Ahron Villena excited to do his first drama series with Kapatid network

Playing mostly supporting roles, Ahron Villena is excited to play his first leading-man role under the Kapatid network. "Masaya, sobra! Kasi, ito nga, for me, binigyan ako ng... First soap ko pa lang na gagawin ko sa TV5, nabigyan ako kaagad ng magandang break," he says.


First time na gagawa ng drama series ang aktor na si Ahron Villena sa Kapatid network.

Isa siya sa mga leading man ni Arci Muñoz sa upcoming afternoon show ng TV5, ang Felina: Prinsesa ng Mga Pusa.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang press si Ahron, sa naganap na story conference ng Felina noong Miyerkules, August 31, sa Shakey’s Tomas Morato, Quezon City.

Dito’y sinabi ni Ahron na masayang-masaya siya sa break na binigay sa kanya ng TV5.

"Siyempre sobrang nakaka-overwhelm!" bulalas ng aktor.

"Kasi, first time ko nga na magakakroon ng leading-man role. So masaya, sobrang happy."

Laking pasasalamat din daw niya sa Kapatid network dahil malaking break agad ang ibinigay sa kanya.

"Masaya, sobra! Kasi, ito nga, for me, binigyan ako ng... First soap ko pa lang na gagawin ko sa TV5, nabigyan ako kaagad ng magandang break.

"So, sobrang thankful ako sa bumubuo ng show na ito."

Bukod pa sa first drama series niya ito sa TV5, excited din daw si Ahron na makatrabaho ang kanyang mga leading ladies na sina Arci Muñoz at Carla Humphries.

Hindi na raw ilang si Ahron sa kanyang mga kapareha

Nakasama na kasi niya noon si Carla sa dating istasyon nitong ABS-CBN, samantalang si Arci naman ay nakatrabaho na rin niya bagama’t hindi na niya maalala kung saan.

FREELANCE. Nilinaw rin ni Ahron na "freelance" siya, kaya naman walang kaso kung tumanggap siya ng projects mula sa iba’t ibang networks.

Matatandaang last year ay kasama siya sa castaways ng GMA-7 reality show na Survivor Philippines Celebrity Edition.

Gumawa rin siya ng teleserye sa Kapamilya network, ang Mutya (2011). At kabilang din siya sa cast ng Star Cinema movie na Way Back Home (2011).

Kaya naman ang nakangiting sabi ni Ahron, "So, given a chance dito sa TV5, why not, di ba?"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN