Vice Ganda reveals he has a boyfriend, but refuses to disclose his identity

"Ngayon, natatakot na ’kong talaga. Kasi, feeling ko, any time, magagamit. Siguro padala ni ano ’to para kaibiganin ako, i-close ako. Ibigin ako. Sa dami ng naghahangad sa akin ng masama, ang dami ko na rin na ganoon," says Vice Ganda about being cautious with men who want to get close with him.


Humarap si Vice Ganda sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang press kahapon, August 29, kaugnay ng pagiging endorser niya ng Globe SuperUnli AllText 25.

Ginanap ang presscon sa Imperial Palace Suites sa Tomas Morato, Quezon City.

Nahaluan ng kontrobersiya ang naturang presscon dahil last August 11 ay nagpatawag na ang Globe ng presscon for Vice. Pero nagtaka ang mga invited press dahil imbes na si Vice ang humarap, katulad ng nakasaad sa text invites, sina Sarah Geronimo at Gerald Anderson ang dumating.

Tuloy, may nang-iintriga na baka ayaw raw makasama ni Vice sina Sarah at Gerald.

Pero maayos namang naipaliwanag ni Vice sa kanyang presscon kahapon kung ano ang nangyari.

"Yung ’we’re invited for Vice Ganda’s presscon,’ hindi ko alam yun," simula ng comedian.

"At saka, bakit naman ayaw kong kasama silang dalawa? Walang ganoong isyu.

"Noong nalaman ko yung ganoong isyu, wala lang din. Tinanong ko rin, ’Bakit ganoon, bakit hindi sila yung nilagay?’

"Kasi raw, hindi raw nila puwedeng i-squeal. Parang surprise nga raw na si Gerald, i-introduce.

"Kaya lang, noong nagkaroon na ng negative effect, tapos nabasa ko sa tweet na ’nakakaloka ang presscon ni Vice, pero wala naman si Vice...’ So, sabi ko, ’Uy, ano yun Ogs, ano yung presscon ko?’"

Ang tinutukoy na "Ogs" ni Vice ay ang kanyang manager na si Ogie Diaz.

Patuloy na kuwento ni Vice, "Sabi naman ni Ogie, ’Hindi, presscon yun ni Gerald.’

"’E, bakit sinabi presscon ko? Mag-e-expect sila na ako ang makikita nila.’

"Kahit naman siguro ako ang press, magre-react ako. Pinapunta n’yo ako, tapos hindi naman pala si Vice.

"Tapos sabi niya, ’Hindi, may ipo-provide silang another presscon sa ’yo, kaklaruhin namin yun.’

"So, ako, ’Okay.’"

Nilinaw rin ni Vice na hindi siya nag-demand for a solo presscon. Talagang may nakalaan daw talagang solo presscon sa kanya ang Globe.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May humirit ng tanong kay Vice kung na-feel daw ba niyang ginamit siya.

"Nag-e-endorse ako ng produkto. Talagang ginagamit naman ng produkto ang pangalan ko," sagot niya.

Feeling din ni Vice, posibleng magsama silang tatlo nina Sarah at Gerald sa isang commercial dahil pare-parehong pre-paid ang ine-endorse nila.

Aniya, "Sana magkaroon. Kasi kami ni Sarah, meron na rin kaming dalawa na magkasama. So, sana si Gerald, makasama ko rin."

HINDI MATINONG KAUSAP. Sa Facebook, may thread na simula raw nang mauso si Vice ay wala na raw matinong taong makausap. Bothered ba siya rito?

"Hindi, hindi naman ako na-bother," sabi niya.

"Kasi, ang dami namang nag-like do’n, kasi maganda ang tanggap nila.

"Kasi, sila mismo sa sarili nila, na-realize nila na, ’Oo nga, ako rin, ganoon na rin, naimpluwensiyahan na rin ako ni Vice.’

"Maganda yun para sa akin. Ibig sabihin, click na click ako sa mga tao.

"Kasi, yun naman talaga ang ginagawa ko, namimilosopo naman talaga ako.

"Pero itinutuwid ko ang ideya na hindi sa lahat ng pagkakataon, dapat namimilosopo ka.

"Sinabi ko yun sa Facebook saka sa Twitter. Fanpage nga.

"Meron namang iba na kapag si Vice ang namilosopo, nakakatuwa. Kapag iba, ang sarap kutusan! Yung ganoon...

"Kasi nga, kay Vice lang ang style na yun. Kapag ini-adapt mo sa sarili mo, maaaring hindi nakakatuwa, sa kanya lang nakakatuwa," mahaba niyang paliwanag.

JON AVILA. Aalis si Vice this week for a series of shows in the U.S.

Hindi raw siya masyadong updated na may hurricane pala ngayon sa East Coast. Ayon kay Vice, sa New York pa naman daw siya mag-i-spend ng last days niya sa Amerika.

Makakasama ni Vice sa show sina K Brosas at Jon Avila.

Marami ang nag-react nang malamang si Jon ang kasama niya. Kaya may nagtanong kay Vice kung package deal ba sila ng hunky model-actor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon naman kay Vice, "Package deal kami ni Jon, di ba? At saka, natutuwa ang audience kapag nakikita kaming naghaharutan on stage, kinikilig sila.

"Siyempre, mas maganda na kasama mo sa trabaho, yung click kayo.

"Yung producer, gusto rin naman yung idea na naghaharutan kami on stage."

Pero nilinaw ni Vice na hindi raw sila mag-on ni Jon, best of friends daw sila.

Pero may ine-expect ba siya sa pagsasama nila sa U.S. ngayon?

"Anong ine-expect?" balik-tanong niya.

"Magkasama kami palagi kahit hindi kami magpunta sa Amerika.

"Halos lahat ng time na wala akong trabaho, siya ang kasama ko."

Ayon pa kay Vice, wala na raw siyang sexual desire o pagnanasa kay Jon.

"Noon, pero ngayon, wala. Magkabarkada na kami, e. Wala na, wala na."

Anong klaseng barkada sila?

"Malalim... oo, malalim. Lovelife niya, lovelife ko, alam ko rin."

KEAN CIPRIANO. Hindi ba nagseselos si Kian Cipriano kay Jon? Nali-link din kasi ang singer-actor kay Vice, bagamat magkaibigan lang din naman talaga ang dalawa.

"Nagseselos si Kian. May mga ganoon siyang ’palagi na lang Jon,’" sagot ni Vice.

"Tapos si Kris [Aquino] pa, meron siyang, ’Bakit na lang si Jon ang palaging sinasama mo sa tour mo, si Kian hindi?’

"Oo nga, nagsusumbong siya.

"E, sabi ko naman, noong unang tour ko, si Kian ang kasama ko, hindi naman si Jon.

"Si Kian, ang dami naman niyang ginagawa rin ngayon. Sorry siya, hindi mo rin naman siya mabi-blame."

Dagdag pa ni Vice, "Silang dalawa, sila ang halos palagi kong kasama almost every day.

"Kasi si Kian, kasama ko sa shooting. Tapos pagrampa talaga, silang dalawa talaga ang closest sa akin—si Kian at saka si Jon."

VICE’S BOYFRIEND. In real life, may boyfriend daw talaga si Vice.

Pero ayaw nang i-disclose ni Vice ang identity ng boyfriend. Basta nasa sports daw ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Maingat na rin daw kasi siya sa mga lalaking lumalapit sa kanya.

"Ngayon, natatakot na ’kong talaga. Kasi, feeling ko, any time, magagamit.

"Siguro padala ni ano ’to para kaibiganin ako, i-close ako. Ibigin ako.

"Sa dami ng naghahangad sa akin ng masama, ang dami ko na rin na ganoon," pag-amin niya.

Kapag may karelasyon naman daw siya, all-out siya—heart and wallet.

"Lahat, lahat!" bulalas niya.

Hindi rin naman daw mahilig sa showbiz na boyfriend. Pero kapag may mga private dinner, like sa house ng kaibigan niyang si Kris Aquino, isinasama niya raw ito.

Sa palagay niya, seryoso naman sa kanya ang boyfriend niya?

"Oo naman, seryoso naman," sagot ni Vice.

"At saka, kahit hindi naman seryoso, okay lang.

"Sabi ko nga, kahit hindi mo ako masyadong mahal, hayaan mo lang na mahalin kita."

Wala ba siyang kahati sa boyfriend niya?

"Hindi ko alam... hindi ko alam," sagot ni Vice.

"Kaya nga ang sabi sa kanta ni Bugoy [Drilon], ’Ang puso kong ito na hindi umaasang tumbasan mo ang pag-ibig ko.’

"Yung line talaga na yun na parang umano sa mukha ko, naiyak akong talaga."

Ano ang pinakamalaking regalo na naibigay na niya sa lalaki?

"Motor, yun talaga ang ano ng lalaki."

Sa palagay niya, aabot ang relasyon nila nang matagal?

"Hindi ko alam. Hindi ako nag-e-expect," sabi ni Vice.

"Kung umabot, go, i-enjoy ko. Kung hindi, okay.

"Ako rin naman, hindi ko nakikita ang sarili ko sa ganoon pa."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN