Cristine Reyes returns to work after two weeks of confinement due to undisclosed illness

"Ang number one advice nga sa akin ng doctor, bawal magpuyat. E, paano ngayon, marami akong dapat na gawin? May cut-off time naman ako, pero habang ngayon lang. Ngayon, inuuna ko muna yung movie, tapos nun, yung Reputasyon na," says Cristine Reyes.


Pagkatapos ng halos dalawang linggong confinement sa hospital, finally ay balik-trabaho na si Cristine Reyes.

Nag-pictorial na siya kahapon, August 29, para sa pelikulang No Other Woman kasama sina Anne Curtis at Derek Ramsay. Next week naman ay balik-taping na siya sa kanyang afternoon soap na Reputasyon.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News kay Cristine sa pictorial ng No Other Woman sa Dolphy Theater kahapon, kinumusta namin ang kalagayan niya

"Okay na, mabuti na ang pakiramdam ko and heto, malakas na," sabi ng young sexy actress.

Gaano katotoo na kaya iritable at madaling uminit ang ulo niya ay dahil epekto na pala ito ng sakit niya?

Sabi ni Cristine, "Yun kasi ang symptoms niya, ayaw niya sa ilaw, sa ingay.

"Ngayon, okay na ako, umiinom ako ng gamot, antibiotics na napakalakas.

"Like kahapon, nasa shooting ako, sa Mercato kami, sobrang init dun, di ba?

"Umupo talaga ako kasi hindi ko kinaya. Kasi kate-take ko lang ng gamot ko.

"Hindi puwedeng i-take ko siya nang walang laman ang tiyan ko, sobrang tapang niya."

Samu’t saring mga kuwento ang naglabasan tungkol sa sakit ni Cristine.

Ayaw man niyang kumpirmahin kung ano talaga ang naging sakit niya, ang sobrang pagtatrabaho—kung saan napupuyat at sobra siyang napapagod na nagpahina ng kanyang immune system—ang naging ugat daw ng pagkakasakit ng Kapamilya star.

"Overwork lang," sabi niya.

"Alam ko naman na masama na inaabuso mo ang katawan mo. Pero sa kaso natin, hindi maiiwasan talaga na magpuyat, di ba?

"Nung una, hindi pa talaga nila alam, kung dengue ba ’yan. Nagtataka sila kung ano ba talaga ang sakit ko.

"Until kinunan nila ako ng liquid sa spine saka lang nila nalaman."

Dagdag niya, "Ang number one advice nga sa akin ng doctor, bawal magpuyat. E, paano ngayon, marami akong dapat na gawin?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"May cut-off time naman ako, pero habang ngayon lang.

"Ngayon, inuuna ko muna yung movie, tapos nun, yung Reputasyon na."

NO VISITORS. Nasulat din na bawal tumanggap ng mga bisita si Cristine habang nasa ospital siya. Agad naman siyang humingi ng dispensa sa mga hindi nakadalaw dahil talagang ipinagbawal daw ito ng doktor.

"Talagang hindi ko kakayanin pag may bisita, sobrang sumasakit ang ulo ko, tapos high fever.

"Tapos sinabihan ako na sana huwag munang magpadalaw kasi mamaya sila pa yung makapagdala ng virus.

"Nung okay na kasi ako, nung lumakas na ako, sige, dumalaw yung iba kong mga kaibigan.

"The next day, yun na, nag-shoot up na naman yung fever.

"Naaano ako, kasi yung iba, sinasabi pa nila na ayokong magpadalaw.

"Hindi naman sa ganun, magpapadalaw naman ako kung puwede. E, kaso nga di puwede talaga.

"Kahit nga sila Tita Linggit [Tan], bawal, hindi ko pinapunta.

"Mayroon lang sa mga taga-ABS ang nakadalaw, sila Tita Marivic, taga-Star Cinema, yung mga staff niya.

"Kasi yun yung time na natiyempuhan nila na puwede na silang dumalaw kasi malakas na ako.

"After nun, hindi na uli puwede kasi nga nilagnat na naman ako nang mataas.

"Hind rin nakadalaw yung mga kasamahan ko sa Reputasyon.

"Nami-miss ko na sila—sina Tita Jaclyn Jose, Tito Lito Pimentel, sila Ms. Aiko, siyempre si Rayver."

PERSONAL NURSE. Speaking of Rayver Cruz, ang boyfriend ni Cristine ang isa raw sa talagang nagbantay at nag-asikaso sa young actress habang nasa hospital siya. Bagay na sobra namang ipinagpapasalamat ni Cristine.

"Masaya naman ako kasi dun ko talaga nakita na concern talaga siya sa akin, tapos inalagaan din niya ako.

"Talagang nandun siya pag wala siyang ginagawa.

"Pati nga yung mga doctor dun, lalo na yung doktora ko, sobrang sweet na sweet siya kay Rayver, parang husband daw niya.

"Hindi siya katulad ng iba, sobrang lucky ako sa kanya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

THE SHOW MUST GO ON. Nabalita rin na sa pansamantalang pagkawala ni Cristine ay mawawala na rin daw ang Reputasyon. Pinabulaanan naman ito ng bida ng serye.

"Tuloy-tuloy pa rin ang taping namin," sabi niya.

"Malapit na akong bumalik sa Reputasyon, abangan nila kung sino ang dumukot kay Agnes delos Santos.

"Salamat sa patuloy nilang pagsuporta sa Reputasyon. Balik-taping na ako next week."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN