PART 2. NBI gives update and details in the investigation on the case of murdered film critic Alexis Tioseco

"We went as far as Naga [City] in Cebu to look for Criselda. Unfortunately, she was no longer there, up to this point in time we’re still locating her." This was the statement given by Zaldy Rivera, the NBI officer under the Death Investigation Division, who is in charge of the case investigation


Sa September 1 ang ikalawang anibersaryo ng pagkamatay ng film critic na si Alexis Tioseco at ang nobya nitong si Nika Bohinc.

Hanggang ngayon ay hindi pa naaaresto ang itinuturong suspect sa pagpaslang na si Criselda Gesman Dayag, at tatlo pang kasamahan nito.

Naimbitihan ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa naganap na presscon ng mga kapamilya at kaibigan nila Alexis at Nika, sa opisina ng NBI sa Taft Avenue, Manila, kaninang hapon, August 26.

Dito’y ipinahayag nila na handa silang magbigay ng "isang milyong piso sa sino mang makapagbibigay ng impormasyon, na makakadulot sa pag-aresto ni Criselda Gesman Dayag o makaaglulutas ng kasong ito." (CLICK HERE for related article.)

Pero, ang palaisipan sa lahat, ano nga ba ang nangyari noong gabing iyon ng September 1, 2009?

THE CRIME. Ayon sa kuwento ni Mia Sebastian, isa sa mga kaibigan nina Alexis at Nika, sinundo niya ang magkasintahan sa kanilang bahay para lumabas sandali.

Mga bandang alas-siete raw iyon ng gabi, at nakapasok pa siya sa bahay nila Alexis.

"Hinatid ko sila pabalik sa bahay mga around 10:30 or 10:40," simula ng salaysay ni Mia.

"I was supposed pa nga to get inside the house to watch DVD with them. Then Alexis said, ’Maybe next time, I’m tired.’

"So, I said okay. We said goodbye and I left."

Ayon pa sa kanya, may mga salaysay raw na nakapatay ang lahat ng ilaw sa bahay nila Alexis, bagay na hindi niya natiyak.

Sa mga naunang imbestigasyon ng Quezon City Police District, may lumabas na artist sketch, base sa deskripsyong ibinigay ng ibang witness, na kamukha ng family driver nila Alexis na si Danilo Jomoc, Sr.

Si Danilo ay matagal nang nagtatrabaho sa Agila Gas, ang negosyo ng pamilya ni Alexis, na ipinasa sa kanya ng kanyang yumaong amang si Leonardo Tioseco.

Inaresto si Danilo ng QCPD, base na rin sa artist sketch na nasa kamay nila. Gayunman, napawalang-sala ito nang mapatunayang nasa Batangas ito nang maganap ang krimen.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paglilinaw ni Gang Badoy, "Just to make it clear, yung driver na supposedly na-arrest siya actually, eventually is the family driver of sila Alexis.

"In fact, he still works with the family, and they were able to know, hindi siya yung witness, let me correct you.

"In fact, ni-release siya after less than a week kasi na-prove na he was somewhere else that night, in Batangas, where he was working on something Alexis and his family asked him to do. He worked for their company."

Isa sa mga pangunahing witness sa naganap na krimen ay ang isa pang kasambahay nila Alexis na si "Manang" Magdalena Patpat.

Bilang tagapagsalita ng grupo, binasa ni Gang ang press statement kung saan inilahad ang nangyari noong gabi nang maganap ang krimen:

"Ayon sa testimonya ng mga testigo, noong ika-1 ng Setyembre 2009, pinasok ng tatlong di-kilalang lalake ang bahay nina Alexis at Nika sa Quezon City sa tulong ng bagong kasambahay nina Alexis at Nika na si Criselda Gesman Dayag. Pinagbabaril diumano ng tatlong lalake ang walang-laban na sina Alexis at Nika at tumakas gamit ang kotse mismo ni Alexis, dala-dala ang pera at ilang kagamitan na natagpuan sa bahay.

"Naglabas na ang Regional Trial Court ng Quezon City ng Warrant of Arrest para kay Criselda Gesman Dayag ngunit hanggang sa ngayon ay hindi pa rin siya matagpuan ng mga pulis at imbestigador."

NBI INVESTIGATION. Nabigyan ng pagkakataon ang NBI sa naturang presson, na magbigay ng updates tungkol sa kaso.

Si Zaldy Rivera ang naka-assign na NBI officer, sa ilalim ng Death Investigation Division, na mag-imbestiga sa naturang kaso.

Panimulang pahayag ni Zaldy, "We just want to make it clear that the NBI Death Investigation Division started to handle the case on September 7 of 2010, but the crime transpired on September 1st of 2009.

"It was the Quezon City Police District who handled the initial phase of the investigation, and the filing of the case."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

At pagkumpirma niya, "Now, when we received it, we conducted our own investigation and we found out that it was indeed Criselda Dayag responsible for the killing of Alexis and Nika, together with her three male companions."

Nabanggit din ni Zaldy na kanilang pinuntahan ang dating bahay ni Criselda sa Naga City, sa Cebu. Ngunit, hindi na nila ito naabutan sa naturang lugar.

"We went as far as Naga in Cebu to look for Criselda. Unfortunately, she was no longer there. Up to this point in time we’re still locating her.

"[In] the ancestral home of Criselda Dayag, she was no longer there, and according to the relatives and some neighbors there, broken family pala ’to.

"So, [she’s] separated from her mother and father."

May tatlong anggulo raw na tinitingnan ang NBI para sa naturang kaso.

"Well, the NBI uncovered three angles," pahayag ni Zaldy.

"The most probable angle they did it is due to, I mean, robbery.

"However, they still waited for Alex and Nika to come over before they took off from the house.

"So, we were suspecting that aside from the pieces of jewelry and cash which were looted earlier, they were trying to kidnap the two, and set them off for high prized ransom because the two belongs to two affluent families."

Gayunman, tumanggi si Zaldy na magbigay ng detalye nang tanungin sa dalawa pang anggulong tinitingnan ng ahensya.

"The other two? I’d rather not comment on that muna," saad niya.

Bukas ang PEP.ph sa paglalathala ng pahayag mula sa mga taong may kinalaman sa mga taong nabanggit o pagtanggap ng impormasyon tungkol sa itinuturong kasangkot sa naturang kaso.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN