Toni Gonzaga cites advantages of having her mom as manager

"Hindi niya masyadong tinitignan yung pera, tinitignan niya kung kaya ng health ko, o kung makakabuti sa akin.

"Nandun yung proteksyon. Yung pagkatao ko at image ko yung concern nya. Disadvantages naman nya, minsan umo-overboard ang mommy ko dahil lahat papakialaman nya. Personal, lovelife. Lahat talaga," says Toni Gonzaga on having her mom manage her career.


Muling napatunayan ni Toni Gonzaga ang pagiging box-office queen niya dahil sa lakas sa takilya ng pelikula nila ni Eugene Domingo na Wedding Tayo, Wedding Hindi mula sa Star Cinema at OctoArts Films.

Sa pagharap ni Toni sa press people, kasama ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kahapon, September 1, para sa victory party ng nasabing pelikula na ginanap sa 9501 sa ELJ building ng ABS-CBN, nagpasalamat siya sa suporta at good reviews na natatanggap ng kanilang pelikula. Una rin niyang pinasalamatan ang co-star na si Eugene.

"Nagpapasalamat kami sa mga nanood ng pelikula namin.

"Ang daming kong natutunan kay Ate Uge nung ginagawa namin yung pelikula.

"Hinahangaan ko sa kanya yung longevity niya sa industriyang ito.

"Nakita naman natin kung gaano na siya katagal at na-maintain niya yung kanyang husay.

"Bilang artista sa ngayon, yun siguro yung struggle namin na gusto rin namin tumagal sa industriya.

"Yung makapagbigay ng bago sa ating manonood," sabi pa ni Toni.

Mas matagal nang komedyante si Eugene kaysa kay Toni, pero marami ang bumilib na nakasabay naman siya sa mga eksena nilang dalawa.

"Siyempre lahat naman po ng eksena galing sa direktor.

"Pero ako, bago ko ginawa ang pelikulang ito, alam ko naman sa puso ko kung gaano kahusay si Ate Uge.

"At walang duda na lahat ng eksena na gagawin niya, ibinibigay niya lahat.

"Ang sa akin lang, ang tinrabaho ko rito, kung di ko man siya malagpasan ay umabot man lang ako sa husay niya. Masaya na sa akin yun. "

MOMMY MANAGER. Kung si Uge ay mina-manage ang kanyang sarili, komportable ba siya na ang ina niyang si Mommy Pinty ang tumatayong manager niya hanggang ngayon?

"Maraming advantages dahil nanay mo siya. Ang gusto lang talaga niya sa ’yo ay mapabuti ka.

"Mas more yung personal kaysa sa business side.

"Hindi niya masyadong tinitignan yung pera, tinitignan nya kung kaya ng health ko, o kung makakabuti sa akin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nandun yung proteksyon. Yung pagkatao ko at image ko yung concern niya.

"Disadvantages naman niya, minsan umo-overboard ang mommy ko dahil lahat papakialaman niya. Personal, lovelife. Lahat talaga.

"Iniisip ko, wala namang ina ang naghahangad ng masama sa kanyang anak kaya sumusunod na lang ako.

"Hindi ko pa siya pina-fire," tawa pa niya. Go lang kami nang go as mother and daughter and talent-manager relationship."

MY FIRST AND MY LAST. Kung ilang beses na rin tinanong ang tungkol sa lovelife ni Toni. Very open si Direk Paul Soriano, ang boyfriend ni Toni na handa na niyang pakasalan ang dalaga. Pero si Toni ay hihdi pa raw handang lumagay sa tahimik.

"Career muna kasi ang focus ko ngayon. Seryoso kasi ako sa lahat ng bagay.

"Kung darating yung time na magdesisyon ako to settle down, ayoko naman mapahiya sa mapapangasawa ko.

"Gusto ko ibigay din yung nararapat na panahon sa kanya. Naintindihan naman ako ni Direk Paul," paliwanag ni Toni.

Gusto raw makasiguro ni Toni pagdating sa pagdedesiyon ng pagpapakasal na ang kanyang ehemplo ay ang ina.

"Ang mommy ko kasi first boyfriend and last boyfriend niya ang daddy ko, na siya rin yung pinakasalan. Gusto ko maging ganun din ako.

"Marami nga ang nagsasabi sa akin na baka mawala pa si Direk Paul kung patagalin ko pa.

"Pero kasi ako, naniniwala, gaano man kaiksi, o kahaba ang isang relasyon, kung talagang kayo, kayo talaga in the end, "pagtatapos ni Toni


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN