Wilma Doesnt has no plan yet to marry boyfriend of four years

Wima Doesnt on why she’s not thinking of getting married yet: "Seryoso naman ang relationship [namin]. Pero yung may kasamang commitment na nasa isang bahay lang and then I have kids, siyempre mahirap din yun."


Isa ang model-host-comedienne na si Wilma Doesnt sa bagong talents of PPL Entertainment, Inc. na pinamamahalaan ni Perry Lansigan.

At dahil sanay sa fashion at pictorial, isa si Wilma sa nakita ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na nag-assist sa co-PPL talents niya nang magkaroon ng photo shoot para sa kanilang lahat sa Hacienda Isabella sa Indang, Cavite, recently.

Nakausap ng PEP si Wilma pagkatapos ng pictorial dahil naging isa rin siya sa punong-abala.

Prior to Perry, nasa dating pangangalaga raw siya ng namayapang manager na si Wyngard Tracy.

Paano siya napunta kay Perry?

Ayon kay Wilma, "Siyempre, naghahanap ka rin ng kaibigan mo rin.

"Yung alam yung ugali mo. Alam kung paano ako magtrabaho.

"Tapos, lumapit ako kay Perry. Since si Perry naman, kaibigan ko siya dahil sa GMA[-7].

"Tinanong ko sa kanya kung puwedeng tulungan niya ’ko. I-manage niya ’ko.

"Umoo naman siya. Hindi naman ako nagdalawang-salita. So, go!"

Ano raw ang plano sa kanya ng bagong manager?

"Ay, gagawin daw niya akong sexy star! Sexy star, o!" natatawa niyang biro.

"Well, sabi naman niya, I can do naman daw hosting.

"Wala naman daw problema. Ita-try raw yung mga soap [opera]. So, bahala na siya."

MISSING LUCY. Sa ngayon, more on sa TV5 napapanood si Wilma tulad sa show na Pinoy Samurai with Joey de Leon.

Bukod pa rito ang corporate events hosting na madalas niyang ginagawa. Pero wala raw siyang kontrata to any network.

In a way, nami-miss din daw niya ang dating show nila ni Lucy Torres-Gomez sa QTV11 na The Sweet Life.

"Nakaka-miss kasi ang dami kong natutunan do’n. At saka ang tagal din.

"Unang-una, ang friendship namin ni Ate [Lucy], nakaka-miss.

"Tapos ngayon, sobrang busy na siya. May time pa rin naman siyang makapag-text. Nakakapag-text pa rin naman siya."

Dugtong pa niya, "At the same time, gusto ko rin kasi ang mga ganoong shows.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Yung mga experience ko, naisi-share ko. Yung mga thoughts ko, naisi-share ko. Mas marami akong natutunan kapag ganoon."

A MODEL AT HEART. With regards to her modeling, kung saan siya nagsimula talaga, tuluy-tuloy pa rin daw ito.

Pero natatawang kuwento niya, "Kapag kasabay mo nga lang rumampa, halimbawa, 14, 16 [years old], ’Hi Tita! Tita mo ako, ’neh?’

"May ganoong factor. But I still do special shows like yung mga [kaibigang] designer.

"Yun na lang talaga. Yung, it’s my way of giving back to them.

"Kung ano ang ginawa nila sa akin noong bata ako. Kasi, noong bata ako, tinulungan nila ko.

"I started [when I was] 19 and I’m 30-plus now. So ngayon, mga special shows, mga designers, ginagawa ko talaga.

"Hindi talaga ako nagno-no at saka charity shows."


COMEDIENNE. "Comedienne ba ako?" natatawang reaction naman ni Wilma when we asked tungkol sa kanyang pagiging komedyana na tila hindi na niya masyadong napagtutuunan ng pansin.

Sabi naman niya, "Bilang masayahin kasi akong tao. So, yun.

"Pero siguro, I consider myself as an entertainer. Pero puwede rin naman comedian.

"Kasi, palaging sinasabi ng mga tao sa hindi sinasadyang pagkakataon na nakakatawa nga raw ako.

"So, effortless na ’ko ro’n. So, open naman ako sa lahat. Sitcom, anything, open naman ako sa lahat.

"Pero matagal na rin ang last sitcom ko, sa ABS-CBN pa yata."

FOUR YEARS AND GOING STRONG? Hindi naman itinatago ni Wilma na she’s in a relationship. In fact, four years na raw sila ng boyfriend na kasama niya rin noong pictorial.

Wala pa ba sa plano nila ang pakasal?

"Baka hindi pa time. Siyempre, I have two kids. Wala namang problema with my kids at saka ako.

"Pero siyempre, mahirap din na papakasal ka, sa isang seryosong commitment.

"Seryoso naman ang relationship [namin]. Pero yung may kasamang commitment na nasa isang bahay lang and then I have kids, siyempre, mahirap din yun."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Single naman daw ang boyfriend at walang sabit. Pero hindi raw nila napag-uusapan pa ang kasal.

Pero, kung tutuusin, isa na ito sa masasabing pinakamatagal niyang relasyon.

"Well, maybe because may pasensiya para sa babaeng luka-luka na kagaya ko!" natatawa niyang sabi.

"At hindi niya ako pinapakialaman when it comes to my work.

"At saka, alam din naman niya ang kakikayan ko kapag nakakakita ako ng lalaking guwapo, natataranta ang aking matris!

"Naiintindihan naman niya. Kasi, sinasabi ko rin naman sa kanya na kung ano ang nakikita niya sa TV, hanggang sa TV lang yun.

"Pero after no’n, wala na yun."

After having two kids at mga failed relationship, puwede niyang sabihin na nag-mature na rin siya in handling a relationship?

"Oo naman, ’te! Dalawa na rin naman ang anak ko. Oo naman.

"I had my wild days. I had my time.

"Ngayon, I don’t go out anymore. Hindi mo na ako makikita sa bar na pakalat-kalat na lasing.

"Natapos na yun. Pinagdaanan ko na."

FUTURE MODELS? Nakikita rin daw niya ang dalawang anak na sina Asiana, eight years old, at si Svetlana, four years old, na posibleng sumunod sa yapak niya.

"Parehong matatangkad, nasa dugo. Kaya nga hindi ko na sila masyadong ine-expose.

"Ayoko. Ayoko. Kung talagang gusto nila, bigyan muna nila ako ng diploma.

"Kapag may diploma na sila, okay lang. Kasi, alam mo na buo na ang pagkatao nila.

"Alam mong hindi na masyadong puwedeng ma-corrupt ng kahit na anong klaseng industriya, then go!"

Single parent siya sa parehong anak and she never asked any financial help mula sa mga ama nito.

"Yes, I don’t ask for any support. Kasi, para sa akin, kung gusto naman akong bigyan, tatanggapin ko naman.

"Pero kung wala namang kusa, okay lang din," pagtatapos niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN