Lovi Poe accepts Jake Cuenca’s invitation to attend the Star Magic Ball

How did Jake Cuenca convince Lovi Poe to go with him to the ball?

"You know, Jake and I are good friends. Lalo na magkakasama kami [sa pelikula na My Neighbor’s Wife]. Actually, dun nag-start lahat sa movie," Lovi says. "Wala nag-click kami agad nang ganun-ganun lang, so I think it’s okay lang na sumama ako sa kanya.


Malaking hakbang ang pagsama ni Lovi Poe sa Star Magic Ball with Jake Cuenca sa September 3.

Paano siya napapayag?

"You know, Jake and I are good friends. Lalo na magkakasama kami dito [sa movie]. Actually, dun nag-start lahat sa movie," bungad na sinabi ni Lovi.

Magkasama sila ni Jake sa My Neighbor’s Wife ng Regal Films.

"Wala nag-click kami agad ng ganun-ganun lang, so I think it’s okay lang na sumama ako sa kanya.

"Bahala na kung anong mangyayari dun. Sabi naman niya, siya na ang bahala sa akin kasi siyempre sabi ko parang ’Hindi ba ako parang maa-out of place dun kasi hindi naman ako taga- diyan.’"

First nga yung gagawin niya, na isang Kapuso si Lovi at a-attend siya ng event ng mga Kapamilya stars.

"Yeah, so let’s see kung ano’ng mangyayari."

Nagpaalam ba siya sa GMA?

"I told my manager that I’m going."

Paano nga siya napapayag ni Jake?

"Kasi kumbaga parang we got along so well, so why not?"

For sure kakabahan siya kasi lahat ng nandun ay mga Kapamilya, siya lang ang Kapuso.

"Of course kinakabahan ako kasi sanay na ako sa mga kasama ko na tulad nina Carla, ni Dennis, ayun, so siyempre, of course for sure, mahihiya rin ako, ganun.

"Pero bahala na si Jake mag-entertain sa akin dun, entertain-in niya ako dun.

"Kinakabahan nga ako e, hindi ko alam kung anong mangyayari."

Sure na raw na sasama siya kay Jake.

"Let’s wait and see pero iyon ang napag-usapan namin."

Sa My Neighbor’s Wife, kung saan kasama rin nila ni Jake sina Carla Abellana at Dennis Trillo, matindi umano ang mga sexy scenes ni Lovi both with Dennis and with Jake.

May mga nag-comment tuloy na kung buhay ang ama niyang si Fernando Poe Jr., malamang na hindi payagan si Lovi na gawin ang mga eksenang iyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"But then I’ve been doing it tastefully naman, hindi naman overboard na hindi na maganda."

Kung buhay ang daddy niya, sa tingin ba niya ay papayagan siya na gawin yun?

"Ah yun ang hindi ko alam, but then ako kasi yung tipong what I want, I have to do it and then if I’m wrong, I have to learn from it, parang ganun."

Pero kung hindi siya pinayagan, susunod siya?

"Maybe."

Kahit maging hindrance sa career niya?

"I’m the type of person na I want to have something for myself lang talaga. Na I don’t wanna depend on whatever things like, with my dad, ganyan, kumbaga that’s why I’m working so hard for myself talaga.

"I wanna prove something to myself, that I’m independent."

May mga negative comments ang iba na kung buhay nga ang daddy niya, tiyak raw na hindi niya magagawang magpaseksi sa harap ng kamera.

"No naman, ako, before I do something I make sure that I haven’t gone super-overboard.

"Siguro... I make sure that I’m with a good team, with the right people, ganun."

May lovescene sila ni Jake na kahit tapos na daw ang eksena ay hindi sila bumangon ng aktor sa kama at nagbabad daw sila doon.

"I think what you are talking about is yung iniba yung shot, na papunta sa likod yung shot, hindi kami puwedeng gumalaw."

Tinakpan pa nga raw ni Jake ang hubad na katawan ni Lovi.

"Ganun siya ka gentleman."

Her role sa pelikulang ito ni Direk Jun Lana...

"Difficult ako dito na asawa, hindi ako marunong makisama kay Dennis dito. Kumbaga yung mga bagay na hindi naman kailangan, pinipilit ko pa rin."

Pero sa tunay na buhay raw, kapag nagka-asawa na siya, hindi siya magiging ganoon.

"So kunyari, may asawa ako, tapos medyo mahirap, na hindi magaan yung sitwasyon namin, mas mabuti na lang na magtulungan kami kesa pahirapan ko siya, parang ganun yung nasa isip ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ganun kasi yung karakter ko dito sa movie, mas lalo kong pinahihirapan yung sitwasyon."

Ipapalabas na ang pelikula sa September 14.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN