Toni Gonzaga denies rift with Maja Salvador because of her boyfriend Paul Soriano

Balewala kay Toni Gonzaga ang maugong na tsismis linking her boyfriend Paul Soriano sa lead star ng pelikulang Thelma na si Maja Salvador. Ani Toni, ni hindi man lang daw nila napag-usapan ni Maja ang tungkol sa issue nang magksama sila noong Linggo, August 21, sa programang ASAP Rocks.


Masaya si Toni Gonzaga na humarap sa PEP. Ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang media nang matapos ang Tupperware Brands Link Up party na ginanap noong August 23 sa Opus Bar sa Resorts World Manila.

Pero hindi naman naiwasang hingan ng komento si Toni tungkol sa balitang nagli-link sa boyfriend niyang si Paul Soriano at sa lead star ng Thelma na si Maja Salvador

Si Paul ang direktor ng naturang pelikula na tungkol sa isang track runner na siyang ginagampanan naman ni Maja.

Walang kaabog-abog naman na nagpahayag si Toni tungkol sa isyu.

Aniya, "Ay naku, nag-usap na kami ni Maja. Actually, balewala sa amin ni Maja yung mga kumakalat [na balita].

"Kasi, I think what’s important with us, dahil magkakaibigna kami, we know the truth and hindi kami magpapadala sa mga issues.

"Like what I told Paul, ’It comes with the territory here in the business na gano’n talaga.

"’It so happens na medyo nagiging celebrity ka nga dahil sa akin, na medyo nada-drag ka into this whole showbiz thing, kaya hindi maiiwasan na nali-link ka sa mga makakatrabaho mo ngayon.

"’But rest assured naman na alam mo yung totoo at alam mo kung ano yung ginagawa mo, na wala ka namang ginagawang masama, e, hindi mo kailangang magpaapekto.’

"Saka hindi na niya kailangang sagutin yung issue para hindi na rin pa magkaroon ng iba-ibang speculation yung ibang tao."

Dagdag pa ni Toni, hindi na rin naaapektuhan si Paul ng mga ganitong isyu dahil kahit papaano ay nasanay na rin siya dahil sa ilang taon na rin nilang relasyon.

Kumusta naman ngayon ang pakikitungo ni Toni kay Maja? Hindi ba sila nagkakailangan?

"Nakakaloka!" bulalas niya.

"Wala kaming problema ni Maja. Magkatabi nga kami sa ASAP [Rocks] nung Sunday, ni hindi nga namin pinag-usapan iyan.

"Feeling ko nga nahihiya si Maja na i-open up yun. But, other than that, walang problema sa amin ni Maja. Wala.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"This is coming from the heart. Hindi ito yung sasabihin kong okay kami dahil kailangan maging okay kami.

"Mula sa puso ko, walang problema kahit kanino dahil pare-pareho tayong nagtatrabaho.

"Sila po ay nagpo-promote ng kanilang pelikula, kami rin ay nagpo-promote ng aming pelikula kaya walang problema."

NEXT QUEEN OF TALK? Sa mga social networking sites sa Internet, marami ang pumuri kay Toni Gonzaga sa pag-interview niya kay Zanjoe Marudo sa programang The Buzz noong Linggo, August 21.

Sa pakikipag-usap kasi niya sa actor at co-star sa pelikulang Wedding Tayo, Wedding Hindi ay napaamin ni Toni so Zanjoe sa maraming bagay ukol sa relasyon nila ni Bea Alonzo.

"Ay, nakakaloka!" nakangiting sagot ni Toni.

"I told Zanjoe, it takes a real man to stand up for a woman that he loves, di ba?

"It takes a real man to say those kinds of words and I don’t think there’s anything wrong with expressing your feelings kasi that’s really how you feel."

Sa mga fan pages naman sa Internet, marami ang nagsasabi na si Toni na raw ang susunod sa yapak ng batikang talk show host na si Kris Aqunio dahil sa husay nitong mag-interview.

Nabigyan pa nga umano ng title si Toni bilang "Next Queen of Talk." Ano naman ang masasabi niya rito?

"Ay, ’kaloka naman yung mga ganung mga title-title! Wala naman tayong mga tina-target na mga gano’n.

"Basta sa atin lang ay nagtatrabaho nang mabuti, ginagawa natin nang mabuti yung trabaho natin, masaya na ako dun.

"Saka na tayo mag-ano sa title," saad ni Toni.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN