Ali Sotto on Angel Locsin and Phil Younghusband: "Kung kasi committed na sila, ipapakilala na ni Angel si Phil sa akin noon pa."

Anak ang turing ni Ali Sotto (above) kay Angel Locsin (inset) noong maging girlfriend nito ang yumaong anak ni Ali na si Miko. Ilang taon nang nakakalipas ay hindi pa rin daw nababago ang mag-inang relasyon nila ni Angel.



Happy si Ali Sotto sa binigay na talk-drama program ng GMA News TV sa kanya bilang kapalit nang nawalang daily show niya na Star Box.


Mas gamay raw ni Ali ang ganitong format ng show kunsaan nakikipag-interact siya sa iba’t ibang mga tao nang harap-harapan para alamin ang kanilang mga problema.

Ayon kay Ali, ang Personalan ay ang pang-public service niya since na-miss na raw niya ang pagbibigay ng serbisyo publiko via radio.

"Personalan is my contribution to public service. Nasanay na kasi ako noon na marami tayong natutulungan through a radio program. This time, it’s a show na napapanood ng marami and we get so [much] feedback sa Facebook page namin.

"Marami na kaming natutulungan na mga pamilya, magkakaibigan at magkakapitbahay. Hindi kasi puwedeng matapos ang show namin na hindi sila nagkakaayos.

"At least man lang ay mabawasan namin ang anumang ill-feelings nila sa kung kanino man na kaharap nila. Mas masarap yung matutulog ka sa gabi na wala kang kaaway or kinaiinisan, ’di ba?

"And through the help of our life coaches sa show, mas naiintindihan namin ang mga pinagdaraanan nila. We give them some exercises para maka-cope sila sa kanilang emotions.



"Ang goal ng aming show ay puwedeng madaan sa maayos at mahinahon na usapan ang lahat. There’s no need for any exchange of harsh words or maging bayolente tayo in public," pahayag ni Ali nang bisitahin siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) during the taping ng Personalan last August 24 sa Studio 4 ng GMA Network Center.

MEMORIES OF MIKO. May pagkakataon daw na nadadala ni Ali ang problema ng kanyang guests pag-uwi niya after ng taping. Masyado raw kasi niyang na-a-absorb minsan ang problema kaya parang stressed out siya pagkatapos ng taping.

"We tape kasi three episodes in one day. So tatlong cases ’yan na iba’t ibang problema. May problema sa kamag-anak, may problema sa girlfriend, may problema sa maingay na kapitbahay at kung anu-ano pa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So dahil host ako, I have to listen and get involved sa kanilang mga hinaing. As much as I’d like to be detached, mahirap din, e lalo na if the problem is about losing a family member.

"Mahina ako when it comes to those situations na may namatayan sa pamilya. I have experienced that with my son [Miko Sotto] kaya hindi madaling mawala at kalimutan.

"I hold back my tears. Ayoko rin namang ipakita on TV na humahagulgol ako. I have to be strong for these people.

"Alam ko na mahirap iyon and it will take years bago mo masabi na you are okay and you are moving on. It really takes time and prayers para ma-survive mo ang ganyang situation.

BLIP. "Doon naman sa mga medyo hyper ang problema na hindi minsan mapigilan ang magsabi ng mga hindi kanais-nais na mga words sa taping, may times na gusto mo na rin silang sagutin, e. Pero hindi puwede kasi nandiyan ka to [mediate] their problem.

"May isang guest nga kami na ilang beses niyang nabanggit ang isang word na bawal na gamitin. Buti na lang kamo at taped kami kaya maaayos sa editing. Hindi siya puwedeng i-live kasi malalagot kami sa MTRCB.

"Pigil ang lahat ng emotions ko. May times I’d like to laugh out loud dahil sa nakakatawang situation ng problema nila. Yung tipong nagsimula lang sa simpleng bagay hanggang sa lumaki na lang at matatawa ka sa katwiran.

"May times na gusto kong magalit naman kasi hindi nila sinasabi ang buong detalye. Yung gusto mong [mag] sermon on-air pero hindi puwede.

"What I learned on Personalan is to control my emotions. Before talagang magsasalita ako ng gusto ko. Sa radio show ko before walang nakakapigil sa akin. I will say what I feel like saying. But now, we have to practice control. Like what the show’s goal is, madadaan lahat sa mahinahon na pag-uusap," ngiti pa niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Naikukumpara ang show ni Ali sa Face to Face ni Amy Perez sa TV5. Halos pareho raw ng concept na pinaghaharap ang mga nagkakaproblemang magkakapit-bahay, magkamag-anak at magkakaibigan.

Okey lang kay Ali na maikumpara ang show niya sa show ni Amy dahil magkaibigan naman daw sila. Although hindi pa sila nagkakausap, parati naman daw silang nagpapalitan ng mga messages sa Facebook.

"Kaibigan ko si Amy and okey lang if they compare me sa show niya. Pero huwag nilang kalimutan na i-compare ang show niya sa Jerry Springer Show. Yun ang original sa format na ginagawa namin.

"Lahat naman ng shows ngayon, hindi mo ma-ke-claim na original ang concept. May mga pinanggagalingan lahat ’yan. Be it a sitcom, drama series, musical-variety show, talk show at kung anu-ano pa, there is an original concept na pinanggalingan.

"Kanya-kanya namang paraan yan, e. Nasa presentation lang naman ’yan. Yung kay Amy, mas nauna kaya nagkaroon sila ng market audience. Itong Personalan, kelan lang kami nag-start but we are gaining televiewers na. Paunti-unti naman ang lahat at hindi biglaan na mage-get nila ang gusto mong ipakita sa kanila.

"I am happy for Amy because they found the right show for her. Sana magkita kami soon so we can catch up on things. Miss Friendship naman ako, e," tawa pa ni Ali.

ON ANGEL LOCSIN. Maayos pa rin ang relasyon ni Ali Sotto kay Angel Locsin. Nagkakausap pa rin daw sila at kelan lang ay pinasalubungan siya ni Angel anng manggaling ito sa kanyang bakasyon sa Paris, France.

Anak ang turing ni Ali kay Angel noong maging sila ng yumaong anak ni Ali na si Miko. Ilang taon nang nakakalipas ay hindi pa rin daw nababago ang mag-inang relasyon nila ni Angel.

"Alam naman ni Angel na nandito ako para sa kanya. Never naman akong nagalit sa kanya. Alam niyang hindi ako magagalit sa kanya dahil alam kong mabait siyang bata.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kahit saan man ako naroon, she finds a way to contact me and nagkakaroon kami ng communication. Mahal ko ang batang ’yan at napagkakatiwalaan ko.

"Like noong umalis ako ng higit na tatlong taon, iniwan ko sa kanya yung aso ko. Sabi ko na alagaan niya kasi hindi ko madadala sa pupuntahan namin ng asawa ko.

"Noong makabalik ako, hinatid pa ni Angel yung aso ko sa bahay. Malusog yung dog ko at talagang inalagaan niya nang husto ito habang wala ako," pag-alala pa ni Ali.

Isa pang kinakatuwa ni Ali ay pinapakilala ni Angel ang kung
sino ang bagong karelasyon niya. Tulad noon, dinala nito si Luis Manzano sa bahay ni Ali para ipakilala sa kanya.

"It’s nice to know that Angel still feels na kailangan niya ng approval ko kapag may karelasyon niya. Para na nga kaming mag-ina talaga. Pero hindi ako yung tipong makikialam sa private life niya. Kapag na-meet ko ang guy, hihingi siya ng comment from me. Gano’n kaming dalawa," ngiti niya.

Sa nali-link ngayon kay Angel na si Phil Younghusband, hindi pa raw ito mami-meet ni Ali dahil hindi pa raw ito dinadala ni Angel sa kanya for her approval.

"Nababalitaan ko lang ang tungkol kay Phil. But she hasn’t taken Phil to me yet para makilala ko. Feeling ko ay hindi pa naman sila talaga. Baka nasa ligawan stage pa sila at wala pang commitment. Kung kasi committed na sila, ipapakilala na ni Angel si Phil sa akin noon pa.

"I see Phil naman na isang disciplined na tao mainly because he’s an athlete. Mukhang responsableng tao naman. Hanggang doon pa lang naman ang alam ko about him. Kapag dinala na siya ni Angel sa akin, then I will get to know him more," pagtatapos pa ni Ali Sotto.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN