda itong nangyari. We’re up for a very, very interesting time.

"There will be a lot of pain, but certainly there will be a lot of gain."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN