Jennylyn Mercado on reported romance with Luis Manzano: "Parang ine-enjoy lang po namin ang isa’t isa, pero wala pa po talaga."

Five months na rin daw nagkakasama si Jennylyn Mercado at si Luis Manzano. Bakit tila matagal bago makapag-commit ang aktres?

"Siyempre, hindi ko pa rin naman siya kilala na ganoon. Yung iba nga po, pagkatapos ng ilang taon, saka ko pa nga lang makikita yung talagang ugali," says Jennylyn.


Being a young mom in real life, mas madali raw para kay Jennylyn Mercado ang gumanap na ina sa kanyang mga series tulad ng Futbolilits ng GMA-7.

Although Julian Trono, who plays the role of Hero in the show, is older than her son in real life, para kay Jennylyn, pare-pareho lang naman daw yun, kahit mga bata pa yung nagiging anak niya sa serye.

Nakausap nga ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jennylyn sa set ng Futbolilits sa Parañaque kahapon, September 2, kunsaan, present ang buong cast ng show para sa isang laban ng mga futbolilits.

Jennylyn talks about playing the role of Julian’s mom in the series: "Okay naman. Pareho lang din actually, kapag maliliit lang yung anak ko."

Malaking bagay din na nanay siya kay Alex Jazz in real life.

Aniya, "Opo naman. Nakakatulong talaga, kumbaga, yun naman talaga ang role ko [in real life], as mother."

Dinescribe ni Jennylyn ang pagta-trabaho niya sa show.

"Masaya!" nakangiti niyang sabi. "Nagdadala rin ako ng pagkain, like sa mga bata, nagdadala ako ng donut pang-pa-energy."

Kahit busy sa kanyang mga showbiz commitments—she hosts a daily show, Protégé —nagagawa pa rin ni Jennylyn ang mag-triathlon.

Mahilig na raw siya sa sports kahit noon pa, pero ngayon nga, nakakailang weeks na raw siyang nage-ensayo, at posible rin siyang mag-compete.

GOOD FOR THE HEART. May heart problem si Jennylyn na naibalita na noon, pero, ayon sa Kapuso actress, maganda raw para sa heart niya ang triathlon.

"Maganda po yun sa heart. Nae-exercise yung cardio. Although, three weeks pa lang po ulit ako naglalaro. Sa September, meron po ako na competition, pero, duathlon pa lang po ako."

Ang co-star niya sa Futbolilits na si Raymart Santiago ay nagta-triathlon din. Na-inspired ba siya rito?

Ayon kay Jennylyn, "Hindi po. Dati pa akong nagba-bike, ’di ba? Dati kasabay ko pa sila Direk Dom, sila Pekto, nagba-bike kami, nagti-training kami. Minsan sa La Mesa Dam.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Tapos noong lumabas yung Ironman [triathlon], naisip ko, parang maganda ah. E, hindi naman ako magaling mag-swimming. So, nagti-training ako ngayon sa swimming.

"Tapos yung right muscle na ginagamit ko sa pagtakbo, sa pag-bike, yung form, lahat, pati breathing."

Nangiti naman si Jennylyn sabay sabi nang, "Wala, ganoon pa rin," when asked about her love life.

So, anong ganoon pa rin?

"Wala pa namang development."

Pinaninindigan ni Jennylyn na hindi pa rin sila ni Luis Manzano at hindi pa raw niya ito sinasagot.

Aniya, "Seryoso, hindi pa po. Parang ine-enjoy lang po namin ang isa’t-isa, pero, wala pa po talaga. "

Around five months na rin daw silang nagkakasama ni Luis. Kaya naman tinanong namin siya kung bakit tila matagal bago siya makapag-commit sa Kapamilya actor?

Ayon kay Jennylyn, "Siyempre, hindi ko pa rin naman siya kilala na ganoon. Yung iba nga po, pagkatapos ng ilang taon, saka ko pa nga lang makikita yung talagang ugali."

Hindi naman itinanggi ni Jennylyn na naipakilala na siya ni Luis sa mommy nito na si Governor Vilma Santos.

TRACK RECORD. Halos karamihan ng lalaking nakarelasyon or naugnay kay Jennylyn ay nasa showbiz rin. But most of her relationships did not fare well. Hindi ba siya natatakot to enter into another romance?

Aniya, "Sa akin naman po kasi, siyempre, hindi ko naman po sila mapipigilan kung gusto talaga nila kong makilala. E, hindi ko pa naman po sila sinasagot. So, wala pa naman po."

Does she prefer a non-showbiz personality in her next relationship?

"Well, mas okay po sana kung non-showbiz pero siyempre, iba-iba naman ang mga tao. Hindi naman pare-pareho. So, bigyan naman natin sila ng chance."

Ready na ba siyang ma in love muli?

Umiling ito at sinabi, "Hindi pa ako ready. Nag-e-enjoy pa ko. At saka, ang dami ko pang ginagawa. Parang... baka mamaya, masisi pa ko. Hindi pa ko handa."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aware naman si Jennlyn na dahil nga sa pagiging visible rin nila ni Luis together, marami na ang ilan, sinasabing ang bilis niyang na-in-love after Dennis.

Pero ayon kay Jennylyn, "Hindi naman ako ang nanliligaw, e. Kumbaga, mapipigilan mo ba na, huwag mo muna akong ligawan?

"Hinahayaan ko lang. Kumbaga, ayoko namang magmukha na parang suplada. Ine-enjoy ko lang talaga. Kumbaga, wala lang commitment. Hinahayaan ko lang sila, nag-e-enjoy lang ako."

With her ex-beau Dennis Trillo, may nasulat na nagkita raw sila sa Podium kunsaan, kasama niya si Luis, pero, balitang nagdedmahan daw sila.

Sinagot naman ito ni Jennylyn nang, "Hindi ko naman siya nakita. May nakita kaming shooting, pero, never namin siyang nakita. Wala kaming nakita. So, hindi ko siya nakita talaga at all. Wala akong nakita talaga."

Nagkikita naman daw sila ni Dennis tulad sa Party Pilipinas pero aminado si Jennylyn na hindi pa talaga sila nag-uusap or nagpapansinan.

Katwiran naman niya sa bagay na ito, "Siyempre po, hindi maganda ang paghihiwalay, siyempre, inuunti-unti. Siguro, darating din ang tamang oras.

"Kahit naman yung sa amin ni Patrick [Garcia], ang tagal din. Hinintay lang namin ang tamang timing. Tamang oras talaga...ang tagal, ’di ba? Siguro, isang taon at kalahati bago kami nagka-usap. Yun po..."

Feeling naman ni Jen, time will come na magkakausap or magkakaayos din sila ni Dennis.

Aniya, "Huwag na lang pong pilitin. Basta sa ngayon, hintayin na lang namin. Palamigin na lang namin ang lahat."

On the other hand, may nagtanong din kay Jennylyn sa isang tweet niya kunsaan, nasabi niyang sana raw, huwag siyang gamitin sa publicity para sa mga gumagawa ng pelikula.

Anong ibig niyang sabihin do’n?

Ayon kay Jennylyn, "Siyempre, mahirap din naman ’di ba, ayoko lang na... hindi naman ako kasama sa pelikula, so, huwag na lang akong isama.

"At saka, nanahimik naman ako. Kumbaga, ang tagal na rin no’n, kumbaga, anim na buwan, pitong buwan na rin ang nakakalipas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kumbaga, sa akin, parang dapat mag-move-on na. Huwag na lang akong isali dahil hindi naman ako cast, ’di ba?"

ON PATRICK GARCIA. Yung isyu naman ng pagsasalin na ng apelyido ng anak nila ni Patrick na si Alex Jazz kay Patrick, bagama’t marami ang lumalabas na nasa proseso na ito na inaayos ni Patrick, ayon kay Jennylyn, hindi pa naman daw nila talaga ito napag-uusapan.

Aniya, "Hindi pa namin napag-uusapan talaga. Wala pa namang final. Yun pa lang naman na, if ever ba, okay lang? Okay lang... pero, hindi pa namin talaga napag-uusapan."

Wala na raw problema sa kanila ni Patrick, pero natatawang itinanggi ni Jennylyn na may instances na lumalabas silang tatlo lang ni Patrick at ng anak niya.

Ayon kay Jen, "Hindi! Hindi kami lumalabas... never pa kaming lumabas na kaming tatlo lang. Ang laking chismis niyan kapag lumabas kaming tatlo," natatawa niyang sabi.

"Baka po silang dalawa lang ni Jazz. Madalas na silang tatlo ang lumalabas. Pero ako po, never pa po akong nakasama sa mga lakad ng pamilya. Hindi pa po. At saka, kung may nakakita man sa amin, siguradong nakalabas na yun."

Dugtong pa niya, "Ang dami ko nga pong ginagawa. Hindi ko nga po masundo ang anak ko sa school. As in, araw-araw po ang trabaho ko."

Kinamusta rin namin kay Jennylyn how’s Jazz naman with Luis?

Aniya, "Okay naman. Kapag dumadalaw sa bahay si Luis, okay naman... pero si Jazz kasi, suplado kasi ang batang yun. Alam niyo ’yan. Kahit anong tawag sa bata. Kahit kami, pamilya na kami, kapag naglalaro siya, ayaw niyang mamansin."

Three years old na raw ang anak at mas nakakatuwa raw ito ngayon dahil nakakausap na nila.

"Nakakapagsalita na kasi siya. Tapos, nakakapag-count na rin. Tapos, mahilig siya sa music. Umaga pa lang, ang pupuntahan na niya piano, drums, tapos mahilig siyang kumanta. Nagha-hum-hum."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Obviously, ang hilig ni Jazz sa music ay nakuha sa kanya. What about Patrick, ano ang mga nakita niyang nakuha or namana naman nito sa ama?

"Naman, e, parang lahat yata... kay Patrick. Lakad, kilos, Patrick na Patrick. Minsan nga, kapag nanonood ako ng show ng Seven, nakikita ko si Pat, sa Iglot, grabe, kamukha talaga ni Jazz," natatawa niyang sabi.

Nakikita na rin daw niya ang closeness ng mag-ama.

Aniya, "Grabeng maglaro ang dalawang yun."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN