Gabby Concepcion: "I trust KC, I trust Piolo sa relasyon nila. If it works out, then I’m happy for them. If it doesn’t work out, well, life is like that, e."

"Basta lahat naman tayo, pag nagmahal binibigay natin lahat, di ba? So, hanggang saan aabutin yung pagmamahal na ’yon sa taong binubuhos mo yung pagmamahal na ’yon, e, hindi natin alam. Sana lang it works out and I’m happy for the two of them," says Gabby Concepcion about his daughter KC Concepcion’s relationship with actor Piolo Pascual.


Present din noong birthday ng young businessman na si Kenneth Dong sa Two Serendra noong Huwebes, August 24, ang aktor na si Gabby Concepcion.

Nasa events production din kasi si Kenneth kaya may kuneksyon siya kay Gabby at sa iba pang mga artista.

ON KC AND PIOLO RELATIONSHIP. Pagkakataon naman ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ng mga TV crew na nagko-cover ng event na ma-interview si Gabby at hingan ng reaksyon hinggil sa pinagdadaanan ngayon ng relasyon ng anak niyang si KC Concepcion kay Piolo Pascual.

Una muna’y hiningan ng mensahe si Gabby para kina KC at Piolo.

"Basta lahat naman tayo, pag nagmahal binibigay natin lahat, di ba?

"So, hanggang saan aabutin yung pagmamahal na ’yon sa taong binubuhos mo yung pagmamahal na ’yon, e, hindi natin alam.

"Sana lang it works out and I’m happy for the two of them," mensahe pa ni Gabby.

Tinanong naman si Gabby kung sa tingin ba niya ay may pagkukulang si Piolo sa kanyang anak.

Napapabalita nga kasi ang pagkakamalabuan nina KC at Piolo.

"Hindi ko alam ’yan, e. Wala akong alam sa relasyon nila. Nababasa ko lang sa diyaryo.

"Nabanggit sa akin ni KC na sila na, from that point on, hanggang sa ngayon, hindi ko na alam kung ano ang nangyayari.

"Kaya nga, on the spot nga ito, hindi ko nga alam. Ngayon ko nga lang narinig, e.

"Ba’t ako tinanatanong tungkol sa kanilang dalawa. Hindi naman ako ang may relasyon," nakangiting sagot ni Gabby.

Pero ayon sa 46-year-old actor, may tiwala naman daw siya sa kanyang anak at kay Piolo.

"I trust KC, I trust Piolo sa relasyon nila. If it works out, then I’m happy for them.

"If it doesn’t work out, well, life is like that, e."

Wala raw talaga siyang alam sa nangyayari ngayon sa relasyon ng anak dahil tiwala nga siya sa dalawa. Habang wala ngayong proyekto, panay raw ang pahinga niya ngayon sa bahay nila sa Batangas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Wala akong alam sa nangyayari, e. Nasa dagat lang ako..." sabi ni Gabby sabay kibit balikat.

"It’s not my life. I don’t know what’s going on. Buti nga binabalitaan ninyo ’ko, e.

"Pero I wish them the best," pahabol ng ama ni KC.

Nang tanungin ng PEP kung may sasabihin ba siya kay Piolo.

"Tatawagan ko na lang, bakit pa diyan?" sabi ni Gabby sabay-turo sa camera ng PEP na kumukuha sa kanya habang ini-interview siya.

"Ha-ha-ha! Wala, wala. Wala akong pakialam sa relationship nila. It’s their relationship, not mine.

"Just make good of it, be happy..."

FROM KAPAMILYA TO KAPATID? Kinumusta naman kay Gabby ang balitang paglipat daw nito sa TV5.

"Meron akong contract with Viva. Gagawa kami ng teleserye with Viva. But I believe Viva is co-producing the teleserye with Channel 5.

"Hanggang yun lang ang alam ko. Pero hindi ko alam kung napirmahan na yung kontrata for that project.

"Pero wala naman akong nakitang pirmahan with Channel 5.

"So, I can only talk for Viva dahil doon ako merong kontrata sa kanila for the next 3 years."

OPEN TO WORK WITH ANYBODY. Paglilinaw pa ni Gabby, libreng-libre naman daw siyang gumawa ng proyekto kahit saang istasyon.

"Hindi naman ako nakatali sa kahit na anong channel right now. I’m being co-managed by Viva.

"So, yun ang aking status sa ngayon.

"But I’m open to work with anybody, of course," sabi pa ni Gabo.

STATUS OF REUNION PROJECT WITH SHARON. Tungkol naman sa napapabalitang muling pagtatambalan nila ng dating asawang si Sharon Cuneta, okey na okey naman daw siya.

"Oo nga, e. Marami nang nagtatanong sa akin nun. Sabi ko, let’s work on that.

"Hindi ko alam kung kelan mag-uumpisa. I’m all for it, why not?

"Kung yun ang gusto ng tao, gusto ko rin ’yan."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tinanong si Gabby kung may kundisyon ba siyang inilatag kung sakaling matuloy nga ang Sharon-Gabby reunion movie.

"Wala akong kundisyon. I’m open. Wala akong problema.

"I work with anybody, I work on anything, any project. Game ako."

Kahit na raw ba may bed scene pa sila ni Sharon?

"Kahit na ano! Ha-ha-ha!" natawa na lang na sagot ni Gabby.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN