Jason Abalos says he’s good friends with Jewel Mische; refuses to comment on ex-girlfriend Bela Padilla dating Dominic Roco

Asked how he feels about Jewel Mische going out with Gerald Anderson, Jason Abalos says: "OK kami ni Jewel, magkaibigan kami, kami nila Maja [Salvador]. Gaya ng sinabi ko, si Jewel, sobrang nakaka-inspire ang pagkatao niya. Ang ganda ng epekto niya sa akin. Ang daming nabago sa buhay ko ngayon dahil sa kanya."


Very open si Jason Abalos about his admiration for Jewel Mische. Inakala tuloy ng iba ay mauuwi sa relasyon ang pagkakaibigan ng dalawa.

Pero heto’t lumabas ang balita na nakita raw na nag-date sila Jewel at Gerald Anderson.

Patunay lang daw ito na mukhang totoo ang sinabi ni Jason na magkaibigan lang sila ng young actress, dahil kung hindi ay tiyak na hindi na lalabas si Jewel kasama ng ibang lalake.

Agad naming tinanong tungkol sa nasabing balita si Jason nang ma-interview siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng pelikulang Thelma where he plays Maja Salvador’s love interest.

"OK kami ni Jewel, magkaibigan kami, kami nila Maja. Gaya ng sinabi ko, si Jewel, sobrang nakaka-inspire ang pagkatao niya. Ang ganda ng epekto niya sa akin. Ang daming nabago sa buhay ko ngayon dahil sa kanya.

"Regarding sa kanila ni Gerald, hindi ko alam, hindi naman namin napag-uusapan yun. Buhay nila yun. Kung may mangyari man sa kanila, kanila yun. Hiwalay yun sa friendship namin. Magkaibigan kami, hangad ko lang din ang kaligayahan nila."

Hiningan din namin ng reaksyon si Jason sa balitang nagkakamabutihan na raw ang ex niyang si Bela Padilla at si Dominic Roco.

"Ako, ayokong magsalita, ayokong magsalita about sa kanila. Mas okay na yung ganito, ayokong magkaron pa ng ibang issues e. Kasi minsan di nagkakaintindihan, nagkaka-usap kami, iba’t-iba ang nakakarating sa kaniya so magandang pag nag-uusap kami, personal na lang.

"Ako naman, I’ll be happy kung magiging happy siya. Ako naman wala akong ibang hiniling kundi makita siyang maging matagumpay at saka masaya."

Kasama si Alex sa pelikulang Thelma na pinagbibidahan ni Maja Salvador. Ayon kay Jason, it is an inspiring movie na dapat panoorin ng lahat.

"Tayo namang mga Pinoy, gusto natin yung pag-abot ng mga pangarap, pag napanood ninyo ang Thelma, makikita ninyo kung paano. Makaka-relate kayo sa mga makikita ninyo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ang role ko dito, parehas kami ni Thelma na tumatakbo pero may iba kaming daan na tinatahak. Sa istorya kasi naniniwala ako gaya ng ibang Pinoy na wala sa Pilipinas ang tagumpay."

Kinumusta namin kay Jason ang Reputasyon kung saan isa siya sa may malaking papel na ginagamapanan. Inusisa namin kung babalik na si Cristine Reyes na ilang linggo ring nawala dahil nga nagkasakit ito.

"OK naman siya, tuloy pa rin, wala pa ring nakakakita kay Agnes [the character played by Cristine Reyes]. Alam ko hanggang November kami so sana patuloy nilang suportahan at abangan [ang serye. OK na si Cristine, nakapag-shoot na siya last Monday so babalik na siya."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN