Anne Curtis thinks love scenes with Derek Ramsay will not affect relationship with beau Erwan Heussaff

Anne Curtis on issue that her boyfriend Erwan will get jealous over her love scenes with Derek Ramsay: "Hindi maman. He knows the story and everything. He knows how excited I am to shoot it. And how excited I am, kasi I play a different role."


Masasabing exception si Anne Curtis sa paniniwala na "kung suwerte ka sa lovelife mo ay malas ka naman sa iyong career" or vice versa.

Kasi, maganda ang itinatakbo ng kanyang career at smooth sailing ang relasyon nila ni Erwan Heussaff.

Anne is also one of the top celebrity endorsers, according to YES! magazine. Mataas ang rating ng Showtime where Anne is one of the regular hosts.

Masasabi ring isa siya sa mahuhusay nating aktres sa kasalukuyan.

At sa usaping love, balitang may European tour sila ng boyfriend niyang si Erwan at ang pamilya nito.

Sa nakaraang pictorial ng No Other Woman—pelikulang pinagsasamahan nila nina Cristine Reyes at Derek Ramsay—nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Anne.

CURIOUS ERWAN. Tinanong namin siya kung may mahihiling pa ba siya sa magagandang nangyayari sa kanyang buhay artista at personal?

Mukhang malaking factor kasi ang hindi pagiging celebrity ni Erwan sa kanilang maayos na relasyon.

"Oo, that’s a very, very big factor,’ pagsang-ayon naman niya.

"And parang my friends have been saying, this is the quietest relationship I’ve ever been.

"And it’s a good thing. We both came from totally different worlds. Parang he likes to know about it and then [has] his curiosity about it."

Sa pelikulang No Other Woman, balitang may sexy scenes si Anne with Derek. Hindi kaya ito pagsimulan ng selos, o maging issue sa kanila ni Erwan?

"Hindi maman. He knows the story and everything. He knows how excited I am to shoot it.

"And how excited I am, kasi I play a different role.

"He’s always curious when we started shooting. Tapos he even asked if when am I to do a heavy scene.

"Kinukumusta niya ako, ’How was it?’ Sinasabi ko sa kanya if I feel maybe if I should have given more.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"He’s very,very supportive. I think that’s the good thing if you’re from different industries," saad niya.

IS HE THE ONE? Sa ganda ng itinatakbo ng relasyon nila ni Erwan, may feeling kaya si Anne na ang kasalukuyang boyfriend na nga ang para talaga sa kanya?

Aniya, "Ayoko nang magsalita ng ganyan.

"Kasi before, I did, and when it doesn’t happen, it really, really hurts.

"Ayoko na lang magsabi.

"If it happens, it will be very good. Everybody’s happy. But if not, ganun talaga.

"Basta right now, we’re very happy, very, very happy."

A DIFFERENT ANNE. Nagpahayag ng excitement si Anne para sa role niya sa No Other Woman, kakaiba raw talaga ito sa ibang mga karakter na nagampanan na niya.

"It’s the first time that I’m portraying a role that deals with domesticated life.

"Kasi, laging boyfriend-girlfriend ang issue [ng mga role ko dati].

"Ito kasi, mag-asawa na and it’s a first time for me.

"Ibig sabihin, ready na ako for mature roles na hindi pang-bagets," sabi niya.

Sa mga binitawang salitang ito ni Anne, mukhang bukas na ang aktres sa mga mas daring and sexy roles sa mga susunod na proyektong gagawin niya.

Pero aniya, "I don’t think anymore the issue here is sexy. Parang it’s such an old issue na nagpapa-sexy.

"It’s not that anymore. It’s more of the scripts that are given now.

"My generation, parang lahat kami we’re attacking more mature roles, which is good.

"I think that’s the fun part of being an actress, when they realize your worth as an actress. Na, you’re ready to take on more mature roles.

"Iba na naman ito. Bago na naman, kasi lagi comedy or kaya love story.

"Ito, parang something far from ginagawa ko in the past.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Naloka talaga ako nung nag-dub [kami]. Nung napanood ko na, sabi ko, ’Oh, my gosh!’

"Ang galing, kasi parang natawa ako sa sarili ko. Kasi I’m not used to seeing myself on the big screen na ganun.

"So, nakaka-excite din kasi I was so excited to get into the role.

"And I was super involved sa script and everything and made sure everything na maayos."

ANNE THE PERFORMER. Sa bagong station ID ng ABS-CBN, si Anne ang kumanta ng theme song.

Bagay na sobrang ipinagpapasalamat at ikinatutuwa ni Anne. Isama pa dito ang excitement niya dahil tapos na ang kanyang first album.

"Sobra akong kinilig. As in, ibang factor ang pagkakilig ko.

"Na alam mo yung hindi mo iisipin na kakanta ako ng station ID?

"Sabi ko nung una, ’Koke ba ito? Niloloko n’yo ba ako?’

"Sabi nila sa akin, totoo daw. Sabi ko, ’Okay, game.’

"Tapos pinarinig nila sa akin. They said they need a faster version of ’Ulan’ na mala-Katy Perry.

"Sabi ko, ’Sure, kaya ko ’yan.’ Natuwa nga ako, they were saying na nagulat daw sila.

"In fairness, nag-improve naman talaga ang voice ko.

"Regarding my album, okay naman. Tapos na siya.

"I’m leaving kasi on Wednesday to Europe.

"Dapat kasi end of this month ilu-launch yung album ko. Sabi ko, ’wag muna.’

"I wanna be here to be able to promote yung album sa mga mall shows.

"Magmo-mall tour ka and then you’ll get to sing mga four songs, so excited ako magganun.

"So, ibigay ninyo yun sa akin to be able to experience.

"It’s really just a dream of mine and it’s not something I took seriously na this is gonna be a career.

"I’m not a singer, just a performer!" tawa pa nito.

"It’s really super fun. Ine-enjoy ko lang. And this album, I’m not expecting to win an award. It’s really just for fun."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN