Boy Abunda on giving up ownership of Backroom: "It’s time to give back."

"Siya ang driver ko ngayon. Buong buhay niya ibinigay niya sa amin, sa akin. Buong pagmamahal niya ay hindi niya ipinagdamot sa akin," says TV host Boy Abunda about his decision to let go of his talent management company to have more time for his mother.


Naging madali umano para sa King of Talk na si Boy Abunda ang desisyong lisanin ang kanyang talent management company na Backroom Inc.

Matatandaan na sa naunang ulat ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), inihayag ng The Buzz host na bibitawan na niya ang pagmamay-ari ng Backroom Inc. upang magkaroon ng mas maraming panahon para sa kanyang inang may sakit. (CLICK HERE to read related article.)

Maituturing umano itong isa sa mga importanteng aral na natutunan niya sa buhay.

"I didn’t realize na kapag may pinagdadaanan kang napakahirap, ang kapalit pala noon, napakadaling desisyon.

"Because this happened to me when my mother’s condition became such that I needed to be with her.

"It became easier to decide on many other things," sabi ng TV personality sa panayam sa kanya ng PEP at iba pang media matapos ang kanyang speech sa ginanap na convention ng mga miyembro ng Splash Direct Selling company sa Resorts World Manila noong Biyernes, Agosto 26.

Dagdag pa ng SNN host, "Siya [Nanay Lesing] ang driver ko ngayon. Buong buhay niya ibinigay niya sa amin, sa akin. Buong pagmamahal niya ay hindi niya ipinagdamot sa akin."

Kaya naman ayaw nang palagpasin ng TV host ang pagkakataon na maalagaan ang kanyang ina.

Sabi pa ni Boy, "The least that I can do for my mother is to... this is a line from a friend, is to honor her with who I am.

"I want to honor with everything that I am and everything that I will be.

"Ayaw kong lumingon sa buhay ko at sasabihin kong hindi ko nagawa ’yon at wala ako do’n dahil may trabaho ako."

"TIME TO GIVE BACK." Bukod sa pagbibigay ng panahon sa kanyang nanay, nagmistulang kawanggawa rin mula kay Boy ang pag-alis niya sa Backroom, Inc. Ito ay dahil ibinahagi niya ang buong pagmamay-ari niya sa kumpanya sa mga empleyado nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"This is my way of saying thank you to the people who have worked with me all their lives. More than, what, 20 years.

"Some people worked with me 18 years, 24 years, 25 years, bilang pasasalamat sa kanila.

"The past 12 years, lahat naman talaga ng kinikita ng Backroom ay napupunta sa empleyado, pero ako ang may-ari.

"Ang pagkakaiba po ngayon ay inilipat ko po ang ownership sa kanila," paliwanag niya.

Hindi rin daw siya nahirapan na pag-isipan ito dahil para sa kanya ay napapanahon lamang ito para ibalik ang mga naitulong sa kanya ng kanyang mga tauhan.

"It was time to give back. I’ve been so blessed. My cup runneth over.

"It was time to give back. It was time to share.

"Naniniwala kasi ako na that by giving, you’re creating more space for gifts, alam mo ’yon?"

Kuwento pa niya, "One of the most touching moments of my life was a few weeks ago.

"Lumapit sa akin ang aking mga empleyado dati at nagpasalamat. Walang bayad ’yon.

"Alam mo ’yon, parang, ’Sir, salamat sa tiwala. Salamat sa pagmamahal.’

"’Yon ’yong mga salita na kailanman didikit sa iyong puso."

Wala naman umanong problema sa kanyang naging desisyon dahil maayos itong napag-usapan.

"Kinausap ’yan lahat at lahat nakakaunawa," pahayag ni Boy.

"Ang isa sa mga major na dahilan ay gusto ko talagang magkaroon ng panahon para sa aking mahal na ina. Non-negotiable sa akin ’yon.

"Kung kinakailangang pansamantala iwanan ko lahat ang aking trabaho para maalagaan ang aking nanay, gagawin ko."

Kasama rin sa pakikipag-usap na ito ang mga artistang hawak ng naturang talent management.

"Lahat sila binigyan ng choice: ’You can stay, you can look for other management houses.’

"Kung ano ang inyong choices ay igagalang ng bagong pamunuan ng Backroom. So, wala kaming iringan," sabi ni Boy.

Ilan sa mga artistang nasa ilalim ng pangangalaga ng Backroom, Inc. ay sina Gretchen Barretto, Ai-Ai delas Alas, Erik Santos, Rufa Mae Quinto, Aiko Melendez, Mariel Rodriguez, Bianca Gonzales, Sitti, K Brosas, Drew Arellano, Pooh, at Amy Perez.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN