Sam YG willing to host wedding of ex-girlfriend Daiana Menezes with Direk GB Sampedro

Sam YG on hosting the wedding of his ex-girlfriend Daiana Menezes with Direk GB Sampedro: "Dyinu-joke ko siya! Kahit nga sa Twitter, dyinu-joke ko siya. Sabi ko, ’Ano? Ako na ang maghu-host ng wedding mo? Yun na ang gift ko sa iyo?’"


Kung meron man daw isa sa unang nakaalam ng tungkol sa marriage proposal ni Direk GB Sampedro sa kasintahang Brazilian-TV personality na si Daiana Menezes, ito ay ang ex-boyfriend ni Daiana na si Sam YG, o kilala rin bilang Shivaker.

Sa launching ng Artisteconnect, Panoramanila at Shot Magazine last Sunday, August 28, na ginanap sa White House Resto Bar, exclusive na ibinalita ni Sam sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na siya ang unang nakaalam sa nasabing marriage proposal.

"Hindi ko alam kung anong eksaktong proposal, kung paanong nangyari. Pero I’m aware na engaged sila.

"Sinabi sa akin mismo ni Daiana," pagbabalita sa amin ng radio jock cum Eat Bulaga! semi-regular host.

"I’m happy naman for them," nakangiti niyang dugtong.

Natutuwa raw si Sam dahil lumalabas na parang handa nang magkaroon ng sariling pamilya si Daiana.

"One thing about Daiana, she’s ready to take that [next] stage in her life. Todong-suporta naman ako sa kanya.

"Siya na mismo ang nagkuwento sa akin and I’m really very happy for her," pahayag ni Sam.

STRAIGHT FROM DAIANA. Inamin ni Sam na hindi niya inaasahan noong una ang nalamang rebelasyon ni Daiana.

"Nagulat ako siyempre. Pero I’m sure, alam naman niya yung ginagawa niya.

"And GB is [a] good guy to be able to get a ’yes’ from Daiana in that particular aspect.

"Actually, matagal na niyang ikinuwento sa akin ’yan, e. I think last month pa yata yan, e.

"Pero, more than a month ago, nalaman ko na ’yan bago pa kumalat sa balita. Naikuwento na niya sa akin.

"I think, after one week no’ng kinuwento niya sa akin, doon lang nag-sink in sa akin.

"Kasi siyempre, parang unbelievable, di ba? Na they’re engaged, di ba?

"Pero, that’s a good thing. You know these days, parang ang hirap maghanap ng matino, or maayos na ka-partner.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"All the more to get engaged is something big, di ba?"

NOT MEANT TO BE. Wala raw panghihinayang kay Sam na hindi sila umabot ni Daiana sa ganitong estado na nagkaroon ng marriage proposal.

"Yun nga, e. Yung aspect na yun, hindi ko nakita. Honestly, siguro hindi ko nakita at that stage, ha?

"I know she’s a marrying type. She’s a good girl. She’s smart and she’s very eligible, so to speak.

"She’s very eligible. Pero, nagulat ako na at this stage in her life, she’s ready to settle down," sabi ni Sam YG.

TOO EARLY? Tumanggi nang mag-comment si Sam kaugnay sa opinyon ng iba na masyadong maaga pa para magkaroon ng marriage commitment sina Direk GB at Daiana.

"Yun naman ay wala na ako sa lugar para... I didn’t ask her that anymore.

"Kasi wala na rin ako sa lugar para magtanong ng gano’n sa kanya, e.

"Naikuwento niya sa akin, nakinig na lang ako. I congratulated her.

"Actually, I also congratulated GB. I saw him one time. I congratulated him.

"Nagpunta siya sa taping ng Iskul Bukol one late night. After na no’ng taping.

"Binisita niya si Daiana. Bagong member kasi ng Iskul Bukol si Daiana."

BEST FRIENDS. Magkaibigan ang turingan daw ngayon nina Sam at Daiana.

"Dyinu-joke ko siya! Kahit nga sa Twitter, dyinu-joke ko siya.

"Sabi ko, ’Ano? Ako na ang maghu-host ng wedding mo? Yun na ang gift ko sa iyo?’

"’Wala nang talent fee. Ako na’ng bahalang mag-host niyan?’ Tawa lang siya nang tawa," masaya niyang kuwento.

Hindi makapagsabi si Sam kung dadalo siya sa wedding dahil iniiwan na lang daw niya ito kay Daiana.

"Desisyon na niya yun. Siyempre, wedding niya yun.

"But if she wants me to host, I’ll be more than happy to host her wedding. Why not?"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

TOO SOON? Ipinaliwanag ni Sam sa amin kung bakit hindi puwedeng kuwestyunin ang desisyon nina Direk GB at Daiana na magpakasal agad.

"Ang love ano ’yan, e, walang makapagsabi kung kailan darating ’yan, e.

"For some people, it takes one day. For some people, it takes one year.

"Some people, one lifetime. Hindi pa sila over sa relationship, e. Di ba?

"I think subjective ’yan. Pagdating sa love, subjective ’yan, e.

"Hindi mo masasabing after two weeks, okey ka na. After one month, okey ka na.

"So, what’s important is, basta alam mo ang ginagawa mo, go for it, di ba? Go!"

No’ng sila raw ni Daiana ay hindi raw nila napag-usapan ang kasal.

"Marriage never crossed my mind, e. Kasi we both were focused in our careers, e. That’s why," rason niya.

STAY SINGLE. Hanggang ngayon, wala pa raw sa isip ni Sam ang magpakasal sa mga darating na araw. Wala nga raw siyang lovelife sa kasalukuyan.

"Single and happy," bulalas niya.

Halos apat na taon na raw siyang walang kasintahan.

"Actually, I’m very vocal naman about it," paliwanag niya.

"Kasi nga, we were dating. We were really best friends.

"Officially, sa Facebook, hindi pa rin ako nagpapalit ng relationship status.

"Yung sa amin ni Daiana... actually, hindi naman talaga siya naging official.

"But we were hanging out. We were dating. We both knew na talagang hanggang doon lang kami.

"Alam naman naming pareho yun," paglilinaw niya.

AFRAID TO COMMIT. Itinanggi ni Sam ang speculations na kaya sila nagkahiwalay ni Daiana ay dahil ayaw niya ng commitment. Nakita raw ito ng Brazilian beauty kay Direk GB kaya tinanggap nito agad ang alok na kasal.

"Hindi naman. Hindi naman. Maayos naman kami.

"Kasi, kung hindi, siguro hindi kami okey ni Daiana. We’re actually very good friends.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nagkaka-Twitter pa nga [kami ngayon], e. Nagkakabiruan pa nga kami.

"We’re very good friends, wala namang samaan ng loob na naganap," esplika niya.

SHE’S A HOMEBODY? Natawa si Sam at biglang nagsalita ito ng "No comment" nang sabihin namin sa kanya na base sa deskripsyon ni Direk GB, hindi palabas-labas ng bahay si Daiana. Hindi raw ito gumigimik at homebody lang ang dalaga.

"Naku! No comment! Talaga! No comment," makahulugang bulalas ni Sam.

Nag-comment lang si Sam no’ng sabihin naming supportive daw si Daiana kay Direk GB. Katunayan, pumupunta pa ito sa mga trabaho ng kasintahang director.

"Well, sa pagka-supportive, I agree naman. Tama namang lahat," sabi pa niya.

Inalam namin kay Sam kung bakit gano’n ang reaksyon niya na hindi siya makapaniwalang homebody si Daiana.

"Baka gano’n na ngayon?" sabay tawa niya.

"Well, we used to go out. Kahit sa Twitter naman we talked about it. We used to go out naman," pahayag niya.

Ibig bang sabihin parang tumino si Daiana sa piling ni Direk GB?

"Hindi naman sa tumino. Nagkaroon lang siguro ng lifestyle change.

"I wouldn’t say na because she used to go out na bad girl siya. Wala namang ganon.

"I think, there’s a lifestyle change na nangyari," sabi niya.

MY LOVELIFE? Pagdating naman sa kanyang lovelife, hindi pa raw ready si Sam na magkaroon ng bagong kasintahan.

"Alam ko kasi na pag ganyan, it’s something I have to take care of.

"Ayokong pumasok sa isang relationship na bahala na, e.

"When I get into a relationship, bibigyan ko ’yan ng time. Gusto ko, aalagaan ko ’yan.

"At this point, alam kong hindi ko pa kaya. Ayokong magka-girlfriend then bahala na kung ano ang mangyari?

"Medyo seryoso ako pagdating sa aspect na yun," paliwanag niya.

Balik uli sa Eat Bulaga! si Sam tuwing Monday at Friday lang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN