Ian de Leon bonds with mom Nora Aunor on set of miniserye

Ian De Leon wasn’t bored on the set of the TV5 miniserye, Sa Ngalan ng Ina, at walang complaints na nabanggit hinggil sa takbo ng kanyang pagiging artista.

"Oo, may projects... blessing! Pagka-ano, eto, pasulput-sulpot," nakangiting banggit ni Ian bilang pagtukoy sa takbo ng kanyang showbiz career. Madalas lumabas ang aktor sa mga shows ng GMA-7.



To say that Kristoffer "Ian" de Leon is happy about his mom, Superstar Nora Aunor’s comeback in showbusiness, is an understatement.

Ian, Nora and Christopher de Leon’s only son, was gushing with happiness when interviewed by PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) on the set of the TV5 mini-serye Sa Ngalan Ng Ina in Taal, Batangas.

Bumisita ang PEP sa nasabing taping site last Monday, August 22, at mahaba-habang panayam kay Ian ang naganap.

Naroon ang aktor ala-una ng tanghali, pero nakunan siya sa isang malaking eksena ng serye sa pagtatapos ng scheduled taping, kinabukasan ng madaling-araw.

Ginagampanan ni Ian ang papel ng chief security personnel ni Governor Elena Deogracias, ang character ni Nora.

Sa sumunod na taping day, Wednesday, August 24, ay nasa set uli si Ian, at maaga na siyang naisalang sa eksena, kasama sina Ate Guy at ang young actor na si Edgar Allan Guzman, as new police recruit Angelo Deogracias, the elected Governor’s stepson.

Hindi muna umuuwi si Ian kahit tapos na ang kanyang mga eksena. Magkasama sila ng kanyang actress-mom sa silid na laan sa kanila, at patuloy na nagba-bonding.

Kung maagang matapos at makauwi si Nora ay maaaring maiwan si Ian sa set, tulad noong Lunes. Pero matapos man nang maaga, hihintayin nito ang kanyang mommy at sabay silang uuwi ng Manila.

Kasalukuyang naka-billet si Guy sa isang hotel in Eastwood, Quezon City, while Ian is living with his dad, Boyet de Leon, in a separate house within the De Leon compound in Las Piñas City.

Ian wasn’t bored on the set at walang complaints na nabanggit hinggil sa takbo ng kanyang pagiging artista.

"Oo, may projects... blessing! Pagka-ano, eto, pasulput-sulpot," nakangiting banggit ni Ian bilang pagtukoy sa takbo ng kanyang showbiz career.

Madalas lumabas ang aktor sa mga shows ng GMA-7.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Paganun-gano’n... ang huli kong teleserye yung Alakdana. [Last] June kami natapos," aniya.

He is, indeed, grateful na hindi siya nawawalan ng kinasasalihang project kahit daw guesting-guesting lang.

"Hindi nawawala... praise God!" sabi pa niya.

How does Ian sustain his needs, with such relatively small projects and meager earnings?

"E, marunong naman tayong mag-survive," sambit niya.

CAREER PATH. Sa pelikulang mainstream ay manaka-naka na ring napapanood si Ian de Leon, unlike during the heyday of Nora na at one point in the ’90 ay pareho sila ng kanyang actor-son na naging contract stars ng Viva Films.

During Nora’s eight-year absence from local showbiz (she was in the U.S.), Ian was relegated to minor support roles as in the MMFF entry Enteng Kabisote 4 in 2007.

It was then that he decided na gumawa na rin ng mga pelikulang independent, o indie films.

Naging tampok siya bilang major support sa obrang Carnivore, isang dark thriller na dinirek ni Ato Bautista at prinodyus ni Erik Matti under his outfit, Reality Entertainment. Ipinalabas ang pelikula as entry sa digital competition ng Cinemanila International Filmfest ’07.

In 2009, gumanap din si Ian as one of the leads sa indie film na Tutok, directed by Joven Tan. Ginampanan niya ang papel ng isang left-leaning hostage-taker.

Sa dalawang indie films ay parehong off-beat, na may matinding violent streak, ang papel niya.

"Masaya sa indie, kasi puwede mong paglaruan yung role mo. Dun ko lang nailalabas lahat," nakangiting sabi ni Ian.

Bilang aktor, Ian started doing movies in 1985 at the age of 10.

Isang child superhero si Ian sa comedy movie titled Super Wan Tu Tri, topbilled by the comic trio of Tito, Vicm and Joey, Idinirek ito ng namayapa nang si Luciano "Tata Chaning" B. Carlos para sa Regal Films.

Isang "lehitimong" Regal baby si Ian, bago siya naging contract star ng Viva Films as a teen actor who was re-introduced in Joel Lamangan’s Pangako Ng Kahapon (1994).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero bahagi na siya ng pampublikong kamalayan, simula pa sa kanyang pagiging sanggol at unti-unting paglaki, dahil isang superstar at famous actor ang kanyang mga magulang (Nora and Boyet), na nagsama bilang mag-asawa mula 1975 hanggang 1977.

Through the years, nakilala si Ian, bilang younger brother ni Lotlot de Leon (Nora’s first adopted daughter); hanggang sa naging Kuya Ian din siya nina Matet de Leon na naging child wonder of Philippine movies in the ’80s, at dalawa pang adopted sons ni Nora (na kinilala na rin ni Boyet), sina Kiko (Kenneth Isaac) at Kenneth (Kenneth Randy), na ngayo’y kasama nina Lotlot at Matet.

Multi-award-winning actor na din si Ian, having won best child actor awards from the Metro Manila Filmfest ’86 para sa Halimaw ("Komiks" episode), directed by Boyet; and FAMAS ’86, para sa I Love You Mama... I Love You, Papa (pinagsamahan ng mag-anak na Nora, Boyet, Ian and Lotlot), directed by Maryo J. de los Reyes.

Nagawaran din siya ng parangal bilang pinakamahusay na aktor sa telebisyon para sa isang drama episode (best single performance by an actor) sa PMPC Star Awards for Television noong late ’90s.

Sa kasalukuyan ay nasa ilalim ng pamamahala ng TAPE, Inc., under Malou Choa-Fagar, ang showbiz career ni Ian.

HAPPY WITH MOM AND DAD. Ikinuwento ni Ian sa PEP ang naging komunikasyon nila ni Nora habang nasa Amerika ito.

"Halos araw-araw," aniya. "Pag hindi ako makatulog, ite-text ko siya, ’Ma, hindi ako makatulog, ano’ng gagawin ko?’"

Bagay na kinumpirma din ng Daddy Boyet ni Ian sa isang hiwalay na interview ng PEP a few months back, na ang sabi pa’y nadi-disappoint ang anak kapag hindi sila nagkaka-communicate ng kanyang mommy.

Sadyang naging malapit si Ian sa kanyang mga magulang, especially Nora.

This explains kung bakit ganun na lang kasaya ang actor-son sa matagumpay na pagbabalik sa bansa at sa showbiz career ng kanyang ina.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Mas nakakapag-communicate at bonding na raw sila ni Ate Guy.

"Oo, lalo na ngayon, madali," nakangiting sambit uli ni Ian.

"Pag hindi kami nagkikita, kinukulit ko siya sa text, tinatawagan ko. Uubusin ko ang load ko..."

But Ian has lived with his dad these past years now, kahit noong narito pa si Ate Guy.

"Oo, Masaya dun," sabi rin niya, referring to his place in Las Piñas City, na katabi ng tinitirhan nina Boyet at asawang aktres na si Sandy Andolong and their children.

"Pero separate kami ng bahay, sa isang compound. Kay Lolo Gil [de Leon, former LVN actor] dati yung bahay, ipinaayos ni Daddy.

"Sabi niya, ’O, sige, dito ka...’"

STEADY GIRLFRIEND. Marami na ring pagbabago sa set-up ng pamilya nila, hindi lang dahil nag-mature na si Ian at malaon nang hiwalay ang kanyang parents, kundi lumaki na ang pamilya ni Boyet kay Sandy.

Si Christopher ay naglilingkod bilang Board Member sa Batangas. At si Nora naman ay naging maganda ang kapalaran ngayon sa kanyang "nth showbiz comeback."

"Masaya, pero siyempre gusto ko ring maka-move out, at [mag]sarili, na ako lang mag-isa," sabi ni Ian.

Hindi pa niya iniisip ang magkaroon ng sariling pamilya sa ngayon.

When asked about the possibility of a live-in relationship, Ian jokingly said, "Wala. Masama ’yon. Magagalit si Papa God nun sa akin. Traditional ako, e."

What about his former wife, Issa Vicente?

"Before, oo. Matagal na ’yon," saad ni Ian.

At muling nagbiro, pabulong. "Baka marinig ng ’baby’ ko ngayon..."

Then he revealed to PEP ang kanyang current steady girlfriend.

"Jennifer Orcine, 23 years old," pagtukoy ni Ian sa name at edad ng girlfriend niya.

"Oo. Magpu-four years na kami. Gusto ko na rin mag-settle down kasama niya. Super bait [siya], sobrang maasikaso."

Nabanggit din ni Ian ang paghahanda nila ni Jennifer para sa immediate future.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May sinimulan silang business, ang Catalyst Media, isang advertising firm.

Graduate ng kursong computer graphics design si Ian at ang hilig niya ay ugnay sa sining ng CGI (imaging) at animation. In fact, may mga graphics art works na siya at iniisip niyang tipunin at gawan ng exhibit ang mga ito sa nalalapit na hinaharap.

"Tinutulungan niya [Jennifer] ako sa mga connections niya," pagbibida pa ni Ian hinggil sa kanyang girlfriend.

"Nagmu-model na rin kasi siya. So, tumutulong rin siya sa akin, sa mga kliyente namin."

Lately, sabi rin ni Ian, naipakilala na niya si Jennifer sa kanyang Papa Boyet.

"Oo naman. At kay mommy [Nora]."

PRESSURES. Sa panunumbalik ng kasikatan at superstar status ni Nora, hindi maiiwasang maging sina Ian, Lotlot at Matet, ay maging sentro uli ng limelight, as they used to be.

"Ang init nga, sobra!" pagtukoy ni Ian.

"Personally, on my part lang... sa akin, sanay ako sa... yung steady mode lang.

"Na yung career namin, halimbawa, nina Ate Lotlot at Matet, ganon’n lang. Tapos, biglang..."

Nangiti si Ian, na parang hindi pa rin makapaniwala. Kabi-kabila raw ngayon ang interviews niya.

"Interviews... [pero] sana, projects!" diin pa niya.

How about the seemingly never-ending intrigues involving his mom and John Rendez?

"Wala na kaming panahon diyan," diretsong sagot ni Ian.

Maging sa pagsasalita ay kinakitaan ng pagiging kalmado ang anak ni Ate Guy sa gitna ng mga kasalukuyang pangyayari.

"Eto, buhay kami. Masaya kaming magkasama," wika rin ni Ian. Yun daw ang mas mahalaga.

"Wala na kaming panahon sa mga negative [issues], na magpapapatol kami? Sayang lang ang buhay namin kung magpapapatol kami.

"Sabi ko nga... minsan, nagkuwentuhan kami ni Mommy, sabi ko, ’Wala na tayong panahon diyan, Ma, sa mga ano... past! Dahil nakakabigat lang ’yan sa pag-move forward natin.

"’I mean, focus na lang tayo sa panahon ngayon, sa kinabukasan. Gawin natin yung kailangang gawin. Tapos!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"’Basta, masaya tayo. Wala tayong problema. Bahala sila!

"’Basta, bahala silang mamrublema, [at] kayanin ang mga negative na ’yan...’" sambit nga raw ni Ian kay Ate Guy, proving how open-minded he has now become.

"Oo naman," nakangiting tugon niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN