Mo Twister on rumored reconciliation with Rhian Ramos: "No. Of course not."

"Ang daming taong nagsasabi sa akin na, ’Move on ka na lang... move ka na lang.’ I don’t like to move on. I wanna hold on to something very important to my life. And that’s the memories Rhian and I have shared. And if ever there’s a chance na puwede ko siyang ligawan ulit, then I will take that chance," says Mo Twister.


Maulan dulot ng bagyong Mina. Pero kabaligtaran ng kasalukuyang weather condition ang napansin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Mo Twister kaninang hapon, August 28, bago pa man umere ang Paparazzi kung saan isa siya sa hosts.

Tila humupa na nga ang stormy days sa buhay niya mula sa maintrigang breakup nila ni Rhian Ramos.

Mukha siyang happy ulit ngayon. Unlike before na hindi maitago ang lungkot at depression dahil sa pagkawala ng babaeng aniya’y kanyang minahal nang lubos.

Todo nga ang ngiti ni Mo nang mausisa kung kumusta na ba siya ngayon.

"Heto... same!" aniya.

"Working and... surviving naman. Okey naman.

"I don’t wanna say I’m happy. I think... You know, time has just... There’s a time where I think you have to focus on other things, like work and stuff like that.

"Para naman ma-divert ’yong attention mo sa iba’t ibang mga bagay.

"I don’t wanna say I’m happy. But I’m better. I’m getting help to become better."

REUNITED? Ilang beses na siyang tinutukso ng co-host niyang si Cristy Fermin na nagbalikan na raw sila ni Rhian.

Bakit may gano’n? Okey na nga ba silang dalawa ngayon ni Rhian?

"No. Of course not," sagot ni Mo.

"You know, a lot of people ask kung ’yon nga... are we back together? And my answer is... of course, no.

"If you’ll ask Rhian, I’m sure she’ll say the same things because that’s the truth.

"But it doesn’t also mean that I’m gonna close my doors on ever thinking na... Rhian and I can ever get back together.

"I don’t wanna think that way."

Dagdag niya, "Ang daming taong nagsasabi sa akin na, ’Move on ka na lang... move ka na lang.’

"I don’t like to move on.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I wanna hold on to something very important to my life. And that’s the memories Rhian and I have shared.

"And if ever there’s a chance na puwede ko siyang ligawan ulit, then I will take that chance.

"I’m not looking for other people right now.

"I just wanna think that... Halimbawa ’yong relationship namin ni Rhian, if it failed, uhm... I need to try to get better as a person.

"Ginagawa ko naman ’yong mga bagay na ’yon.

"And then if ever na may chance ulit na puwede ko siyang ligawan, then I’ll take that chance.

"I think right now Rhian is concentrating a lot with her career. And she has a lot of good things going for her.

"Maybe if she has time again in the future... again, for a take two, then I’ll try my best to make it happen.

"But I have to prove myself."

HOLDING ON. Until when does he plan to hold on?

"I don’t know. A long time. Rhian is worth it.

"I’m not interested naman right now in looking at anywhere else.

"I’m not lonely in the sense na kailangan ko ng warmth or inspiration sa ibang babae or anything like that.

"I wish I’ll be able to talk to her someday," saad niya.

OF COURSE NOT. Hindi pa ba talaga? Baka naman may pag-uusap na sa pagitan nila o nagkaayos na sila at pareho lang nilang itinatago ito sa ngayon na okey na sila?

"No. We don’t really communicate.

"Maybe one day. You know... that would be nice."

Pero bakit nga ba may balitanga nag-reconcile na sila? Meron pang balita na nakita raw silang magkasama one time?

"No. Of course not. Give me proof!" natawang sabi ni Mo.

"That’s what I always say... give me proof!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I wish! Ha-ha-ha!"

Dahil sa sobrang pagka-in love pa rin niya kay Rhian that he even still does not want to let go of those good memories they have shared together, hindi kaya magpakatandang single na lang siya?

"Hindi naman," sagot niya.

"I’m not really worried about that right now. Kasi it’s not... parang hindi naman importanteng bagay ’yon kung magiging matandang single na ako or stuff like that.

"Right now, I really... the most important thing is become a better person.

"And then if ever one day we’ll get the shot that... another chance with Rhian, I’ll take it."

SOCIAL LIFE. Does he still have his social life? Parang wala na after ng hiwalayan nila ni Rhian?

"I work a lot. I don’t really do a lot of socialization. You won’t see me outside very often.

"And I’ve always been that way even in the past. So, hindi ako umiinom. Hindi ako nagpa-party sa labas and all those things.

"I stay home a lot. I work a lot. I work at home. I write a lot.

"So, ’yon. That’s my happiness."

Wala ba rin siyang planong mag-take ng first move para magkausap na sila ni Rhian o kaya ay alamin ang bagong number nito para ma-text man lang niya kung hindi pa rin siya magkalakas-loob na tawagan ang dalaga?

"Ah... not really!

"Anong nakakapigil sa akin? I just wanna respect the fact na... respect my own personal desire to be better.

"Like halimbawa kapag feeling ko ready na akong manligaw ng babae ulit or things like that.

"Or... be a better boyfriend. Then I can.

"But right now, it’s not in my intention to ask a girl out. Or ask for dates with other girls.

"I think right now, I’m very much in love with Rhian so... "

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

TRYING AGAIN. In case mag-decide siyang manligaw ulit, kay Rhian muna nga bago niya maisip pumorma sa ibang girls?

"Yeah! I really don’t anticipate going out with someone else.

"I’m not also saying na magiging successful ako [sa panliligaw ulit kay Rhian]. Pero at least I have to try.

"Kumbaga sa ginawang pelikula ng isang artista, kapag nag-flop, hindi naman ibig sabihin dapat mag-quit na sa showbiz.

"I failed in the last attempt [kay Rhian]. And, uhm... try again!"

Kunsabagay, sa isang interview kay Rhian recently, nasabi nito na wala siyang nagiging dates ngayon. Busy raw ang dalaga sa career kaya wala nga raw time para mag-entertain ng suitor.

Ikinatutuwa ba niya na wala pa ring bago sa puso ni Rhian sa ngayon?

"Hindi naman sa ikinatutuwa. Kung magkaroon man siya ng bagong special someone, o kung ayaw muna niya, basta kung saan siya masaya, I’ll be happy for her."

Siguro, baka siya rin ang dahilan kung bakit hindi interesado si Rhian na magkaroon ng panibagong lovelife after him? Baka siya rin lang ang hinihintay ng dalaga. Baka sila pa rin nga in the end?

Ngiti lang ang naging reaksiyon ni Mo.

"Basta ngayon, work muna ang nasa isip ko," sabi niya.

"Si Rhian din naman, I think sa career din lang muna siya naka-focus sa ngayon."

Pareho silang magpapakaabala muna sa trabaho at magpapayaman nang husto?

"Siguro... gano’n na nga!" natawang sabi na lang ni Mo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN