PART 1. Family and friends of murdered film critic Alexis Tioseco offer 1-million-peso reward for the arrest of suspect Criselda Gesman Dayag

It was two years ago, but the pain is still fresh for Gang Badoy, one of the close friends of murdered couple Alexis Tioseco and Nika Bohinc (main photo).

Badoy says, "Hindi pa namin makuhang bitawan ang laban na ’to. Kung mangyari rin siguro sa inyo ’to I’m sure maiintindihan n’yo kung bakit kahit two years na hindi pa rin kami tumitigil."


Halos magdadalawang taon na matapos maganap ang pagnanakaw at pagpatay sa film critic at journalist na si Alexis Tioseco at sa nobya nitong si Nika Bohinc.

Matatandaan na noong gabi ng September 1, 2009, naganap ang naturang krimen sa bahay nila Tioseco sa 39 Times St., Brgy. West Triangle, Quezon City.

Base sa mga report, ninakawan diumano ang kanilang tahanan ng mga alahas at cash, at nang dumating ang mag-nobyo’y pinagbabaril sila ng mga suspek. (CLICK HERE for related article.)

Kumusta na nga ba ang naturang kaso?

Naimbitahan ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na dumalo sa presscon ng mga kapamilya at kaibigan nila Alexis at Nika kaninang hapon, August 26, sa opisina ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Taft Avenue, Manila.

Kasama ang kanilang abugadong si Bernice Mendoza, humarap sa press ang pinsan ni Tioseco na si Nathan Tioseco, at ang mga kaibigan ng magkasintahan na sila Gang Badoy, Erwin Romulo, at Mia Sebastian.

CRISELDA DAYAG. Ang itinuturong isa sa mga kasangkot sa naturang krimen ay ang kasambahay nina Alexis na si Criselda Dayag.

Ayon kay Gang Badoy, ang head ng Rock Ed Philippines kung saan niya nakilala ni Alexis, halos magdadalawang buwan na raw nagtatrabaho si Criselda bilang isang kasambahay bago naganap ang krimen.

Inirekomenda raw si Criselda kay Alexis ng isang magbobote na umiikot-ikot sa kanilang lugar.

Ang kuwento ni Gang, "Nakuha nila [si Criselda] through a recommendation of the bote-dyaryo in the neighborhood.

"As in sinabi lang, I think I remember [asking] na ’paano n’yo siya nahanap?’

"Tapos, yung umiikot lang sa neighborhood ng Quezon City, recommend siya na naghahanap siya ng trabaho, pero wala kaming alam."

Pero, bago pa man daw mamasukan kala Alexis, may isa na silang kaibigan na unang nag-hire kay Criselda, ngunit tinanggal din agad ito.

"Meron kaming kakilala na dati niyang employer na kaibigan din namin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Tapos, parang sandali lang siya doon kasi hindi nagustuhan ng nanay yung pagtrabaho niya, or magulo din siya at that time.

"So, napalayas siya less than a month, if I’m not mistaken this is a family also from Quezon City."

Ngunit, habang patuloy ang pag-iimbestiga sa kaso’y may natuklasan sila Gang—meron na palang dating kaso ng pagnanakaw si Criselda.

Paglalahad ni Gang, "If I have my facts straight, and I’m glad we’re in NBI they can probably correct me, I know there has been a warrant of arrest for Criselda in 1998, I think it was [in] Pasay, same, same home invasion.

"She was also a helper in a home in Pasay. And they were robbed and I believe the family migrated or they’re no longer here, or they didn’t push through with the charges.

"But I know that meron na din siyang warrant since 1998."

Kinumpirma naman ito ni Zaldy Rivera, ang officer mula sa Death Investigation Division ng NBI, na siyang kasamang nag-iimbestiga sa kaso.

Pagsang-ayon ni Zaldy, "Yes, there was a partial already as early as 1999.

"Criselda and one man companion robbed a Chinese businessman somewhere in Pasay, she was charged for robbery.

"The Chinese man was only hog-tied, nilooban lang.

"It was only Alex and Nika who were killed by Criselda and her team."

THE REWARD. Ngayon, halos magdadalawang taon na nang maganap ang naturang krimen, at hanggang ngayon ay hindi alam kung saan nagtatago si Criselda at mga kasamahan nito.

Kaya naman naisip na ng mga kapamilya’t kaibigan nila Alexis at Nika na magbigay ng pabuya.

Ayon sa press statement ng grupo ni Gang, sinabi dito na handa silang magbigay ng "isang milyong piso sa sino mang makapagbibigay ng impormasyon, na makakadulot sa pag-aresto ni Criselda Gesman Dayag o makapaglulutas ng kasong ito."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero, paglilinaw ni Gang, ang pabuyang kanilang ibibigay raw sa posibleng impormante ay mula sa mga donasyong ibinigay ng mga kapamilya’t kaibigan ng magkasintahan.

Aniya, "I will say this again, I know this is not an emphasis on, na ang katarungan ay para lang sa mayaman. Pero actually, napakaraming nag-donate to come up with this amount.

"I don’t think you can take away from the family, or the friends who try everything to find out who murdered Alexis and Nika."

Hindi madali para sa kanila na pabayaang walang hustisya ang pagkamatay nila Alexis at Nika.

"Hindi pa namin makuhang bitawan ang laban na ’to," kalmadong sinabi ni Gang.

"Kung mangyari rin siguro sa inyo ’to, I’m sure maiintindihan n’yo kung bakit kahit two years na hindi pa rin kami tumitigil.

"Kung meron kang kamag-anak na pinatay, I think maiintindihan mo na sinubukan namin lahat.

"Ito yung one of the ways of trying, dahil despite the gallant efforts of the NBI, even of the QCPD, hindi pa din natin sila nahahanap.

"Kaya ito yung one of the resorts na gusto naming gawin ay magtanong sa publiko, kung kailangan, puwede ninyo kaming tulungan.

"Kung nangyari ito sa inyong minamahal, maiintidihan ninyo kung bakit hindi kami tumitigil sumubok man lang maghanap ng katarungan sa pagpaslang sa aming kaibigan at kapatid."

Habang nagbibigay ng kanyang pahayag ay hindi na rin napigilan ni Gang na maluha.

"If we had a choice, we’ll be more private about our grieves, kung may choice lang kami we could have kept it, we could have kept it to ourselves.

"But, siguro it’s just that we have no choice but to try everything, and to offer a reward para mag-lead to an arrest, just to get us to the truth, to find some form of justice.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kahit hindi naman sila mababalik, kahit may feeling ako hindi rin naman comforting yun, pero at least, at least we tried."

Samantala, mahinahon namang nagbigay ng pahayag ang pinsan ni Alexis na si Nathan Tioseco.

Wika niya, "Just in behalf of the Tioseco family, let me start by thanking the media and the NBI, and all of Alexis’s friends for helping in this investigation.

"It’s almost been two years since the murder, and it’s time we get answers and justice and finally some closure in the case.

"So, hopefully with the help of the public, and the NBI working together, we can arrest Criselda and finally get what were looking for here—which is closure."

Kung mayroon kayong impormasyon tungkol kay Criselda Dayag, ipagbigay alam lamang ito sa NBI Death Investigation Divison sa mga numerong 526-3747, 0947-7211901, at 0905-3758861.

Bukas din ang PEP.ph sa paglalathala ng pahayag mula sa mga taong may kinalaman sa mga taong nabanggit o pagtanggap ng impormasyon tungkol sa itinuturong kasangkot sa naturang kaso.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN