JC Tiuseco remains firm on decision not to pose in underwear

"May mga nakukuha akong text before, kakapanalo ko pa lang [sa Survivor Philippines]. Ino-offer-an ako ng 100 thousand. Hindi ko na lang nire-reply-an," says JC Tiuseco about the indecent proposal he received before.


Hanggang ngayon ay ayaw ng Kapuso hunk na si JC Tiuseco na mag-pictorial nang naka-underwear lang.

Ayaw daw kasi ng parents niya, kaya bilang isang masunuring anak ay hanggang shirtless na naka-shorts lamang ang pinaka-daring na magagawa ni JC sa pictorials.

"Bukod sa ayaw ng parents ko, kahit ako mismo, ayoko," pahayag ni JC, na isa sa male stars ng afternoon soap ng GMA-7 na Sisid.

Paano kung may project, halimbawang isang indie na pelikula na kakailanganin niyang mag-underwear, hindi niya tatanggapin?

"Hindi," mabilis na sagot ni JC.

Paano kung yung ganung limitasyon niya ang maging dahilan para hindi siya mabigyan ng mas maraming projects?

"Okay lang naman," pagkikibit-balikat niya.

Kahit si Solenn Heussaff na crush niya ang leading lady niya in a sexy movie, ayaw niya?

"Hindi po siguro muna," diin niya.

Hindi niya ipagpapalit ang prinsipyo niyang iyon kahit sa isang bonggang project?

"Pero siyempre... malay mo, pagtanda-tanda ko ng konti, 23 pa lang naman ako ngayon."

LOYAL TO GMA-7. Hanggang kailan ang contract niya sa GMA-7?

"Alam ko magre-renew na ako."

Uso ang lipatan ng mga artista ngayon sa networks. Si JC, hindi ba siya lilipat?

"Hindi po ako lilipat," sagot niya.

May natatanggap na ba siyang offer mula sa ibang TV stations?

"Hindi, walang sinasabi sa akin si Jonas [Gaffud of Mercator na manager ni JC]."

JACKIE RICE. Kaibigan ni JC ang boyfriend ni Jackie Rice, na kasama niya sa Sisid.

Kuwento niya, "Ipinakilala niya yung boyfriend niya, isinasama niya sa taping.

"Naging magkakaibigan kami, kaming lahat sa Sisid."

Kaya hindi niya raw pinag-isipan na ligawan si Jackie.

At kahit nagkaroon sila ng kissing scene sa Sisid, hindi iyon nilagyan ng malisya ni JC.

"Hindi ko naiisipan si Jackie ng ganun, kasi close kami nung boyfriend niya, barkada kami."

Pero bukod sa maganda, may ugali raw si Jackie na posibleng ma-attract si JC o ang kahit na sinong lalaki.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi si Jackie, sobrang simple lang, parang normal lang.

"Yung hindi siya maarte, mabait sa mga katrabaho, mabait sa mga tao.

"Physical? Sexy, maputi, maganda yung face," paglalarawan pa ni JC sa kanyang co-star.

LOVELIFE & LIFESTYLE. Walang lovelife si JC at wala raw siyang nililigawan ngayon. Pero may crushes siya sa showbiz—sina Solenn, Heart Evangelista, at Rhian Ramos.

Ideal marrying age para kay JC ang 30; at dalawa hanggang tatlong anak ang gusto niya, if ever.

"Gusto ko yung mga anak ko maging basketball player," sambit niya.

Guwapo at macho si JC kaya naitanong namin kung nakatanggap na siya ng indecent proposal mula sa isang bading.

"May mga nakukuha akong text before, kakapanalo ko pa lang [sa Survivor Philippines]. Ino-offer-an ako ng 100 thousand. Hindi ko na lang nire-reply-an," kuwento niya.

Hindi raw siya papatol sa ganoong senaryo. In fact, ang two-million cash na napanalunan niya noon sa Survivor ay ibinigay niya sa kanyang parents.

Sa mga kinikita niya sa showbiz, nakabili na si JC ng kotse, kaya dalawa na ang kotse niya.

"Isa galing sa kita, yung isa galing sa Survivor."

Gusto rin niyang makapagpundar ng sarili niyang bahay.

"Kaya nagsisipag ako sa trabaho," nakangiti niyang sabi sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN