Enzo Pineda says Louise delos Reyes is close to his family

"Nagsisipag talaga ako para gumanda ang katawan ko, not because I just want a good body but because gusto ko ring maging healthy for my career," says Enzo Pineda.


Nagsisipag si Enzo Pineda sa pagwu-workout ngayon sa gym kaya naman it is paying off.

"Oo naman! At least nakikita kong may development ang sarili ko.

"Nagsisipag talaga ako para gumanda ang katawan ko, not because I just want a good body but because gusto ko ring maging healthy for my career," sabi ni Enzo nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa taping ng finale season ng Mind Master.

Bukod pa rito ay rarampa rin si Enzo sa Cosmo Bachelor Bash this September.

"I’m one of the centerfolds this year," excited niyang banggit.

Gaano siya ka-daring dito?

"Siguro secret na lang muna, secret na lang. Tingnan na lang natin," sabi niya.

Payag ba siyang magpa-pictorial nang naka-briefs lamang?

"Siguro ano, for me, step by step lang muna... step by step lamang muna.

"So, kumbaga, last year nag-Candy Cutie ako, di ba? At least gusto ko naman this year, iba naman yung mapakita ko.

"Para at least hindi na medyo totoy-totoy, mas mature yung gusto kong ipakita na Enzo, and also din para sa career ko rin."

Paano kung ang offer ay for an underwear endorsement?

"Siguro I think... maybe hanggang shorts lang, parang ganun."

Bakit?

"Hindi ko alam, e. Parang for me, ibang level yun.

"Kailangang paghandaan talaga. Pero let’s see, tingnan natin.

"I’m open to everything naman, e, basta ikakabuti ng career ko.

"Pero kailangan kong paghandaan talaga siya."

PASS MUNA. Si Rocco Nacino na ka-batch ni Enzo sa StarStruck ay gumanap na sa isang gay role sa indie movie na Ang Sayaw ng Dalawang Kaliwang Paa. Kaya ba ni Enzo yun?

"Siguro pag bibigyan ako ng gay role, siguro kailangang tingnan ko muna yung script," sagot niya.

Ano ang titingnan niya sa script?

"Siguro gusto ko yung... If I’m gonna get a gay role, dapat maganda yung role ko, hindi lang because of that.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Gusto ko yung may laman, yung parang may drama, may halong drama siya.

"Yung mapapakita mo yung acting range mo."

Paano kung heavy drama, pero may love scene sa kapwa niya lalaki?

"Siguro pass ako dun!" natatawang sabi ni Enzo.

"Pass muna... Wala, wala, wala... pass muna ako sa ganun."

BATCHMATES. Kumusta na ang friendship nila nina Rocco at Steven Silva? Magkaka-batch silang tatlo sa StarStruck at magkakasama rin sa danseryeng Time of My Life.

"Okay naman kami," sagot ni Enzo.

Close pa rin sila?

"Oo naman."

Sino ang pinaka-close niya sa dalawa?

"Parehas lang... May mga parts na close ako kay Steven, may mga parts na close ako kay Rocco. Pero pantay lang po."

Ano ang nararamdaman niya na parang mas marami pang projects si Rocco sa kanila ni Steven? Na tila mas inaalagaan si Rocco, to think na si Steven ang Ultimate Male Survivor at si Enzo naman ang First Prince?

"Ah, hindi po!" bulalas niya.

"Para sa akin, kanya-kanyang time din naman yun and siguro kanya-kanyang career path.

"Ako, for me, since I’m the youngest in the group... I’m only 21, Rocco and Steven are like three years older than me.

"So, different talaga yung peg nila.

"Ako, nasa stage ako na pagiging... let’s say pagiging mama.

"Parang ganun, so nandun ako sa stage na yun."

INDEPENDENT. Nag-twenty-one si Enzo last August 12.

Ang edad na 21 ay itinuturing na debut sa mga lalaki, na mas malaya na from the parents, legal na edad.

May nabago ba sa buhay ni Enzo ngayong 21 na siya?

"Para sa akin, sabi nga daw pag 21, oo, legal na.

"I guess wala namang nag-iba kasi ang parents ko, okay naman sa akin ever since, e.

"’Tsaka hindi naman nila ako pinagbabawalan sa mga ibang bagay.

"Kung gusto kong lumabas or anything like that, basta gusto lang nila tama yung ginagawa ko and makakabuti para sa akin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Siguro ang nabago, pag napunta ako sa States, puwede na akong gumimik, iyon lang!" at tumawa si Enzo.

Dagdag pa niya, "Kasi sa States, 21, di ba? Dito hindi naman ata ganun ka-strict, di ba?"

Nakaka-sleepover na siya sa ibang bahay?

"Pinapayagan ako, pero ako kasi gawain ko, taong-bahay lang talaga ako, e.

"Siguro ang buhay ko kasi ngayon—career, gym, tapos matulog, tapos spend time with my family and friends.

"Ganun lang."

So, wala ang nali-link sa kanyang si Louise delos Reyes sa equation?

"Oo, nandun siya siyempre, nasa family... may ganun, e!" at muling tumawa si Enzo.

Gaano na sila katagal ni Louise?

"Hindi pa kami, hindi pa kami," paglilinaw ni Enzo.

Di ba’t sabi niya ay nasa kategoryang "family" na si Louise?

"E, ano kasi, ang mga families namin ni Louise, close na. So thankful ako for that and happy din ako na ganun.

"Siyempre kailangan may approval din ng family namin dalawa.

"Siyempre ako nanliligaw ako, so I think that’s something good," sabi ni Enzo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN