Edgar Allan Guzman says he was nervous shooting first scene with Nora Aunor

Isa pang pangarap ni Edgar Allan Guzman ang natupad, nang mapunta sa kanya ang papel ng stepson ni Nora Aunor, in Sa Ngalan Ng Ina, ang mini-series na ipapalabas sa TV5.



Hindi ikinaila ni Edgar Allan Guzman ang naramdamang kaba sa una nilang pagharap sa kamera, bilang magkaeksena, ng Superstar na si Nora Aunor sa unang araw ng taping nila para sa TV5 mini-seryeng Sa Ngalan Ng Ina.

"Kaba... na baka mag-buckle ako. Baka ma-take 2. Siyempre, ayaw naman natin ’yon. Nakakahiya kung ako yung magpasimula ng take two," pagtatapat ni Edgar Allan sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) matapos ang unang eksenang ginawa kasama si Nora bilang kanyang madrasta.

Naganap ito noong Lunes, August 22, sa isang malaking ancestral house sa kabisera ng Taal, Batangas.

Sa kuwento, si Nora ay si Donya Elena Deogracias, pangalawang asawa ng alkalde ng bayan (Bembol Roco) na ama ng ginagampanang papel nina Edgar Allan Guzman, Nadine Samonte, Alwyn Uytingco, at Eula Caballero.

"Nakakakaba!" pag-ulit ni Edgar Allan.

"Alam mo naman si Ate Guy, di ba? Patawa-tawa lang [during rehearsals], pero pag eksena na, ayun na, ramdam mo siya! So, kailangan maramdaman ka rin niya."

Sa espesyal na mini-seryeng sisimulang ipalabas ngayong Oktubre 2011, mapalad si Edgar Allan na mapabilang sa malaking cast ng mga Kapatid talents na co-actors ngayon ni Nora.

Not to mention na ang kanilang direktor ay ang multi-awarded actor and equally respected filmmaker, Mario O’Hara.

Ang unang eksenang kinunan, with Nora and Edgar Allan, ay kumakain sila ng agahan sa isang opulent dining room, kasama ang dalawa pang anak na babae ni Donya Elena, Nadine (as Andrea) at Eula (as Elsa).

"Medyo naiilang ako sa pagkain ko!" natatawang banggit ni Edgar Allan.

Sa eksena, kailangan ay lively ang discussion dahil ang character niya as young police recruit, Angelo Deogracias, ay likas na mapagbiro at malambing sa kanyang stepmom.

"Kailangan, straight, hindi nakukuba," sabi pa ng batang aktor. "So, kailangan yun ang aralin ko. Pulis ako dito, so macho-macho [dapat]."

Paano naghanda si Edgar Allan para sa kanyang unang pagsabak sa taping ng Sa Ngalan ng Ina?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nung binigay ni Direk [Mario] yung sasabihin, nakinig akong mabuti, kung anong last line [na susundan], saan ako papasok. Para hindi ako yung cause of delay.

"Dun ako kinakabahan. Baka magkamali, baka mag-buckle. Dun lang naman.

"Sa emosyon, okey naman. Kumbaga, sa akin naman yun, e. And, siyempre kailangan makipagsabayan din ako.

"Kaya sinasabi kong ’kailangan mas malaki’ [ang dating ng akting ko] dito, para mas maramdaman niya [Nora]."

ON WORKING WITH ATE GUY. "Pinagpawisan ako!" natatawa pang sambit ni Edgar Allan sa PEP.

"Siyempre, unang-una kong kaeksena, tapos superstar pa yung kaeksena mo, di ba? Bakit di ka naman kakabahan?

"At saka hindi ka na mapakali dahil... di ba? Sa akin, iba ito, e. Alam mo yun? Iba ito sa mga nakatrabaho ko.

"Marami na rin akong nakatrabahong... talagang bigatin. [Pero] iba rin si Miss Nora Aunor. Isa sa mga tinitingalang artista.

"Nakakakaba! Iba yung feeling!

"So, masarap naman kasi nalagpasan ko na yung isang eksena. Ano pa, pito pang eksena ang lalagpasan ko ngayon."

That night, napanood din ng PEP ang light scene ni Edgar Allan with Alwyn. Ang iba naman, kinunan sa sumunod na taping day, on August 24, sa kabilang location (Unit 2, with director Jon Red).

Ang kinunang eksena nina Ate Guy at Edgar Allan noong Miyerkules, same location, ay mas kuwela. Silang dalawa lang sa eksena sa supposed room ni Donya Elena.

Upang mapawi ang lumbay ng Donya, inaliw ni Angelo (Edgar Allan) ang kanyang stepmom sa pagkukuwento ng una niyang mga karanasan bilang pulis, habang bahagyang minamasahe ang likod at balikat nito.

Nakaupo sa harap ng antigong tokador si Donya Elena at nag-uusap sila ng stepson sa harap ng salamin.

Tuwang-tuwa ang Donya sa kuwelang pagkukuwento ng paboritong anak-anakan; na inilalabas ang maliliit na muscles, na kita pati buhok sa kilikili.



After the take, pinanood nina Direk Mario at Nora ang kinunang eksena. Bakas sa mukha nila, especially Guy, ang pagiging satisfied at impressed with Edgar Allan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"E, best actor ’yan, e!" sambit ni Direk Mario, referring to Edgar’s recent win at the Cinemalaya Filmfest for Erick Salud’s Ligo Na U, Lapit Na Me.

Nangiti lang naman ang young actor, who was both flattered and thankful na na-appreciate ni Ate Guy at ni Direk Mario ang kanyang pagsisikap na makaarte nang maayos sa ginawang eksena.

DREAMS FULFILLED. Isa pang pangarap ni Edgar Allan ang natupad nang mapunta sa kanya ang papel ng stepson ni Nora Sa Ngalan Ng Ina.

"Nung una pong in-offer [ang role], hindi muna sinabi sa akin ni Sir Noel [Ferrer, Edgar’s manager].

"Sinabi niya nung talagang confirmed na, na gusto nila akong isali sa cast.

"Sabi ko, ’Bakit hindi po?’ Kumbaga, ako po na isang baguhang aktor, isang baguhang artista... napakasuwerte ko po para masama sa ganitong show, na bigatin yung mga artistang kasama.

"All-star yung cast!" Edgar Allan said with great pride.

"Christopher de Leon, Bembol Roco... lahat, kumbaga, award-winning actors!

"Tapos, Rosanna Roces, Nadine Samonte... Nora Aunor! Malalalim na mga artista. Ako po, yun po ang gusto ko.

"Drama talaga is my forte po, sa acting.

"Yung dreams ko din po [sa career], isa-isa po siyang natutupad," masayang wika pa ni Edgar Allan, na una’y nangarap magbida sa pelikula, magkaroon ng regular TV shows, tulad ng teleserye, at manalo ng acting award.

Hindi akalain ni Edgar Allan soon enough, pati sa isang mini-serye, with such formidable co-actors led by Nora Aunor, ay mapapabilang siya.

"Kahit mini-series lang siya, kahit five weeks lang [ipapalabas]... Actually, si Sir Noel po yung talagang gustung-gusto niya. Na pangarap ko na makatrabaho yung mga iba ring artista [tulad nila].

"Mabait po si Sir Noel, kumbaga parang tatay ko na [siya]," pagtukoy pa ni Edgar Allan sa manager.

"Bilang manager, bilang pangalawang tatay ko, alam niya yun sa sarili niya na gusto ko ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"At ako naman po, hindi naman po ako tumatanggi. Pag trabaho, trabaho. Basta maipapakita ko yung talento ko, bakit hindi?

"So, nung in-offer po ito sa akin, sobrang nakakatakot, nakakakaba. Kasi mga artistang beterano po yung makakasama ko.

"Hindi naman biro yung mga pinagdaanan nila sa showbiz. Ilang years na din sila, e, ako po, nagsisimula pa lang.

"At kailangan makipagsabayan ako, kaya bago ako pumunta dito [sa set], talagang nag-prepare po ako."

FAVORITE SON. Sa mini-serye ay paboritong bunso, na itinuturing ding tunay na anak ni Nora, si Edgar Allan.

Sa totoong buhay, si Edgar Allan ay isa ring mapagmahal na anak ng kanyang mommy, si Mrs. Rosario Guzman.

Nagkataong parehong biyuda ang mommy ni Edgar Allan at ang character ni Nora as Donya Elena.

"Kaya in-adopt ko yung kung ano yung role ko ngayon sa mommy ko; kung ano yung pakikisama ko sa mommy ko, ganun din yung [ginawa] ko rito.

"Before mag-taping, nasa character ko, na pulis ako... Opo, mabait ako dito!" tawa pa ni Edgar Allan.

"Ako dito yung taong mabait, yung laging kasama, laging inaalagaan si Ate Guy."

Hindi ba siya magiging corrupt na pulis?

"A, hindi. Talagang mahal ko yung trabaho ko," sabi niya.

Hindi kaya may twist na mapapahamak siya at mapapatay?

"Hindi naman. Ano lang, yung [maraming] mabibigat na scenes; mga iyakan, gano’n.

"Alam mo naman, pag gano’n, gusto ko naman ’yon."

Sa mini-serye ay dutiful stepson si Edgar Allan. In real life, mapagmahal din sa kanyang ina ang young actor kaya masaya para sa kanya ang kanyang mommy Rosario.

"Mabait siyang anak," wika rin ng mommy ni Edgar Allan nang sandaling makapanayam ng PEP.

PEACEFUL. Hinggil sa kanyang personal na buhay ay nag-beg off si Edgar Allan.

Maliban sa pinakahuling mga naiulat, about him and his girlfriend Johlan Veluz, ay wala aniyang mga bagong kaganapang kailangang bigyang-linaw.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Opo, matagal na po [akong umuwi sa amin], okey na yun. Sorry na. Kumbaga, akin na lang po yun.



"Okey na yun. Wala na yun. Tahimik na po kami [ni Johlan]. Tahimik na po. Yun na po.

"Bumalik na po ako [sa amin]. Yun lang," sabi rin niya.

Otherwise, bukod sa pagte-taping ng Sa Ngalan Ng Ina ay abala rin si Edgar Allan sa regular weekly shows, tulad ng Lokomoko at Hey! It’s Saberdey!, both on TV5.

Napapanood pa rin siya sa teleseryeng The Sisters on weekdays. Papel ng gay friend ni Nadine Samonte ang character ni Edgar Allan.

"Patapos na [ang teleserye]. Last taping ko na nung Thursday [August 18], so, wala na," aniya.

"Okey naman. Gusto ko naman po yung role [ng bading].

As in Bisperas, the Cinemalaya (Directors’ Showcase) entry by Jeffrey Jeturian na nanalong best picture.



"Yung pagiging gay ko dun, tago, e. Nasa loob ko lang.

"Sa The Sisters, the way na magsalita ako, nando’n yung [flamboyance ng character], na nakikita ng tao."

Excited si Edgar Allan, lalo sa commercial theatrical run ng Ligo Na U Lapit Na Me.

"Sa September 28 na. Sana, pasukin ng [mga] tao," hiling niya.

Bukod dito, hinihintay pa rin nila ng kanyang manager ang susunod na movie project, ayon sa estado ng young actor. Regal Entertainment contract star na rin nga si Edgar Allan.

"Sana. Yun naman ang idinadasal ko, e," sabi niya.



Bilang selebrasyon ng ika-limang taon niya sa show business, mayroon siyang ni-record na CD album titled Breakthrough.



"Fifth anniversary album ko. Five songs lang naman. Alam ko, ni-launch na," sabi ni Edgar Allan.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN