Christian Bautista open in his admiration for Leni Robredo

May 11, 2016
<p>Christian Bautista on Leni Robredo: "I believe kaya niyang tapatan or mapartneran ang next administration natin."</p>

Hindi man nag-endorso ng kahit sinong kandidato, aminado si Christian Bautista na isa siya sa mga naniniwala kay vice-presidential candidate Congresswoman Leni Robredo.

Sa kasalukuyan ay si Robredo ang nangunguna sa bilangan para sa pagka-bise presidente, ngunit maliit lamang ang agwat niya sa pumapangalawang si Senator Bongbong Marcos.
 
Sabi ni Christian tungkol kay Robredo, “I really believe in her, I believe in her qualifications.

“I believe that everything that she went through.

“She has succeeded in her personal life at saka sa political life niya.
 
“I believe… kaya niyang tapatan or mapartneran ang next administration natin.”
 
Nagkausap na rin daw sila nang personal noon ni Robredo sa isang event sa Imus, Cavite.
 
 “Pumunta siya dun and I sang, dun ko siya na-meet,” sabi niya sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).
 
Nabanggit din ng Kapuso singer na hindi rin siya nakaligtas sa pangba-bash ng ilang netizens na supporters ng ibang kandidato. 

Nang mag-post daw kasi siya sa Instagram, may mga nang-bash sa kanya dahil sa pinili niya.

Continue reading below ↓

“Merong mga nang-bash, pero siguro kasama naman yun.
 
“Pero hindi ako yung nang-aaway or nagpu-prove ng points. 

“Sinasabi ko lang na this is what I believe in.

“Hindi ko naman sinasabing ito ang paniniwala ko, mali ka, dapat ito. Hindi naman ako ganun.”

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
<p>Christian Bautista on Leni Robredo: "I believe kaya niyang tapatan or mapartneran ang next administration natin."</p>
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results