Cesar Montano acknowledges the power of movies to educate, wants to do another award-worthy movie

"Kasi napaka-powerful ng mga movies. Marami sa mga kabataan, hindi na nagbabasa ng libro but they watch movies. We should take advantage of this, na gamitin yung pinaka-powerful na medium, at yun ang gamitin natin to educate our fellow Filipinos," says Cesar Montano.


Dalawang taon nang sinusuportahan ng young businessman na si Kenneth Dong ang foundation ni Cesar Montano na Panaghoy Children’s Foundation sa pamamagitan ng paghingi ng pledges mula sa kanyang mga guest sa kanyang birthday party.

Siyempre pa, dumating sa 27th birthday ng businessman ang kaibigan niyang si Cesar para makisaya at pasalamatan siya.

Sinamantala ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at mga imbitadong TV crew na kapanayamin si Cesar nang dumating na ito sa clubhouse 2 ng Serendra Two sa Taguig City, kagabi, August 24.

Una muna’y nagpasalamat ang aktor kay Kenneth.

"Of course, I’d like to thank my friend Kenneth.

"Thank you for the help and support para sa Panaghoy Children’s Foundation. Maraming salamat."

HITMAN. Agad na kinumusta kay Cesar ang shooting ng ginagawa niyang pelikula na Hitman.

"Actually, kagagaling lang namin sa shooting ni Sam [Pinto] kaya kami magkasabay ngayon.

"Tinaon ko na dito sa malapit sa Serendra yung location namin. Para pagkagaling do’n diretso na rito.

"Naka-costume pa nga kami," sabi pa ni Cesar.

Ang Hitman ay written, directed, at pinangungunahan ni Cesar.

Pati na nga raw ang storyboard na pagbabasehan ng mga camera angles ay si Cesar na ang gumawa.

Kilala rin kasing magaling sa pagpipinta at pagdidibuho ang former Andres de Saya star.

WORRIED ABOUT BEING SEEN WITH SAM. Nabanggit na rin lang ang leading lady niya sa Hitman na si Sam, naikuwento tuloy ni Cesar na medyo nag-alala sila habang naglalakad na sila sa Serendra Piazza papunta sa Two Serendra kunsaan nagaganap nga ang party ni Kenneth.

Pinagtitinginan daw kasi sila ng mga taong nagdi-dinner at nagre-relax sa lugar na iyon.

"Kaya nga ako pinagpapawisan..." patawa muna ni Cesar na pinapawisan nga sa init ng camera lights na nakatutok sa kanya.

"Kasi yung mga tingin nila... ’My God, ang tapang naman ng mga ito. Ba’t dito sila nagde-date?’ parang ganun. Nakakatuwa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero sorry po. Na-frustrate po namin kayo. [Sa] pelikula lang po yun," sabi pa ni Cesar tungkol sa mga nag-iisip na i-link sila romantically ni Sam.

Palagay rin ang loob ni Cesar na kung sakaling may maglabasan ngang tsismis tungkol sa kanila ni Sam, hindi na maaapektuhan pa ang misis niyang si Sunshine Cruz.

"Tapos na po kami sa mga bagay na ’yan. Napagdaanan na namin ’yan and I think she got matured already at ako rin, ganun din.

"Naayos na namin ’yan at wala nang makakapagbago po, kundi Diyos lang," ani Cesar.

EASY TO WORK WITH. Sa Hitman, papel ng isang babaeng kinidnap ng character ni Cesar ang ginagampanan ni Sam.

Ayon kay Cesar, si Sam ay hindi mahirap makasama at makatrabaho.

"Si Sam, ay naku, napakagaan kasama, napakasayang kasama, very easy to get along with... intelligent.

"Hindi mahirap turuan. At saka, ako pa nga minsan ang natututo sa kanya, dahil matalino."

THE NEXT PROJECT AFTER HITMAN. Kung sa talino ay hindi rin naman papahuli si Cesar. Nabanggit na nga na bukod sa pagiging bida ng Hitman ay si Cesar na rin ang nagsulat ng script at nagdirek ng pelikula.

At bago matapos ang pagsu-shooting nila para makumpleto ang Hitman ay may kasunod na raw siyang gagawing pelikula na papangunahan niya rin.

"Immediately after this, meron na po kaming binubuo na isang istorya to follow up yung mga katulad ng pelikulang Rizal, Muro Ami, Bagong Buwan, at Panaghoy [sa Suba] na nakapasok at lumaban sa international film festivals."

Ang Panaghoy sa Suba ay ang 2004 movie ni Cesar kunsaan siya ang bida at direktor. Nagwagi ito ng 22 awards—dalawa sa Famas (Best Screenplay at Best Visual Effects), tatlo sa FAP (Best Cinematography, Best Musical Scoring at Screenplay), anim sa Gawad Urian (Best Actor, Director, Cinematography, Music, Picture at Sound), tatlo sa Golden Screen (Best Actor, Sound at Musical Score), anim sa MMFF (Best Director, Cinematography, Musical Score, Screenplay, Best Supporting Actress, at Second Best Film), at dalawa mula sa International Festival of Independent Films sa Brussels, Belgium (Best Picture and Director).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi pa ni Cesar, gusto pa niyang gumawa ng mga pelikulang hindi lang mag-e-entertain kundi mag-e-educate pa ng mga kabataan.

"Marami tayong mga dapat isapelikula and we owe it to the young generation.

"Kasi nakakalimutan na nila yung mga bayani natin.

"Yung Ninoy [Aquino] ba naisapelikula na? E, bayani yun. Kailangan, e.

"Kasi napaka-powerful ng mga movies. Marami sa mga kabataan, hindi na nagbabasa ng libro but they watch movies.

"We should take advantage of this, na gamitin yung pinaka-powerful na medium, at yun ang gamitin natin to educate our fellow Filipinos."

DAUGHTERS ENTERING SHOWBIZ. Hiningan din ng reaksyon si Cesar sa kagustuhan naman ng mga anak niyang sina Angelina at Sam na pumasok sa showbiz. (CLICK HERE to watch the video of their interview.)

"Kids... I don’t know yet. Malalaman natin ’yan pag mas nag-mature na sila.

"But totally, I will be supporting them. I’ll be behind them.

"Definitely kung ano ang magugustuhan nila, kung ano ang kanilang aptitude at inclination, doon tayo sasama.

"Yun ang hahanapin natin," saad ni Cesar.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN