Vilmanian Rosanna Roces admits being mesmerized by Nora Aunor

"Para akong nakakita ng mahal na birhen, na para akong na-nuno... yung hindi ako makausap. Hindi lang yung na-starstruck, para kang hinipo ng ispirito santo. Hindi ka makakagalaw sa kanya, susundan mo na lang siya ng tingin. Nakalimutan na, ’Gaga, ikaw si Rosanna!’" says Rosanna Roces about meeting Nora Aunor.


Nabibigyan na ng kredito si Rosanna Roces bilang mahusay na aktres, pero marami naman daw itong pinagdadaanan sa buhay.

"I think, yun ang ipinagpareho namin ni Ate Guy," pagtukoy ni Osang sa Superstar na si Nora Aunor.

"Kaya yung kaluluwa niya, makikita mo ang pagkatao niya, hindi lang yung pagiging artista niya.

"Sa akin, walang bearing yung negative issues sa akin. Walang ka-bearing-bearing pag na-meet mo siya [Nora] in person.

"Makikita mo yung mga mata niya, nagluluha-luha. Para kang... ewan ko, para akong nakakita ng Mahal na Birhen pag nakikita ko siya.

"Noon ko napatunayan na isa lang talaga ang Superstar. Walang kahit na mag-come close," pahayag ni Osang sa live interview niya sa Paparazzi kahapon, August 28.

Halos pareho raw sila ni Nora sa kanilang acting career ngayon?

"Tingin ko nga, parang ito ang comeback, hindi lang niya, kundi pareho rin kami.

"Pareho kaming sinisira, pero pareho kaming hindi, e.

"Kung titingnan mo, pareho e. Pareho kaming ina.

"Ang kaibahan nga lang, hindi ako umalis ng bansa, di ba?"

Huling nagkita at nagkausap sina Osang at Nora sa story conference ng kanilang mini-serye, ang Sa Ngalan ng Ina.

Ayon kay Osang, "Ahmm, kahit sabihin mong... may sense of humor siya na kakaiba. Pareho kaming Gemini at hindi siya gano’n kaseryoso.

"Siyempre, alam mong Superstar. So, mahihiya ka, di ba? Iba ang aura niya.

"We’re pushing nga [for her] to be the National Artist.

"At kaya kami nanghihinayang, sana hero’s welcome rin ang ibinigay sa kanya. Nakokontian kami doon sa pag-welcome na ibinigay kay Ate Guy.

"Dapat ay talagang tamang ibinigay para sa isang superstar. CNN Best Actress ’yan. Nagbigay rin sa atin ng isang malaking karangalan. Parang nakukulangan lang kami...

"Ang daming gustong sumama sa akin sa shooting, pati yung director ko, si Direk Buboy Tan, lahat!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"At kailangan rin malaman ng bagong henerasyon kung sino si Ate Guy na alam kong kinasasabikang panoorin yung acting niya."

WORKING WITH THE SUPERSTAR. Magkasama sa sinu-shoot ngayong mini-serye sa TV5 na Sa Ngalan ng Ina sina Rosanna at Nora. At ngayon pa lang daw ay kabado na si Osang sa paghaharap nila sa kamera ni Ate Guy sa unang pagkakataon.

Kontrabida pa ang gagampanang role ni Osang.

"Bukas [August 29] magkikita na kami... Si Christopher de Leon ang ginawa po namin last Monday, good for five days na gano’n po katindi...

"So, si Ate Guy, ganun din. Siya ang naka-Mario O’Hara [director ng serye]. Ako kay direk Jon Red [second unit director].

"Pero gano’n po kapuspusan, mabilis po ang phasing ng story.

"At maging si Christopher de Leon ay ninenerbiyos dahil si Direk Mario O’Hara ay isang magaling na artista rin daw.

"Plus, sobrang metikuloso. Pati sa alahas, gusto niya totoo ang suot ko.

"Kung ninerbiyos siya [Christopher], mas lalo na ako. Lintek yung paghahandang ginagawa ko!"

VILMANIAN TURNED NORANIAN? Sa pagkakaalam namin, si Osang ay Vilmanian o fan ni Batangas Governor Vilma Santos, na archrival ni Nora hanggang ngayon.

"Sinabi ko," pag-amin niya sa kanyang pagiging fan ni Vilma.

"Pero sinabi ko rin kay Ate Guy na, ’Alam mo, nag-apply ako noon sa movie mong Bakekang, pero na-lost ako!’

"Trivia. Tuwang-tuwa siya, hindi niya alam yun. Walang nakakaalam no’n. Lost ako sa Crystal."

Ang Bakekang ay 1978 movie ni Nora, at ang role na Crystal ay bilang anak ng karakter ng Superstar.

Pero Vilmanian pa rin siya?

"Ngayon? Hati na po!" sabay tawa niya.

Pareho namang mahusay sina Nora at Vilma, di ba?

"Hindi. Magkaiba. Magaling si Ate Vi, oo, magaling.

"Pero pag nakita mo si Ate Guy, kahit hindi umaakting, pag tiningnan ka, ay, tunaw ka!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Dahil ang makikita mo yung kaluluwa niya, yung soul niya nandun, e.

"Wala kang makikitang any negative na sinasabi tungkol sa kanya, na ibinabalita sa kanya.

"Pag nakaharap mo siya, wala lahat yun. Mama-magnet ka na lang, matutulala.

"Tapos, gaganituhin ka pa, ’Magandang tanghali po.’ Tapos ka.

"Mata pa lang ang tinitignan mo, ha? Iba pa pag ngumiti sa iyo."

PERSONAL CHOICE. Buong pagmamalaking sinabi ni Osang na personal choice siya ni Nora para sa Sa Ngalan ng Ina.

"Hindi ko talaga naisip na magsasama kami. Hanggang sa hindi nagsu-shooting, hindi po ako naniwala," sabi niya.

"Ako ang ni-request. Tapos sabi ko, ’Baka hindi? Ang daming artista. Tsek n’yo nga? Ang daming artista, e.

"So, miniting ako ng producer [ng serye]. Sinabi sa akin ng producer, for the first time, tumawag daw halos lahat ng 98 percent ng artista makasama lang doon.

"Sa 98 percent, ang daming sumusulot sa role ko, ang dami. Pero ako pa rin ang pinili ni Ate Guy," kuwento niya.

Kahit daw may napatunayan na raw si Osang bilang isang aktres, hindi pa rin siya nakapaghanda sa pakikipagtapatan ng acting sa Superstar.

"Pero hindi naman po kay Ate Guy. Hindi ko ito napaghandaan, kasi biglaan ang pagdating niya.

"At sa biglaang pagdating niyang yun, knowingly siguro, nagpaayos ako ng ngipin, nagpa-bleach ako... Nag-diet ako.

"Hindi ko alam. Pero may plano kami ni Direk Adolf Felix noon na migrante kaming dalawa.

"Pero dahil walang budget, wa’ kami makarating sa States. Hinihintay-hintay talaga namin.

"No’ng sinabi niyang nandiyan na. Ang hinihintay ko yung indie. So, ang ibinalita sa akin ni Direk Adolf, yung teleserye.

"Gusto ko nang mamatay nong oras na yun! ’Talagang hindi totoo ’yan, Direk, charing!’ Hindi ako naniniwala.

"Hanggang no’ng pumunta ako kay Joan Bañaga. Nakasakay pa ako sa motor dahil sa sundo ako galing.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ang daming nagsabi na ang taba ko raw, ang daming pimples.

"Nagulat si Joan Bañaga no’ng nakita ako, hindi ka naman... susulutin lang yung role sa akin."

Dagdag niya, "Sa palagay ko, ito na yung sa buong career ko, ito na yung kung saan ibinibigay ko yung best ko...

"Hindi ako umaasa ng award dahil yung makasama lang dito ay award na.

"Pero yung acting na ginagawa ko, hindi lang pang-award...

"Ewan ko, hindi ko maesplika, buong puso’t kaluluwa ang ibinibigay ko dito, times 10 !"

Minsan pang sinabi ni Osang na para siyang nakakita ng birhen sa katauhan ni Nora.

"Para akong nakakita ng Mahal na Birhen, na para akong na-nuno... yung hindi ako makausap.

"Hindi lang yung na-starstruck, para kang hinipo ng ispirito santo.

"Hindi ka makakagalaw sa kanya, susundan mo na lang siya ng tingin. Nakalimutan na, ’Gaga, ikaw si Rosanna!’

"Wala! Mawawala sa iyo kung sino ka!

"Baka kapag nagkaeksena kami, mahimatay na lang ako!

"E, kung si Christopher de Leon, ninerbyos, ako pa ba naman?

"Pinapanood ko yung mga movie niya. Siyempre, hindi mo naman hindi puwedeng paghandaan. Hindi mo kasi alam kung ano ang gagawin mo.

"Malay mo, hindi magsalita? Daanin ka sa mata. Ay, patay ka pa rin, di ba?" masaya sabi ni Rosanna Roces.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN