Pauleen Luna on dating basketball players: "Nakakatakot!"

"I think they have the same... amount of temptation as actors. Which is true," says Pauleen about dating basketball players.


Wala si Pauleen Luna sa first taping day ng Iglot sa Arayat, Pampanga, kung saan ilang miyembro ng entertainment press ang naimbitahan.

Nitong August 23, ang actual presscon ng upcoming TV series ng GMA-7, lang namin nalaman na nakakadalawang taping days pa lamang siya. This has something to do with her role na mayaman kaya wala siya sa location na bukirin at nasa rural setting.

Prior to our interview with Pauleen, natanong namin ang ex-boyfriend niyang si Marvin Agustin, who’s also included in the cast of Iglot, kung okay lang ba ang kanilang work relationship.

Ayon sa aktor, wala naman daw problema.

Gano’n din ba ang tingin ni Pauleen?

Sagot ng dalaga: "We’re okay. We’re very okay. As a matter of fact, binibigyan ako niyan ng tickets sa mga concert [produced by Marvin’s company].

"Nagpapadala siya ng pagkain sa [Eat] Bulaga. We’re very okay.

"They were asking me nga, how does it feel to be working with an ex.

" It feels very normal. Actually, mas komportable nga ako kasi kilala ko na siya. So, very normal.

BAD GIRL ROLES. Looking at the trailer, gaganap na namang kontrabida si Pauleen Luna. Di kaya ma-typecast na siya sa ganitong klaseng roles?

"Sabi ko nga, wala na kong magagawa, na-typecast na, e. .. ata ako," nakatawa niyang pahayag.

"Na-typecast na po yata ako. Ang maganda do’n, for me, ha, mas challenging ang gumawa ng isang [kontravida] role na paulit-ulit.

"Because you have to make it different from the [previous portrayal].

"Unlike for example, they give me a goody, goody role. To begin with, iba na siya from the previous roles that you’ve done.

"But if you constantly do the same role, it’s challenging because you have to make it all look different,"

Nabanggit niya na may peg siya sa role niya bilang si Vesta sa Iglot.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ano po, e. Hollywood star. She plays Pam [Kristine Bauer] sa True Blood. True Blood is a vampire series.

"Siya yung assistant do’n no’ng lead na kontrabidang lalake.

"She’s so elegant. Hindi kailangang tumaas yung kilay niya para alam mong galit siya.

"Very scheming. So, yun ang aking peg."

QUIETLY SINGLE. Nadako ang usapan sa kanyang buhay pag-ibig. May boyfriend ba siya?

"Iglot," ang mabilis niyang sagot sabay tawa. "Itlog," makulit pa niyang sagot ulit.

Kasi, mukhang quiet ang kanyang buhay-pag-ibig.

"Yeah, very quiet. Wala naman po kasi. I’ve been single for more than two and a half years," paliwanag niya.

Lampas dalawang taon at kalahating di siya nagmamahal?

"Oo naman. No, I was telling them nga earlier, sabi ko, ’I guess I’ve reached that point where I’m very content. That I have everything I need.

What will make her get into a relationship again?

"I do not know, honestly," medyo sad niyang sagot.

CAGERS EASILY HOOKED INTO TEMPTATION. Pero, bakit may mga bali-balitang nahihilig siyang manood ng basketball lately? May cager bang malapit sa kanya ngayon?

"Hindi ny’o naman kasi ako tinatanong kung bakit ako nanonood. The son of Coach Chot [Talk and Text], siya si Moch Reyes sa Twitter, is my grade school barkada. Bading po siya. Mas babae pa po siya sa kin."

At ito raw ang nagyayaya sa kanya para manood.

"So, I’m very good friends with the family and palagi lang nila akong pinipilit [manood]. Pang-lucky charm daw,"

Pero bakit natalo sa finals ang Talk and Text? Hindi nag-work ang kanyang pagiging pampasuwerte?

"Kasi nga hindi ako nanood n’ong finals. Game six nanood ako, nanalo [sila].

"Game seven di ako nanood, lost [sila]," natatawa niyang sagot.

Baka may favorite player siya kaya lagi siyang nanonood?

"Mahilig akong manood ng basketball, but I do not know... actually kilala ko si Jimmy Alapag because of LJ [Moreno].

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kilala ko si Jason Castro dahil napakagaling niya. Kilala ko si Rich Alvarez dahil kay Kyla, but I really do not know everybody,"

"Wala akong bet do’n. Diyos ko, nakakatakot kaya ang mga basketball player."

"I think they have the same...they have the same amount of temptation as actors. Which is true....

"Wala, kasi lang palagi lang akong nanonood akala nila I’m cheering for somebody. If makita mo naman ako do’n wala naman akong tsini-cheer.

LOOK BEFORE YOU LEAP. Anong nangyari sa nagdi-date daw sa kanyang "guwaping" before.

"Wala na yun, e. Gano’n talaga, if you don’t like, dispose," dire-diretso niyang sabi.

Di ka na nakipag-date after that?

"Nag-try ako, pero if I don’t see it long term, parang, ’wag na lang."

From the looks of it, maaga nga yatang natuto si Pauleen concerning matters of the heart.

"Natutong ’wag paniwalaan lahat at mabilis magdesisyon. And to look into somebody really well before getting into something," she said soberly.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN