Ciara Sotto plans to conceive this year; reacts to negative tweets against Dad Tito Sotto concerning RH Bill

"Nakaplano ’yan, itong siguro end of this year, we’re planning talaga. Kasi ano, e, mas less hassle for both of us. Wala na masyadong work. Na-stress ako masyado sa theater," says CIara Sotto when asked regarding plan of having kids.


Nakita ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ciara Sotto last Sunday, August 28 sa White House resto sa Timog Ave., Q.C. sa relaunch ng Panoramanila at Lyrics & Sheets ni Direk Dante "Ga" Garcia.

"Sinamahan ko yung husband ko kasi they work together sa Iskul Bukol," panimula niya.

"Sa APT [Films], e. Di ba my husband, COO ng APT.

"E, si Direk Ga, director siya ng Iskul Bukol and is my friend. Support lang for Direk Ga."

BABY, BABY? Magdadalawang taon na rin silang kasal ng kanyang asawang si Joe Oconer at may mga nagtatanong kung plano na ba nilang magkaanak.

"Nakaplano yan, itong siguro end of this year, we’re planning talaga."

Bakit end of this year?

"Kasi ano, e, mas less hassle for both of us. Wala na masyadong work. Na-stress ako masyado sa theatre.

"Tapos na yung play namin na Sweet Charity just last night [Saturday].

"Baka magka-rerun kasi maraming nagtatanong, pero hindi pa namin alam kung kailan."

Nag-enjoy si Ciara sa naturang play bilang si Helene na kaibigan ng bidang si Nickki Gil.

"Sobra, sobrang enjoy sa stage! ’Tsaka iba yung sense of fulfilment sa stage kasi nakikita mo agad yung reaction ng mga tao.

"And parang lahat ng pinagpaguran mo for three months na paulit-ulit na rehearsal.

"Tapos, pag nag-perform ka na, tapos makikita mo yung reaction nila, ang sarap ng pakiramdam. Grabe!"

Although sinasabing mas may pressure kasi walang take two sa theater.

"Wala, grabe! Kaya nga, e, wala. Hindi puwedeng ulitin. Hindi puwedeng take two.

"Pag nagkamali ka, kailangan presence of mind, anong gagawin mo, di ba?"

Was there a time na nagkamali siya?

"Siguro one time, na-short cut ko lang yung dialogue ko.

"Although alam mo yun, sayang, pero na-short cut.

"Parang yung wig ko kasi nung time na yun, malalaglag yata. Parang gusto ko nang um-exit kasi naka-wig kami, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So iniklian ko yung line ko, parang walang tension. Pero, yung reaksiyon ko pagtalikod ko, ’hayyy!’

"Kailangan dedma. Kailangan hindi mo ipaalam sa kanila na nagkamali ka.

"Andun yung shock na, ’babawi ako sa susunod na labas ko.’

"Basta tuloy lang, kailangang in character lang. E, itong character ko sa Sweet Charity sobrang saya.

"Kasi, medyo may pagkabakla. Sobrang ako yung maingay, na palaaway. Laging inis, parang ganun."

AGREE WITH DADDY. Napadako naman ang usapan tungkol sa mga naging tweets na kung saan tila naging negative ang dating ng daddy ni Ciara na si Senator Tito Sotto dahil anti-RH bill ito.

Ang nabanggit na mga patutsada sa senador ay reaksiyon sa naging debate nila ni Senator Miriam Santiago, kasama na rin dito ang pag-question ng Daddy ni Ciara tungkol sa credibility ng statistics concerning maternal deaths.

"I think it’s unfair na iniisip nila na sexist yung dad ko. Na bastos siya sa mga women.

"Unang-una kasi si Daddy, ano yan, e, palangiti talaga.

"I think mali yung message na nakuha nila na tumatawa siya. Na tinatanong niya parang, ’Give me names’.

"Hindi siya naniniwala nga na ganun yung situation ng mga hospitals natin.

"Kasi we have good doctors and nurses going to the States pa nga or abroad para mag-work dun, di ba?

"So hindi, parang hindi siya naniniwala dun sa statistics na sinasabi ng kabilang camp.

"So parang for me, na-hurt lang ako siyempre kasi ako sanay ako na kapag ako yung inaano [iniintriga], ’A, ganito si Ciara’, ganyan-ganyan.’

"Pero, pag daddy ko, naiirita talaga ako, naaapektuhan ako, e.

"Pag family mo maaapektuhan ka talaga, pero for me, dapat to each his own.

"And I believe in what my dad believes in. Yung ganung kalaking pera gamitin na lang natin sa ibang bagay.

"Hindi sa pagbibigay ng birth control pills, ng mga condom.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Which for me, well it actually encourages pre-marital sex pa.

"Kasi free lang yung condoms, e. di ang mga bata mag-e-eksperimento yan. Kukuha sila ng... for me, ganun, e.

"Kasi don’t force your beliefs on us. Parang ganun kasi, di ba

"Yung church na nga, sobrang against na diyan. Kasi parang gusto mo ng population control, parang medyo unfair din sa ibang mga tao, e.

"Parang ang gusto ng dad ko, yung ganung pera huwag na lang i-ano sa iba, and if... the United Nations nga they give mga condoms for free.

"Bakit kailangan tayong maglabas ng ganung kalaking pera?

"Baka kung saan lang mapunta, di ba. Hindi doon mapunta [sa pinaglaanan talaga].

"Kasi ano, e, unfair din naman sa mga [tao]. Kunyari magulang ka, gusto mo ituro sa anak mo, ganito, ganyan-ganyan.

Or ’mag- family planning kayo’ in another way, di ba?

"Huwag na yung ipagduduldulan mo, ’mag-birth control pills ka.’

"Or, ’mag-ano ka,’ huwag na ganun. Dapat, to each his own.

"Parang, kung ano yung desisyon ng tao, bakit kailangang gawin pa siyang bill?

"Dun naman sa sinasabi nila yung mahihirap, di ba, wala kasi silang form of recreation.

"Dun papasok yung... dun i-integrate sila. Educate sila, tulungan natin sila na, ’ganito ang gagawin. Ganyan.’

"Para hindi naman mahirapan na i-feed yung children nila. Na kunwari seven ba yun, or fifteen, di ba?

"Dapat turuan sila na kunwari ang mga babae, home economics, ganyan. Magtahi.

"Ang daming ibang puwedeng trabaho, lalo na sa atin.

"Di ba nga yung Pinatubo na sand nagawa natin na mga vase, vase?"

SUPPORT IN HER OWN WAY. Kahit apektado si Ciara sa pang-iintriga sa daddy niya, hindi siya sumagot sa Twitter.

"Never, kasi hindi din naman... ayoko ng ganun. Kahit tinitira na ako or ang dad ko, never talaga.

"Of course we show him our support. Like me sa Twitter in my own little way nakakapag-post ako ng mga quotes na alam kong makakaano [makakagaan] sa dad ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi minsan ang sarap ipagtanggol, e. Pero, parang let’s not go there na lang, kasi that’s his battle.

"Pero, I’m there to support him and he knows that.

"And yung mga tao na nagpo-post ng positive sa akin, binabasa ko lahat yun sa kanya.

"Yun yung support na nabibigay ko sa kanya.

"Natutuwa siya sabi niya, ’o tingnan mo na, kakampi ko yung mga pari, e!’ Sabi niya, ’Kakampi ko yung church, e!’

"Ang ipinaglalaban ni Daddy, huwag kayong mas marunong pa sa Diyos.

"So naniniwala ako doon. Na huwag nating i-control yung dapat kino-control ng Diyos."

HER PIECE OF MIND. Halimbawang naging neutral ang daddy ni Ciara, saan siya papanig?

"Ako? Hindi pa rin ako ano, pro-life pa rin ako. Anti-RH bill pa rin ako.

"Pero I still believe in family planning and all kasi nga I believe that God will not create a world na masyadong marami yung mga tao.

"God knows what He’s doing. Even before you’re born nga, di ba?

"Alam na Niya ilang strands ng buhok mo, which is all written in the Bible.

"So for me talaga everything should be natural, and people should just be educated more."

Pero sabi nga, sobra na ang population at dapat na ring ikontrol?

"No, for me dapat kung ikokontrol ang population yun nga, family planning or hindi yung kailangan, ’ganito lang ang anak ninyo’, hindi ganun.

"Hindi na kailangang ... bakit kailangang gawing bill, di ba?

"Kaya nga yung ibang senators gusto nila ng amendment dun sa bill kasi hindi rin sila tugma ng pag-iisip ng mismong nakalagay dun.

"Pero for me kasi kung masyado na tayong marami. Ang daming ibang puwedeng trabaho, ang daming ibang puwedeng paglaanan, o pagtuunan ng pansin."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN