Arci Muñoz gets "unexpected" project from TV5 after Nagbabagang Bulaklak

Nagbabagang Bulaklak" data-url="https://www.pep.ph/news/30893/arci-muoz-gets-unexpected-project-from-tv5-after-nagbabagang-bulaklak" data-desc="Arci will be paired for the first time with Leandro Muñoz in "Felina."" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/bc6a43a3a.jpg"> Nagbabagang Bulaklak" data-url="https://www.pep.ph/news/30893/arci-muoz-gets-unexpected-project-from-tv5-after-nagbabagang-bulaklak" data-desc="Arci will be paired for the first time with Leandro Muñoz in "Felina."" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/bc6a43a3a.jpg"> Nagbabagang Bulaklak" data-url="https://www.pep.ph/news/30893/arci-muoz-gets-unexpected-project-from-tv5-after-nagbabagang-bulaklak" data-desc="Arci will be paired for the first time with Leandro Muñoz in "Felina."" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/bc6a43a3a.jpg">

Nagbabagang Bulaklak" data-url="https://www.pep.ph/news/30893/arci-muoz-gets-unexpected-project-from-tv5-after-nagbabagang-bulaklak" data-desc="Arci will be paired for the first time with Leandro Muñoz in "Felina."" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/bc6a43a3a.jpg"> Nagbabagang Bulaklak" data-url="https://www.pep.ph/news/30893/arci-muoz-gets-unexpected-project-from-tv5-after-nagbabagang-bulaklak" data-desc="Arci will be paired for the first time with Leandro Muñoz in "Felina."" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/bc6a43a3a.jpg"> Nagbabagang Bulaklak" data-url="https://www.pep.ph/news/30893/arci-muoz-gets-unexpected-project-from-tv5-after-nagbabagang-bulaklak" data-desc="Arci will be paired for the first time with Leandro Muñoz in "Felina."" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/bc6a43a3a.jpg"> Nagbabagang Bulaklak" data-url="https://www.pep.ph/news/30893/arci-muoz-gets-unexpected-project-from-tv5-after-nagbabagang-bulaklak" data-desc="Arci will be paired for the first time with Leandro Muñoz in "Felina."" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/bc6a43a3a.jpg">

After Nagbabagang Bulaklak, Arci Muñoz will star in another TV5 show, Felina: Prinsesa ng mga Pusa.


Matapos ang kanyang big project na Nagbabagang Bulaklak, may panibagong proyekto na namang gagawin ang isa sa TV5 princesses na si Arci Muñoz.

Siya kasi ang magbibida sa kauna-unahang daily soap ng TV5, ang Felina: Prinsesa ng mga Pusa, na nakatakdang ipalabas sa susunod na buwan.

Naganap kahapon, August 31, ang story conference ng naturang palabas sa Shakey’s Tomas Morato sa Quezon City.

Dito’y nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entartainment Portal) at iba pang press si Arci, at sinabi niyang hindi niya inasahan ang big project na ito.

"Actually, nagulat ako!" bulalas ng young actress.

"Kasi, ang sabi pa sa akin ni Sir Perci [Intalan, TV5 executive] nung nagkita kami nung cast party ng Nagbabagang Bulaklak, sabi niya, ’O, Arci, magpahinga ka muna. Rest ka muna kasi after Nagbabagang Bulaklak hindi pa namin alam ang [next show mo].

"’Pero, for sure merong kasunod, merong kasunod ’yan. Hindi ka naman mawawalan,’ ganyan.

"Sabi ko, ’Sir Perci, kung puwede lang tuloy-tuloy talaga, e.’"

At tila nagdilang-anghel si Arci.

Kuwento niya, "E, nagkatotoo talaga! As in after Nagbabagang Bulaklak kasi hindi naman ako totally nagpahinga, kasi I have guestings, I have hosting jobs.

"So, ayun, nagulat ako na agad-agad, tumawag si Tita Annabelle [Rama, Arci’s manager], ’O, ’day, meron ka ng susunod na project, Felina.’ Okey, sige.

"’Tas parang two days after she called, meron agad na mga fitting, lahat, itong story conference na ilang beses pang na-move... And finally, ito na, ito na siya."

TITLE ROLE. Aminado si Arci na bagamat excited siya, kinakabahan din siya para sa big role na ibinigay sa kanya.

Dala-dala kasi niya hindi lang ang pangalan ng bidang karakter, kundi pati ang pangalan ng mismong show.

"Siyempre, yung pressure nasa akin, di ba, kasi yung title mismo, nasa akin yung title nung mismong show," saad niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero giit niya, "Siyempre, di lang naman ako magdadala ng show, di ba, marami kami.

"There’s Carla [Humphries], Leandro [Muñoz], and Tita Pilita [Corrales], para sa akin malaking oportunidad din na makatrabaho ko yung mga wonderful people na ito.

"And I know naman with their help, magiging successful ang show namin, basta maging happy lang kami sa set, [and] maging smooth flowing ang lahat."

ON LEANDRO MUÑOZ. Kung kabado si Arci sa kanyang title role, kampante naman daw siya sa unang pagtatambal nila ng aktor na si Leandro Muñoz.

First time kasi makakatrabaho ni Arci si Leandro. Pero sabi niya, sobrang "cool" na daw agad ng kanilang samahan.

Binibiro pa nga daw niya ito na kapatid sa labas, dahil parehong Muñoz ang kanilang apelyido.

"Actually, I met him na during the cast part of The Sisters, ’tsaka yung mall show ng Sugo Mga Kapatid.

"Tapos, sobrang cool na namin agad, parang bro! ’Bro’ yung tawag ko sa kanya.

"’Siguro anak ka ng daddy ko sa labas ’no?’ Yung mga ganun, [pero] joke lang yun, kasi pareho kaming Muñoz."

Dagdag pa ni Arci, hindi siya hirap magkaroon ng maayos na relasyon dito dahil "one of the boys" naman daw siya.

Kuwento niya, "Nakukuwento na din daw ako ni James Blanco sa kanya, kasi si James, sobrang brother ko yun. As in, bro yung tawagan namin kasi I’m one of the boys.

"So, nag-usap kami kanina, kuwentuhan that he has plans of going back to the States. And sabi niya, okay na yung career niya dito, like nag-work out daw.

"So, he’s gonna stay daw for a while, and I’m glad to meet him, finally."

Nagbabagang Bulaklak" data-url="https://www.pep.ph/news/30893/arci-muoz-gets-unexpected-project-from-tv5-after-nagbabagang-bulaklak" data-desc="Arci will be paired for the first time with Leandro Muñoz in "Felina."" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/bc6a43a3a.jpg"> Nagbabagang Bulaklak" data-url="https://www.pep.ph/news/30893/arci-muoz-gets-unexpected-project-from-tv5-after-nagbabagang-bulaklak" data-desc="Arci will be paired for the first time with Leandro Muñoz in "Felina."" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/bc6a43a3a.jpg"> Nagbabagang Bulaklak" data-url="https://www.pep.ph/news/30893/arci-muoz-gets-unexpected-project-from-tv5-after-nagbabagang-bulaklak" data-desc="Arci will be paired for the first time with Leandro Muñoz in "Felina."" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/bc6a43a3a.jpg">


Nagbabagang Bulaklak" data-url="https://www.pep.ph/news/30893/arci-muoz-gets-unexpected-project-from-tv5-after-nagbabagang-bulaklak" data-desc="Arci will be paired for the first time with Leandro Muñoz in "Felina."" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/bc6a43a3a.jpg"> Nagbabagang Bulaklak" data-url="https://www.pep.ph/news/30893/arci-muoz-gets-unexpected-project-from-tv5-after-nagbabagang-bulaklak" data-desc="Arci will be paired for the first time with Leandro Muñoz in "Felina."" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/bc6a43a3a.jpg"> Nagbabagang Bulaklak" data-url="https://www.pep.ph/news/30893/arci-muoz-gets-unexpected-project-from-tv5-after-nagbabagang-bulaklak" data-desc="Arci will be paired for the first time with Leandro Muñoz in "Felina."" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/bc6a43a3a.jpg"> Nagbabagang Bulaklak" data-url="https://www.pep.ph/news/30893/arci-muoz-gets-unexpected-project-from-tv5-after-nagbabagang-bulaklak" data-desc="Arci will be paired for the first time with Leandro Muñoz in "Felina."" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/bc6a43a3a.jpg">

WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN