Sarah Geronimo gives take on possible movies with Nora Aunor and Judy Ann Santos; feels remake of Rosenda might be too daring for her

"Yung sinasabi nilang movie with Ate Guy, siyempre magandang balita ’yan. Pero mahirap yun. Ms. Nora Aunor yun. Naku, natatakot ako. If ever na matutuloy, first time ko siyang makakatrabaho, napakagaling niyang aktres," says Sarah Geronimo about a possible movie with the Superstar.


Kumpirmado nang sisimulan ni Sarah Geronimo ang pangalawang pelikula na pagtatambalan nila ni Gerald Anderson.

Usap-usapan din ang mga susunod pang proyekto na gagawin ng Pop Princess.

Nandiyan ang pelikulang pagsasamahan daw nila ng Superstar na si Nora Aunor, ang remake ng pelikulang Rosenda na ginampanan dati ni Janice de Belen.

At isa pang pelikula na pagsasamahan daw nilang muli ni Judy Ann Santos.

Sa huling nabanggit na project, nagpahayag si Juday na gusto niya uling magkatrabaho si Sarah after Hating Kapatid.

Sa interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ng CinemaNews kay Sarah sa hallway ng ABS-CBN, nagpahayag ng excitement ang singer-actress sakaling matuloy nga niyang gawin ang mga nasabing pelikula.

"Yung sinasabi nilang movie with Ate Guy, siyempre magandang balita yan. Pero mahirap yun. Ms. Nora Aunor yun.

"Naku, natatakot ako. If ever na matutuloy, first time ko siyang makakatrabaho, napakagaling niyang aktres.

"Sa remake naman ng Rosenda, sorry po hindi ako familiar sa pelikula... Malaking karangalan kung ipagkakatiwala yung role [sa akin]. Pero wala pa namang confirmation.

"Pag-aaralan [ko] yung role kung kakayanin ko yung character, kasi baka masyadong daring."

Ang Rosenda ay pelikulang tinampukan ni Janice de Belen mula sa nobela ni Carlo J. Caparas.

Patuloy niya, "A movie again with Ate Juday, siyempre masaya. Kasi si Ate Juday, pag kasama mo ’yan sa taping, off-cam, parang hindi ka nagtatrabaho.

"Bubusugin ka, kapatid talaga ang turing sa iyo. Wala talagang star complex. Hindi niya ipapi-fel sa iyo na superstar siya.

"Looking forward to work to with her. Sana matuloy [rin] yung with Ms. Sharon [Cuneta], yung kaming tatlo."

SECOND WITH GERALD. Ang kumpirmadong gagawin ngayon ni Sarah ay ang balik-tambalan nila ni Gerald.

Naging successful ang unang pagtatambal nila sa Catch Me I’m In Love na sinuportahan pa ng mga Kimerald fans (supporters of Kim Chiu and Gerald loveteam).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano ang bagong maihahandog ng pelikula nila?

"Excited ako for our movie. Hindi ito sequel ng first movie namin.

"Bagong istorya ito. Yun naman kasi ang priority namin. Maiba nga sa unang pelikulang pinagsamahan namin.

"Ang nakakatuwa kasi, sa amin ni Gerald, yung closeness namin, hindi pilit.

"Hindi namin kailangang mag-open up about our personal lives, personal issues. Hindi na needed.

"Pag nagtatrabaho kami, masaya lang kami. Ine-enjoy namin yung pagtatrabaho namin.

"Hindi kami nagpapa-pressure sa ibang tao na maging close kami. Na dapat lagi kaming magka-text, magkausap.

"Sa mga Kimeralds, siyempre relieved at saka malaki ang pasasalamat ko sa followers ng Kimerald.

"Kasi, talagang binigyan nila kami ng chance na magtambal at magbigay ng pelikula para sa kanila. So thank you."

NOT YET WITH LLOYDIE. Kumpirmado na rin na sinisimulan na ang pelikulang pagtatambalan nina John Lloyd Cruz at Angel Locsin.

Naging issue ito dati dahil marami sa mga tagahanga ng ibang mga naging leading ladies ng aktor, tulad ng Sarah-John Lloyd fans ang na-disappoint na hindi naunang gawin ang pagbabalik-tambalan sana nila.

"Ganun siya ka-in demand, e. Ganun siya ka-in demand na leading man sa generation na ito.

"Talagang hinahanap-hanap, so one at a time lang. ’Yan ang Box Office King namin."

OKAY WITH ANGELINE. Hanggang sa ngayon ay patuloy pa rin ang pagkukumpara kina Angeline Quinto at Sarah.

Kamakailan nga ay lumabas ang balita na hindi raw pumayag ang kampo ng Star Power Grand Champion na hindi maging kasinglaki ang picture niya sa billboard nila sa Belo, kaya nagkanya-kanyang billboard na lang sila.

Ayon kay Sarah ay hindi na siya naniniwala pa sa mga isyung lumalabas kung saan pinagsasabong talaga sila ni Angeline.

"Hindi naman kasi talaga maiiwasan ang pagku-compare.

"Okay lang yun, basta kami healthy competition lang.

"Okay kami ni Angeline. Hindi kami nagpapaapekto sa intriga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Wala na akong pinaniniwalaan sa mga issues na ’yan, lalo na pag ang motibo ay pag-awayin kami.

"Kasi hindi ko na rin siya binabasa [pag may intriga about us]."

"SISTER" KATHRYN. Marami ang nagsasabi na malaki raw ang pagakakahawig ni Sarah at ng young star na si Kathryn Bernardo.

Papasa nga raw na magkapatid ang dalawa kung mabibigyan ang mga ito ng proyekto na magkasama.

"Ang ganda nung bata. Hanga ako sa mga batang ’yan. Sina Kathryn at Julia [Montes].

"Salamat naman kung sinasabi na magkahawig kami. Tanungin na lang ninyo yung bata kung nagpapasalamat siya [na magkahawig kami].

"Siyempre ako, flattered naman ako na may ganung compliments.

"At aktres yung batang yun, iba yung galing niya. Nasabak siya agad sa mga acting projects.

"Kung [ako] gaganap na ate niya? Oo naman. Basta maganda yung role, bakit naman hindi?"

GOING INTERNATIONAL. May lumabas na mga balita na kinakausap na raw ni Atty. Michael Garfinkel si Sarah kung saan tutulong daw ito para ma-penetrate din ng Pop Princess ang international scene gaya ni Charice.

Ayon kay Sarah, isang malaking karangalan sa kanya kung magkakatotoo nga ito.

"Siyempre, kung may maibibigay kang karangalan sa sarili mong bansa, masarap sa pakiramdam yun.

"Why not? Kung may plano silang ganun, kung will ni Lord at para talaga sa akin, gagawin ko."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN