Barbie Forteza says she will stay loyal to GMA-7 even if other networks make offers

"Hindi ko po alam, pero ayoko po, kasi kakaiba yung alaga sa akin ng GMA. ’Tsaka ayokong masira yung tiwala nila sa akin, yung porke may offer, aalis na ako, ayoko," replies Barbie Forteza when asked if she has offers from other networks and if she will transfer in case there is.


"Maging action star!"

Ito ang sagot ng tween star na si Barbie Forteza nang tanungin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung ano ang dream role niya.

Tulad nino?

"Ni Ate Marian [Rivera]. ’Tsaka siguro yung ano, parang Angelina Jolie ganun."

Bakit gusto niyang mag-action?

"Parang astig lang kasi para sa isang babae na gawin yung mga ganung bagay.

"Yun nga pong Salt [2010], ang ganda nun! Di ba, dapat kay Tom Cruise yun, nakuha ni Angelina Jolie."

AWARD-WINNER. May New Movie Actress of the Year award na si Barbie noong 2009 mula sa Star Awards ng Philippine Movie Press Club (PMPC) for the indie film Puntod.

Ano ang feeling na 12 years old pa lang siya that time ay awardee na siya? Nag-a-aspire ba siya na masundan ulit yun?

"Sana," sambit ng 14-year-old actress.

"Actually, nung unang-una, hindi ko talaga akalain na ako yung mananalo. Sobrang ang gagaling ng mga nakalaban ko, e.

"Tapos , alam ninyo yung parang nakapikit lang ako. Tapos nung tinawag yung pangalan ko, na ako ang winner, hindi ako makapaniwala!

"E, hindi pa po ako naghanda ng speech kasi nga po hindi ko talaga napaghandaan.

"Kaya lang po ako pumunta dun kasi sayang, nagpagawa ako ng gown. Medyo mahal kaya pumunta na ako!" tawa pa niya.

At nanalo siya.

"Oo nga po, e, kaya sobrang nautal ako noon."

Edge ba niya ’yon sa ibang female tween stars na siya ay may award na?

"Para sa akin, okay lang," sagot ni Barbie.

"Feeling ko, wala namang... parang hindi ko naman napi-feel yun, na mas mataas ako o ano.

"Kasi lahat naman, pansin ko, pag napapanood ko, magagaling din sila. Yun nga lang, nakatsamba.

"Pero para sa akin, talagang lahat sila deserving na manalo, as in lahat sila."

Hindi na ba siya ulit gagawa ng indie movie?

"Kung puwede, gusto ko sana."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Wala pa raw ulit offer.

"Pero gusto ko naman po, e, baka puwedeng gawan ng paraan."

KAPUSO TALENT. At busy rin ang schedule ni Barbie. Abala siya ngayon sa shooting para sa horror movie ng GMA Films na The Road.

"Ako po dun si Ella. Kasi po yung story ng The Road, parang tatlong panahon.

"Isa po panahon ni Ms. Carmina [Villarroel], ni Ate Rhian [Ramos], ’tsaka po yung sa present po," kuwento ni Barbie.

Bukod sa The Road ay napapanood din regularly si Barbie sa Tween Hearts at Party Pilipinas.

Ilang years pa ang contract niya sa GMA-7?

"A, hindi ko po alam, e. Si Mama po kasi ang nakikipag-usap, e," sabi niya.

Hindi niya alam kung may offer siya from other TV networks, pero ayaw raw niyang umalis sa Kapuso network.

"Hindi ko po alam, pero ayoko po, kasi kakaiba yung alaga sa akin ng GMA.

"’Tsaka ayokong masira yung tiwala nila sa akin, yung porke may offer, aalis na ako, ayoko," saad niya.

TWEEN STARS. Sino ang pinaka-close niya among the tween girls?

Ang mga tween female stars ng GMA-7, bukod kay Barbie, ay sina Bea Binene, Lexi Fernandez, Joyce Ching, Yassi Pressman, at Louise delos Reyes.

"Halos lahat po, e. Kaya lang yung... kasi po ang kasama ko lang po sa The Road na babae, na kasama ko palagi, si Lexi.

"Pero si Louise po kasama din, pero hindi ko masyadong nakakaeksena.

"Kasi ang panahon niya po kay Ate Rhian, e, magkapatid po sila. Kaya madalas kong kasama si Lexi.

"Pero halos lahat din naman ka-close ko."

Nag-away na ba sila ng ka-loveteam niyang si Joshua Dionisio?

"Ano lang, pa-cute-pa-cute lang. Pag puyat, nag-aaway, tapos bati ulit sa umaga.

"Yung kasi po minsan ako, hindi ako agad inaantok, e.

"E, siya lagi siyang inaantok pag gabi na. Sasabihin ko, ’Gumising ka naman!’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ganun-ganun, tapos bigla siyang magtatampu-tampo, tapos matutulog.

"Tapos paggising niya, susuyuin na niya ako, okay na kami ulit," kuwento niya.

Paano manuyo si Joshua?

"Sasabihin niya, ’Uy, sorry na!’ Ganun-ganun, susundutin niya ako sa ilong, ganun lang."

Gaano kadalas silang magtampuhan ni Joshua?

"Hindi naman po madalas. Minsan nga po nakakatapos ng isang linggo na hindi kami nag-aaway, e."

Aside from Joshua, sino ang gusto ni Barbie na makapareha o maka-loveteam?

"Halos lahat naman po ng tween boys, e. Kaya lang si Kristoffer [Martin], may Joyce na. Si Jhake [Vargas], may Bea na."

Sino ang pinaka-close niya sa mga tween boys bukod kay Joshua?

"Si Derrick [Monasterio], si Elmo [Magalona]... Lahat sila naman, e."

Ano ang comment niya na crush siya ni Kristoffer? (CLICK HERE to read related story.)

"Hindi naman yun seryoso. Natatakot ako kay Joyce! Ayokong mag-react!" tumatawang sabi ni Barbie.

Pero dagdag niya, "Wala lang, flattered."

Ano ang mas gusto niya, may ka-loveteam o wala?

"Kahit ano po, basta gusto ko po ma-try lahat, may partner or wala.

Alam naman po ng GMA kung ano maganda para sa aming lahat."

Bukod sa The Road, nasa Panday 2 rin si Barbie in a cameo role.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN