Rachelle Ann Go challenged and pressured as the youngest mentor in Protégé

"Sa ’kin talaga, gusto ko kasi ’yong may puso, e. Gusto kong ilabas nila ’yong talent nila. Ayoko ’yong manggagaya sila sa ibang singers, puro birit na lang," says Rachelle Ann Go about being a first-time mentor in Protégé.


Sa recent interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Rachelle Ann Go, naipahayag ng singer-actress na kabado siya at pressured sa pagiging first-time mentor niya sa upcoming talent search ng GMA-7, ang Protégé: The Battle for the Big Break. (CLICK HERE for related article.)

"’Yong Protégé nga, I’ll be one of the mentors here and mag-i-start na kami this September.

"Ako actually ’yong pinakabata, so nakaka-pressure, ’no!"

Bukod kay Rachelle, ang iba pang mentors ay sina Janno Gibbs, Jaya, Jay-R, Aiza Seguerra, Joey Generoso, Rey Valera, Imelda Papin, Claire dela Fuente, and Gloc-9.

Dagdag pa ni Rachelle, "Siyempre, since ako nga ’yong pinakabata, ayoko namang... ayokong isipin na talagang kumpitensiya ko ’yong ibang mga mentors, di ba?

"Ang focus ko lang talaga ngayon ’yong tatlong alaga ko, tatlong protégés ko."

Anong feeling niya na ang mga katapat niya ay veteran singers?

"Sobrang overwhelming na parang, ’Totoo ba ito na nangyayari? Talagang sinama ako dito sa sampung mentors?’

"Sobrang, ’yon nga, nakaka-overwhelm, tiyak na nakaka-pressure din.

"Kailangan ayusin ko dito ’yong gagawin kong pagme-mentor, siyempre, at kumbaga, hindi biro ’to."

Anong klaseng mentoring ang ibibigay niya?

"Well, ’yong tatlo kong nakuha sa mga potential protégés, tatlo, may isang... Iba-iba, iba-iba talaga, e. Iba’t iba sila—may bata, may rakista, merong R&B, grupo sila.

"Tapos tatlong girls, parang Destiny’s Child ’yong peg naman, medyo biritera. Iba-iba talaga.

"Sa ’kin talaga, gusto ko kasi ’yong may puso, e. Gusto kong ilabas nila ’yong talent nila. Ayoko ’yong manggagaya sila sa ibang singers, puro birit na lang.

"Gusto ko ma-discover nila kung saan talaga sila babagay—’yong music nila at saka ’yong boses nila."

Sa puso, ano ’yong hinanap niya sa mga napili niya? May particular bang genre?

"Well, sa tatlong ’yon, iba’t iba talaga, e. ’Yong bata, rocker; tapos merong R&B; isa naman ballad. So, iba’t iba talaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ayoko kasing mag-stick sa puro ballad lang, or R&B. Gusto ko may choices ’yong mga judges natin.

"Nakakatuwa kasi ’yong bata, sobrang makikita... Eleven [years old] lang siya ha, sobrang charming at saka mahiyain.

"Makikita mo ’yon, pero pag nag-perform siya, wala. Parang hindi siya mahiyain.

"’Tapos ’yong tatlong girls naman, individually distinct ’yong voice nila, iba-iba talaga.

"And ’yong huli, parang Anton Diva, e. Oo, sobrang fan siya ni Miss Reg [Regine Velasquez-Alcasid], taas ng boses.

"Nakitaan ko siya ng passion niya sa music at alam kong hindi lang birit ang kaya niyang gawin."

Anong binibigay niyang advice sa kanila?

"Well, hindi pa kami nagkikita ulit. Pero sabi ko sa kanila, ngayon pa lang mag-practice na sila.

"Alam mo ’yon, pumili na sila ng mga songs kung saan sila kumportable. Kasi gusto ko pag nag-meet kami, alam mo ’yon, ako pipili nung naka-line up na ’yong mga gusto nila.

"At saka ayoko rin namang ipilit ’yong mga songs na alam ko ngayon. So ayun, practice lang talaga."

As a singer, how does Rachelle take care of her voice?

"My voice? A, well, siyempre kailangan discipline. Walang malamig, walang matamis, chocolate, ice cream.

"At saka talaga ’yong rest kailangan. Water therapy lang din talaga and ayun, discipline, yeah."

UPCOMING PROJECTS. Wala munang teleserye for this year si Rachelle pagkatapos ng paglabas niya sa Nita Negrita. Magpu-focus muna raw siya sa Protégé at ang pagiging Ariel sa stage musical na The Little Mermaid.

"Actually, medyo magkasabay sila, so ’yon muna ang focus," sabi niya.

Nag-start na ba silang mag-rehearse for Little Mermaid?

"Sa September, sa Little Mermaid, mag-i-start na rin. Nakakakaba kasi kailangan ’yong time."

First time niya ba sa theater?

"First time ko sa theater, first time. So nakakakaba, dahil, kumbaga, bago lahat. At saka dito rin sa Protégé, magkasabay sila."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

How did she get the part in Little Mermaid?

"Sa Little Mermaid, I auditioned for it... Yes, pinatawag ako ng director, si Direk Bobby Garcia.

"Sinabi niya sa manager ko na may audition nga, so kung interested daw ako, ayun.

"Basta pagpunta ko do’n, ’O, go Rachelle Ann Go, kanta!’" sabay tawa ni singer.

Kailan niya nalaman na siya ’yong napili?

"Siguro after a week, mga gano’n," sagot ni Rachelle.

"Pero sobrang kabado ako no’n kasi hindi ko alam. I’m sure marami kasing mag-o-audition do’n, di ba?

"So, hindi ko rin in-expect."

Sino ang magiging partner niya?

"Erik Santos. So ayun, mas okay ’yon kasi bilang kami, parehas kaming first timer do’n sa teatro.

"’Tapos mag-best friends pa kami. So, alam mo ’yon, kumportable kami kahit papaano, tutulungan na lang."

Ano ang magiging kaibahan ng Rachelle Ann Go sa TV at sa teatro?

"Ay, sobrang iba ito!" sambit niya.

"Sa TV, puro pop ’yong ginagawa ko, kumukulut-kulot ako.

"This time, hindi. Kailangan mag-stick ako sa original music.

"Disney kasi ito, e, Disney version. So kailangan mag-stick ako.

"Bawal kumulot, bawal mag-pop do’n. So, disiplina, disiplina rin."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN