Sylvia Sanchez explains her decision to lose weight: "Ayokong tumanda na mataba at losyang!"

Claudine Barretto says she lost weight thanks to Sylvia Sanchez (above) who suggested they go on a diet together.

Sylvia recounts: "Kasi nung pictorial namin, ang taba namin. So ngayon parang nakita ko, ’Wow, ang payat ni Claudine!’ So yun, at least natutuwa naman ako nakikinig si Claudine. Tumawag lang siya kaninang hapon, na sabi niya, ’Salamat Ate, dahil sinabihan mo ako na kailangan kong mag-diet.’"


Maraming nagulat sa biglaang pagpayat ng character actress na si Sylvia Sanchez nang makita ito ng press people sa presscon ng pinakabagong primetime series ng GMA-7 na Iglot na ginanap sa Studio 7 ng GMA Network Center.

Paliwanag naman ni Sylvia sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), "Ayokong tumanda na mataba at losyang! Ayoko bigyan ng rason ang asawa ko para maghanap ng ibang sexy.

"Dumating ako sa point nung kinasal kami ni Art [Atayde] nakampante ako sa buhay, relaxed ako, na kahit mataba ako, kahit mukha na akong losyang, okey lang kasi kasal na kami, e.

"Pero ngayong tumatanda na ako, nung umabot ako ng 40 [years old], na-insecure ako na parang sandali lang, ayokong... tsaka artista ako.

"Tsaka pag nakikita ko sa screen, parang ano ba ’yan, ang pangit ko. Tsaka kawawa ako kasi ang dami kong gustong damit na maganda, hindi ko mabili, kasi hindi magkasya sa akin.

"Tsaka ayoko talaga na tumaba ako na lumba-lumba. Di ba, pag tumataba ka, yung health mo affected? Takot ako baka isang araw, cholesterol ko, mataas. Diabetic ako, so ayaw ko yun."

Isang reason din ba ng pagpapayat niya ay dahil sa role niya sa Iglot?

"Actually hindi, e. Ngayon sa Iglot, kahit mataba, okey lang kasi tiyahin ako, pero ginusto ko na ito talaga."

Anong sabi ng husband niya nung nakita siyang pumayat?

"Wow, sexy!" ang mabilis na sagot ni Sylvia.

"Hindi, natutuwa naman siya, si Art. Siyempre, niloloko nga ako. Sabi niya sa akin, kanino ka nagpapa-sexy? Sabi ko, ’E, di sa ’yo kanino pa? Wala ng iba sa ’yo lang, sa ’yo na lang.’ Naks!"

CLAUDINE, TOO. Ano naman ang masasabi ni Sylvia na siya raw ang dahilan ng pagpayat din ni Claudine at thankful ito sa kanya?

"Yun ang sabi niya? Thank you, kasi kinukulit ko siya talaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi alam naman natin na si Claudine tumaba, di ba? So parang I think... Ako ha, kasi nakakasama ko siya at mabait naman siya sa akin. Sinabihan ko siya na, ’Claudine, pumapayat ako, ikaw, maganda mukha mo, magaling ka umarte, pero ang taba mo.’

"Sinabi ko sa kanya, ’Magpapayat ka, sabay tayo.’

"Kasi si Claudine naunang nag-Cohen diet sa akin. Pero ang sinabi niya sa akin, na parang na-ano siya sa food kasi parang pabalik-balik.

"Nakakapagod na yun lang yung food mo, e, nakakauta di ba? So nagsawa siya, huminto.

"Sabi ko sa kanya, ’Hindi, halika, sabay tayo.’ So ngayon pumayat na siya.

"Kanina, sigaw nang sigaw dun sa dressing room kasi three weeks na siya [nag-diet], ang laki nang ipinayat niya.

"Kasi nung pictorial namin, ang taba namin. So ngayon parang nakita ko, ’Wow, ang payat ni Claudine!’

"So yun, at least natutuwa naman ako nakikinig si Claudine. Tumawag lang siya kaninang hapon, na sabi niya, ’Salamat Ate, dahil sinabihan mo ako na kailangan kong mag-diet.’

"Sinagot ko siya na, ’Hindi kita kailangan sabihan. Sinabihan kita kasi nakikita ko na hindi na maganda yung pagtaba mo. Hindi kita kailangang i-please. Kumbaga, kailangan kitang sabihan para sa ikabubuti mo.’ So, okey naman siya.

"Sabay kaming nagpapayat ngayon at ang goal namin, bago matapos ang Iglot super-payat na kami.

ABS-CBN ALMUNI. Kapansin-pansin na karamihan sa cast ng Iglot ay galing sa ABS-CBN, kabilang na sina Sylvia at Claudine.

Dati ring Kapamilya sina Jolina Magdangal, Marvin Agustin, Patrick Garcia, Pauleen Luna, at Luis Alandy.

Ano ang masasabi niya rito?

"Actually, natutuwa nga ako kasi lahat kami nag-Channel 2. Ang gaan ng trabaho kasi nakatrabaho ko na nung bata pa. So, alam mo na yung mga acting nila kasi nakakasabay ko sila sa kabila, nakakatrabaho ko.

" Si Claudine first time, surprisingly, mabait siya katrabaho. Tsaka sweet si Claudine sa akin. So happy ako, kasi kami ang magtiyahin dito sa Iglot so lagi ko siyang kasama.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May napansin ba siyang attitude problem diumano ni Claudine? Na umaalis daw ng set ng madaling-araw at nagwu-walkout?

"Ay, hindi, may cut-off siya talaga ng 2 o’ clock [a.m.]. Pag 2 o’ clock, tapos siya.

"Pero si Claudine, wala akong nakikitang arte sa kanya, trabaho siya. Maayos siya magtrabaho, dire-diretso ang trabaho namin.

"Okey siya, masaya ako kasi lagi kaming magkasama ni Claudine."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN