Vice Ganda clarifies reported "samaan ng loob" with Viva big boss Vic del Rosario

"Kaya nga siguro nila ako nasasabihan na maldita, kasi ayokong maging bahagi ng isang bulok na sistema... Maraming tataas ang kilay. Kaya lang kasi, kung bulok ang sistema at hinayaan ko na maging bahagi nito, ikaw mismo ang bulok din," says Vice Ganda.


Naitanong kay Vice Ganda ang isyu na diumano’y nagkaroon sila ng samaan ng loob ni Boss Vic del Rosario ng Viva noong nakaraang concert niya sa Araneta Coliseum—Eto Na! Vice Ganda Todong Sample sa Araneta last July 1.

"Tapos na ang concert, ipo-promote pa natin?" sagot naman ni Vice sa presscon niya para sa Globe kahapon, August 29..

Dagdag niya, "Actually, ayoko na sanang magsalita do’n. Kasi, kapag nagsalita pa ako, may mga taong mapapahiya.

"Noong mga panahon na nagsasalita sila sa isyung ’yan, nananahimik ako na pinapahiya nila ako. Okay lang.

"Kaya lang kasi, may mga taong mapapahamak kapag nagsalita ako ng totoo.

"Yung kay Direk GB Sampedro, hindi ko alam kung paano siya nagkaroon ng sama ng loob sa akin. Kasi, natapos at natapos yung konsiyerto na maayos kami.

"Kaya kung may something siya sa akin, hindi ko alam. Kung meron man, dapat sinabi niya sa mukha ko.

"Kaya kung meron, pasensiya. Kung na-offend ko siya, dapat mag-a-apologize ako sa kanya kung sinabi niya sa akin.

"Pero wala naman siyang sinasabi, so hindi ko alam."

Nilinaw rin ni Vice ang tungkol kay Boss Vic.

Aniya, "Si Boss Vic, nagkaroon kami ng hindi pagkakaintindihan.

"Honestly, ngayon pa lang, sasabihin ko, sumama ang loob ko kay Boss Vic.

"Pero na-resolve na namin at ang totoo, hindi si Boss Vic ang sumama ang loob. Ako ang sumama ang loob kay Boss Vic.

"Pero ni-resolve ni Boss Vic nang maayos. Kaya natapos at nagawa namin ang show nang matiwasay.

"In fact, right after the concert, they were asking for the repeat.

"Kung hindi kami okay ni Boss Vic, bakit siya magpapa-repeat, di ba?

"At saka, mina-manage ni Boss Vic ang endorsement ko," patuloy niya.

"After ng concert, binigyan ako ng panibagong proyekto ni Boss Vic.

"Kaya kung hindi kami okay ni Boss Vic, ang dami niyang proyektong ibinibigay sa amin. Yung album ko, kay Boss Vic din lahat.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ang daming nangyayari sa kabuhayan ko ngayon na may kinalaman si Boss Vic. Kaya kami ni Boss Vic, okay na okay."

BULOK NA SISTEMA. Sa mga nangyayari sa kanya ngayon at sa tinatamasa niyang kasikatan, may regrets din ba siya sa mundong ginagalawan?

"Marami akong hindi nagugustuhan," sabi niya.

"Ayokong magkaroon ng regret. Maraming nakaakibat na pangit talaga.

"Pero ayokong magkaroon ng regret. Dapat maging thankful na lang ako.

"Pero marami talaga na pagpasok ko, nandoon na.

"Kaya nga siguro nila ako nasasabihan na maldita, kasi ayokong maging bahagi ng isang bulok na sistema.

"Kaya nga kapag bulok ang sistema, ayokong maging bahagi.

"Maraming tataas ang kilay. Kaya lang kasi, kung bulok ang sistema at hinayaan ko na maging bahagi nito, ikaw mismo ang bulok din."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN