Claudine Barretto starts movie with ex-boyfriend Mark Anthony Fernandez this November; husband Raymart Santiago is supportive

"So, of course, mahirap man paniwalaan, pero he really wants to see Mark and I in the big screen. Kasi alam niyang marami akong... maraming followers kami ni Mark," says Claudine Barretto when asked if husband Raymart Santiago approves her movie with Mark Anthony Fernandez.


Si Claudine Barretto ang unang lumabas onstage during the grand press launch of Iglot last Tuesday, August 23.

Kabaliktaran sa norm na sa huli lumalabas ang bida pag ini-introduce.

Well, of course, bida si Claudine, "pero baka mas bida si Iglot?" biruan pa ng mga kasama naming press sa aming table. Pero hindi lumabas si Iglot hanggang sa huli.

Suspense daw at dapat abangan kung ano ang hitsura ni "Iglot," ayon sa production ng nasabing newest fantasy series ng GMA-7.

Pambungad nga si Claudine sa pagpapakilala ng cast. Panggulat kumbaga. At medyo nagulat din kami dahil mukhang bumabalik na ang dati nitong kaseksihan.

Maganda pa rin ang aktres. At maganda nga rin daw ang pasok ng mga bagay-bagay simula nang mag-celebrate siya ng kanyang birthday last month (July).

Maliban sa dasal niya ang full recovery ng kanyang daddy na inatake two weeks ago, masaya raw ang Optimum Star.

MY SISTER GRETA. Nabalitang nagkabati na sila ng kanyang kapatid na si Gretchen Barretto. Nagkakaroon ba sila ng bonding time na magkapatid considering the years na hindi nila pagkakasundo?

"Nagkakausap kami. Nag-uusap kami sa phone. A, kasi, taping kami nang taping [dito sa Iglot]. Sobrang taping."

"So, hindi kayo nagkikita, like sa family gatherings?" follow-up question ng isa pang kasamang writer.

"Lately, hindi. Sa hospital," nang ma-hospitalized daw ang kanilang ama.

Mas naging close ba silang magkapatid dahil sa nangyari sa kanilang daddy?

"Hindi naman, kasi close naman talaga pamilya namin," sagot niya.

Dahil ba sa nangyari sa kanilang ama, naramdaman niyang mas na-strengthen ang kanilang bond lalo na sa kanila ni Gretchen?

"Of course. Of course, kahit sino naman na may pamilyang nagkasakit, or ano.

"Closer kami ngayon. Closer yung pamilya namin. Kuya namin lalo na. We all went to Subic."

DIET OR LIPO? Napunta ang usapan sa noticeable na pagbawas niya ng timbang. Nagpa-liposuction nga ba siya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi. Hindi. Nag-diet talaga ako," madiin niyang tanggi na nangingiti.

"I did the general motor diet. It’s a seven-day diet and hinaluan ko siya ng Cohen [diet].

"Pero di ko talaga matagalan. Yun, hinaluan ko no’n.

"Si Ate Sylvia Sanchez kasi ang kulit-kulit. Yun ang Sylvia Sanchez diet na talagang talak nang talak siya sa ’kin habang nagte-taping ako.

"Hanggang sa sabi ko, ’O sige na nga talaga.’ Sinabayan niya ako [sa pagda-diet].

"So, yun. Gano’n talaga ako, pag nag-start akong magtrabaho, nai-inspire akong magpapayat.

"And sinabi ko talaga, never ever that I’m gonna gain weight again."

Sinabayan din ba siya ng asawang si Raymart Santiago sa pagda-diet?

"Hindi. Matiyaga talaga si Raymart mag-gym. Matiyaga talaga si Raymart sa gano’n.

"And sabi ko, siguro yung pagpapahinga ko talaga [noon]. Kumain talaga ako.

"Lumamon ako nang lumamon talaga! Pero sabi ko, this time, it’s never gonna happen again.’"

REUNITED WITH MARK ANTHONY? Napabalita noon ang pelikulang pagsasamahan daw nila ng kanyang ex-boyfriend na si Mark Anthony Fernandez na may title na Somewhere.

"Yes, tuloy na," mabilis niyang sabi.

"We’ll be starting November. Yung movie namin with Mark. So, abangan n’yo yun."

May maikukuwento ba siya, more or less, kung ano ang magiging story ng kanilang movie?

"As of now, ano pa, e [wala pa]. Pero of course, it’s drama, na love story na may pagka-suspense-thriller.

Okay lang ba with Raymart na gumawa siya ng movie with Mark Anthony?

"Wala. Walang reaksiyon. Dedma lang siya.

"Excited siya, kasi after In Your Eyes, ngayon lang ulit ako magkakaroon ng movie. So, excited siya.

"So, of course, mahirap man paniwalaan, pero he really wants to see Mark and I in the big screen.

"Kasi alam niyang marami akong... maraming followers kami ni Mark. Madaming nag-aabang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Gano’n naman ang asawa ko, napaka-supportive," pagmamalaki pa niya.

Under GMA Films ba ito?

"This is gonna be by Viva [Films] and kay Dondon Monteverde," sagot niya.

Nagkita na ba sila ni Mark Anthony? Kumusta sila during storycon, perhaps?

"Nag-uusap kami. Parang wala lang...

"Walang masyadong ilangan sa part ko, ha. Ewan ko lang sa kanya.

"Hindi, di ko alam!" sabay tawa ni Claudine nang malakas.

Remake ba ito ng movie noon nina Lorna Tolentino at Rudy Fernandez na Somewhere?

"No, hindi. Hindi. Hindi ito yung kay Ms. LT and Daboy. Oo, hindi.

"This is an original ano [story]. Na sana maging kasing-epic, kasing ganda no’ng kay Ms. LT at kay Daboy," sabi niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN