Ian de Leon’s message to detractors of his mom, Nora Aunor: "Subukan n’yo lang na [kalabanin] si mommy, ako ang makakalaban ninyo!"

Ipinakita ni Ian de Leon sa PEP ang mga nakunan niyang larawan, during rehearsals, sa nai-tape na eksena ng kanyang parents na si Nora Aunor at Christopher de Leon.

"Masaya ako, kasi sina mommy at daddy ’yan, e," Ian says. "Matagal na silang hindi nagkasama. Ako ang unang-unang masaya sa pagsasama uli nila sa mini-series."


Bilang anak, masayang-masaya si Kristoffer "Ian" de Leon sa pagbabalik sa bansa ng kanyang mommy, ang Superstar na si Nora Aunor.

At lalong naging masaya at masigla si Ian nang mapasali siya sa cast ng Sa Ngalan Ng Ina, ang TV5 mini-series na tampok din ang kanyang dad, ang aktor na si Christopher de Leon.

Pero dahil lagi na ring kakabit ng mommy (Nora) niya ang mga kontrobersiya at intriga, ugnay sa propesyon nito bilang aktres, hindi masaya si Ian. Naaapektuhan ang emosyon niya kapag may naglalabasang negatibong ulat na nai-implicate ang kanyang mommy.

Lately, ang mga usapin ay ang tungkol sa umano’y "magulong" pamamahala sa career ni Nora Aunor, na kung tutuusin ay "non-issue," dahil maayos na ang kontrata ni Nora Aunor sa TV5, para sa kasalukuyang tini-tape na mini-seryeng Sa Ngalan Ng Ina.

Natapos na rin niya ang halos nobenta porsiyento ng mga eksena niya sa pelikulang El Presidente, opposite Laguna Governor Jorge "ER" Ejercito.

Kung ang pag-uusapan naman ay ang tungkol sa actor-rapper na si John Rendez, na naiuugnay pa rin sa superstar, at pinupukol ng sari-saring intriga, sa ngayon ay wala namang natutukoy na problema sa pagitan nina John at Ian, na dapat problemahin, kung saka-sakali, ni Nora.

In fact, John and Ian now get along very well. At maayos na maayos, na laging nagba-bonding sa set ng SNNI sina Nora at ang kanyang actor-son.

"Nakakalungkot [lang] ang buhay nila," banggit ni Ian de Leon, patungkol sa mga patuloy na tumutuligsa sa kanyang mommy (Nora).

Sa pinakahuling interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Ian, kahapon, September 2, sa location taping ng Sa Ngalan Ng Ina, sa Taal, Batangas, ay nagsalita na si Ian, in general, tungkol sa mga negatibong pag-uulat-atake sa kanyang inang superstar.

"Unang-una, si mommy, nang bumalik dito [sa Pilipinas], when she came back here, focused siya sa kailangan niyang gawin," simula ni Ian.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Focused siya sa mga goals niya," dagdag pa niya.

"’Yung mga taong... gustong hilahin siya pababa, isa lang ang masasabi ko sa kanila: Ang baba naman ng pagkatao ninyo para [gustuhing] hatakin [pababa] ang mommy ko!

"Sabi ko, ’Subukan n’yo lang na [kalabanin] si mommy, ako ang makakalaban ninyo!" seryosong sambit pa ni Ian.

"Hindi ko hahayaang ganuni’n lang ang mommy ko sa tao," pahayag pa ng nag-mature nang si Ian, 35 years old.

"They don’t have the right to say things against my mom! They don’t [really] know my mom. Why don’t they just look at themselves first, di ba?" tanong pa ng anak nina Ate Guy at Christopher de Leon.

EVILDOERS. Namana ni Ian de Leon sa kanyang daddy, Boyet de Leon, ang aktibong pagtugon sa mga gawaing pang-ispiritual, kaya sa pananalita ni Ian ay madalas mayroon siyang pag-refer sa mga nasusulat sa Bibliya.

At tungkol sa mga paninirang ginagawa raw sa kanyang mommy (Nora), ang masasabi pa ni Ian ay, "Kung wala kang kaugnayan sa buhay ng ibang tao, huwag mo na [lang] silang pakialaman. Kasi, gawain din ng demonyo yun, e. Nasa Bibliya ’yan, e.

"Para sa akin, si mommy naman, palagi kong sinasabi [na] matatag ’yan. Gawin na nila ang gusto nilang gawin, hindi nila mapu-pull down si mommy!

"Kasi, nadadagdagan yung magtatanggol sa kanya,’’ pahayag pa ni Ian de Leon.

"Nandito ako, nandito kaming magkakapatid. Kung kinakalaban si mommy, kalaban na rin kaming lahat!" sabi pa ni Ian, referring to his siblings, Lotlot, Kiko, Kenneth, and Matet de Leon.

CRAB MENTALITY. Ian thinks isang kaso ng pagtataglay ng so-called crab mentality ng mga detractors ng ina ang pagkakalat ng mga negatibong haka-haka laban dito.

"Bahala sila!" sabi pa ni Ian. "Sa mga taong naninira kay mommy, nakakalungkot lang kayo.

"Sinasayang n’yo lang yung araw, yung effort na ibinibigay ng mommy ko; nagta-trabaho siya, nagpupuyat, nagpapagod. Tinitiis niya ang init, tinitiis niya ang pawis.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nakakalungkot lang sabihin na may mga tao talagang gustong humatak [sa kanya] pababa," sabi pa ni Ian.

"Pero sa ginagawa nila, pinapatunayan lang nila na si mommy, nasa itaas, at sila ang nagiging mababa; pinapababa nila lalo ang sarili nila," wika pa ni Ian.

HAPPY FOR MOM AND DAD. Naging masaya naman si Ian de Leon sa unang pagta-taping together ng mommy (Nora) at daddy (Boyet) niya, para sa SNNI, kahapon din ng umaga, September 2.

Nang dumating ang PEP sa set, na idinidirek nina Mario O’Hara (Unit 1) at Jon Red (Unit 2), tapos nang kunan ang eksena ng supposedly muling pagkikita nina Nora at Christopher, bilang warring political rivals. Naganap ang eksena sa malaking simbahan, sa Taal, Batangas, na dito nai-set up ang "burol scene" ng pinaslang na Mayor Deogracias, played by Bembol Roco.

Si Mayor Deogracias ang asawa ni Dona Elena Toribio Deogracias, ang character ni Nora Aunor, na tatakbong gobernador, at lalabanan ang incumbent governor, Jose "Pepe" Ilustre, Boyet’s character.

Pero may hint tungkol sa naging "past" nina Gov. Pepe Ilustre at Donya Elena, kaya mas naging madamdamin ang kanilang pagtatagpo sa burol ng nabiyudang Mayor’s wife.

Ipinakita ni Ian sa PEP ang mga nakunan niyang larawan, during rehearsals, sa nai-tape na eksena ng kanyang real-life parents.

"Masaya ako, kasi sina mommy at daddy ’yan, e," Ian smiled. "Matagal na silang hindi nagkasama. Ako ang unang-unang masaya sa pagsasama uli nila sa mini-series.

"Siyempre, mommy at daddy ko ’yan, e!" sambit pa ni Ian, na ikinangingiti rin ni Nora, na masiglang-masigla sa buong panahon ng taping [kahit abutin ng madaling-araw] at kasama ang "baby" nila ni Boyet na si Ian.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN