Vilma Santos surprised and proud her son Luis Manzano is open to joining politics

Vilma Santos on why she’s shooting a new movie: "Magtu-two years na po since [I made] In my Life. Next year na naman nakatoka kung maipapalabas ’yong The Healing, di ba?" she says. "And before ko ginawa ’yong In My Life, ang gap ko [sa paggawa ng pelikula ay] seven years... Kailangan ko ’yon, e. Raket ko plus I owe it to my public."

&l


Labis na ikinatuwa ni Governor Vilma Santos na maraming Batangueño ang nakiisa sa pinangunahan niyang Alay Lakad kahapon sa Batangas City.

Hindi lang basta sumamang naglakad ang mga delegates mula sa iba’t-ibang bayan sa buong lalawigan, kundi nagbigay rin ang mga ito ng kanilang donasyon bilang ambag sa karagdagang pondong kailangan para sa scholarship ng libu-libong estudyanteng pinag-aaral ng kapitolyo.

Bukod sa 300 thousand pesos na donasyon mula sa provincial government, si Governor Vi at ang asawang si Senator Ralph Recto ay nagbigay rin ng tig-100 thousand pesos na donasyon.

Fifty thousand pesos naman mula sa anak niyang si Luis Manzano, habang ang naimbitahang guest speaker na si Sarangani Congressman Manny Pacquiao, 100 thousand pesos sana ang ibibigay pero ginawa nitong 200 thousand pesos nang naglambing ng "more" ang mga naroong Batangueno.

Natanong nga ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Governor Vi kung ano ang kanyang naging pakiramdam na talagang nagbigay ng panahon ang Pambansang Kamao para makapunta roon sa Batangas.

"Definitely karangalan ng Batangas iyon," aniya.

"Ang Sangguniang Lalawigan nga, naglabas ng resolution na adopted son siya ng Batangas. And under my administration, ito ’yong first time na dumalaw siya rito na ako ang Governor.

"At ang maganda pa, ’yong dalaw niya ay very meaningful.

"Malaking plus factor iyon para sa purpose ng aming Alay Lakad kahit ’yon lang presence niya.

"E... nag-donate pa. Kaya naman sabi ko sa kanya... kapag ako naman ang kinailangan niya sa Sarangani, anytime."

Hindi naman daw sila nahirapan na imbitahin si Pacman.

"He is also close to Vice Governor [Mark Leviste]. He is also close to my son, Lucky.

"Palagay ko, no’ng nalaman niya na Alay Lakad iyon and may purpose, hindi siya nagpahirap ng imbitasyon.

"Alam naman natin na may puso talaga para sa masang Pilipino si Manny. Every time na may laban siya, iniaalay niya sa mga Pilipino. At saka namimigay siya ng suporta sa kanyang lalawigan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Tapos ngayon meron pa siyang show na namimigay siya ulit. ’Yong medyo excess sa kanyang kayamanan o perang pinaghirapan, at least kitang-kita natin na isini-share niya."

Nangako ba si Manny na dadalhin din sa Batangas ang game show niyang, Manny Many Prizes?

"Hinihiniling ko nga kung sana magagawa niya rito. Sabi naman ng grupo niya na baka one of these days nga. So... looking forward. Why not?"

PACMAN, VILMANIAN. Nabanggit din ni Manny... Vilmanian daw ito. Noon pa man daw ay tagahanga na ng Star for All Seasons ang binansagang Pambasang Kamao.

"Tumigil kayo diyan!" natawang reaksiyon ng aktres na ang akala ay ini-etching siya.

Pero talaga ngang sinabi ni Manny na idol niya si Governor Vi.

"Ano namang... kasi ako... Pacquiao-an! Ha-ha-ha! Pacquaio-an ako.

"Ikinukuwento ko nga rin sa kanya [Manny], everytime na may laban siya... eto totoo ito, kasi may video ang anak kong si Ryan nito... every time na may laban siya, nanonood ako sa TV. Parang ako siya.

"Kasi sinusuntok ko rin ’yong TV. Kapag nasasaktan siya, nasasaktan din ako. Talagang kitang-kita mo na sumusuntok din ako. E... si Darna ako, di ba?

"So... talagang sumusuntok din ako. Ikinukuwento ko rin iyon sa kanya. At tawa siya nang tawa.

"Ang gusto na nga lang niya, one time ay makapanood daw sana ako ng fight niya. So sabi ko, looking forward ako.

"Sana nga kung makakapag-shooting ako para sa The Healing [pelikula nila ni Kim Chiu sa Star Cinema], ang laban niya November. Kung makakapagpaalam ako baka gusto kong manood nitong fight niyang ito, e.

"Kung papayagan ako, I want to see this fight sana. Kung papayagan ako. Kasi shooting ko will start this October, e."

Paano ba siya nagpaalam sa kanyang constituents na magshu-shooting siya, at paano siya pinayagan ng mga ito?

"Naku, Diyos ko! Bawat bayan pong puntahan ko rito at maging dito sa Kapitolyo sa flag ceremony, nagpapaalam ako kung puwedeng makaraket naman kahit isang pelikula lang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

PRIORITIES. "Iba ’yong alam nila. Kasi sabi ko ang priority ko, kasi first is family... ang second priority ko, is being a public servant.

"Ang ibig kong sabihin, anu’t ano man ang mangyari... ’yong pagiging governor ko pa rin [ang second priority] at third lang ’yong showbiz.

"Kaya marami nga akong hindi nagagawang pelikula, e. Kasi hindi pupuwede sa local ’yong alis ka nang alis.

"But again, kailangan ko rin naman. Because I owe it to my audience, too, na magkapelikula naman ako.

"Magtu-two years na po since [I made] In my Life. Next year na naman nakatoka kung maipapalabas ’yong The Healing, di ba?

"And before ko ginawa ’yong In My Life, ang gap ko [sa paggawa ng pelikula ay] seven years.

"Kailangan ko ’yon, e. Raket ko plus I owe it to my public. Kaya lang gano’n talaga kapag priority na ang pinag-usapan, di ba?"

PROUD OF LUIS. Thankful at natutuwa din nga si Vilma sa kanyang anak na si Luis na nakibahagi sa Alay Lakad na pinangunahan niya sa Batangas.

"This is his second time already. Two years ago... siya. Last year si Diet [Diether Ocampo].

"No’ng sinabi ko sa kanya na... son I need you, kailangan kita roon. Kasi kung madudoble o matri-triple mo pa ang tao and ’yong magdu-donate, much better. Alam ko hindi talaga siya nagpahirap.

"Kahit wala siyang tulog. Nag-donate pa. ’Yan ang anak ko! ’Yan ang anak kong si Lucky. That’s why I’m proud of my son. I’m really proud of him."

Sana inimbita na rin niya ang rumored girlfriend ni Luis na si Jennylyn Mercado?

"Sana kung available si Jennylyn, meron pa kaming malaking affair na darating sa December. Iyon ’yong foundation day ng buong province ng Batangas. It’s a five-day affair. That’s going to be big.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sabi ko nga kay Lucky kanina, anak kung okey pa... ang ibig kong sabihin, kung okey si Jennylyn... kung okey pa ’yong dating nila, di ba?

"Kung okey pa kay Jennylyn, as early as this, I’m inviting her to join us on our foundation day. Sa December iyon... first week of December."

Natanong din namin si Ate Vi kung ano ang reaksiyon niya sa nasabi sa amin ni Luis na hindi nito isinasara ang pinto para sundan ang yapak niya sa politika.

"Alam mo, ako rin nagugulat sa anak ko. Dahil tinanong ko rin siya kung sa tingin niya someday papasok siya sa politika.

"Sabi niya... hindi, Mommy.

"Ngayon nag-isip ako kung bakit. E... ilang taon? 14 years na public servant ako. Mayor... governor. ’Yan na rin halos ang kinalakihan niya sa akin, e.

"And kasama ko siya sa mga important occasions kagaya nito. So namulat siya sa mga ganito. Nagkakaroon siya ng background.

"So... maybe someday. Who knows, di ba?

"Ako, hindi ko alam kung bakit ako nandito. But again, we can never tell.

"At kung just in case, I have nothing against it kasi... kilala ko si Lucky, e. Alam ko at alam n’yo na maraming tulong si Lucky na hindi niya sinasabi, e. At magandang trait ’yon sa anak ko.

"So puwede siyang public servant. And being a public servant is sacrifice. Kung talagang serbisyo ang gagawin mo, sakripisyo ito."

Hindi nga raw sa Manila kundi sa Lipa City malamang tumakbo si Luis.

"Okey, ganito po... ’yong mga Lipeños ko diyan na mahal ko dahil diyan naman ako nag-umpisa, matagal na siyang hinihilingan. Two elections pa iyon, hinihilingan na si Lucky na tumakbo.

"After my term actually, gusto nila... sabi nila... baka puwede naman si Lucky.

"Sabi ko... huwag naman. Kasi he’s too young. At saka ini-enjoy pa niya ’yong showbiz life niya. Huwag nating pilitin kapag hindi dapat. Kasi hindi magiging successful.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

LUIS FOR MAYOR. "But the way things are going, itong huling tinanong ko siya kanina... anak anong tingin mo dito, tingin mo, kaya mo ito? Sabi niya... Yeah!

"E... tingnan natin."

Proud si Luis sa mommy niya kaya gusto niyang sundan ang footsteps nito.

"Alam mo iyon na lang ang bayad na meron ako ngayon, e. Pinaka-bayad ko nang kahit anong pagod ko pag-uwi ko ng bahay, alam kong proud sa akin ang anak ko at ang buong pamilya ko.

"Kung income, hindi talaga puwedeng ilaban ’yong suweldo mo rito sa income mo sa pelikula. Napakalayo namang sobra.

"Ah... nawawalan ako ng raket!

"Pero again, at the end of the day, na-realize ko na ’yong 14 years ko [sa politics] sometimes it’s not all about money.

"The mere fact na hanggang ngayon public servant ako... pinagkatiwalaan ka, ibinigay sa ’yo ’yon ng mga naniniwalang may magagawa ka. Iyon na ’yon.

"Kapag pinasalamatan ka na may nagawa ka for them, iyon na ang pinakabayad mo. And at the end of the day, hindi naman tatanungin ng Diyos magkano ang dala mong pera? Kundi... anong ginawa mo?

"And since inilagay ako rito, baka may purpose ito. So I’m doing my best," sabi pa ni Governor VI.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN