Carlo Aquino doesn’t mind supporting roles: "Sa panahon ngayon, mas importante yung may trabaho ka... ke bida o kontrabida."

Former child actor Carlo Aquino plays Ethan, a contrabida role, in the TV remake of the hit movie Ang Utol Kong Hoodlum.

"Isa ako sa mga magpapahirap kay JC de Vera [who plays the lead role of Ben Maningding] dito. Master ko si Kuya Jay [Manalo] sa taekwondo. [In the TV series], nagalit ako kay JC, kasi akala ko siya yung pumatay sa dad ko," Carlo says.


Itinuturing ni Carlo Aquino na magandang regalo para sa kanyang 26th birthday kahapon, September 3, ang pagkakasama niya sa cast ng kauna-unahang aksyon-serye ng TV5, ang Ang Utol Kong Hoodlum, na mapapanood na simula September 12 pagkatapos ng Bangis.

Nataon pa ang mismong kaarawan ni Carlo sa grand presscon ng naturang show na ginanap kagabi sa Bayanihan Center sa Unilab Compound sa Mandaluyong.

Pagkatapos ng presscon ay nagmamadali na sanang umalis si Carlo dahil may konti raw siyang selebrasyon kasama ang kanyang mga mahal sa buhay at mga kaibigan. Pero pinaunlakan niya pa rin ang panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa kanya.

"Ang saya lang na natapat pa sa birthday ko ang presscon namin. Magandang regalo ito at blessing kaya um-attend pa rin ako to join the cast. Yun nga lang I have to go na kasi may mga naghihintay din sa akin," sabi ni Carlo.

Ano naman ang birthday wish niya?

"Proyekto. Maraming proyekto, yung tipong busy na busy ako sa dami ng ginagawa ko. Gusto ko yung ganun, e. Ganun ko kasi kamahal ang trabaho ko. Gusto kong umarte nang umarte. At siyempre pag maraming proyekto, marami ring kita, di ba?"



Bakit may pinag-iipunan ba siya?



"Siyempre para sa future ko, di ba? Kasi hindi naman tayo bumabata. Every year, nadadagdagan ang edad natin kaya kailangan paghandaan ang mga darating pang mga taon."



May plano na ba silang pakasal ng kanyang non-showbiz girlfriend at todo ang concern niya sa pag-iipon?



"Wala pa namang planong pakasal. Pero ngayon pa lang iniisip ko na yung future ng magiging mga anak ko. Ganun kalayo na yung thinking ko, ang iniisip ko na agad yung magiging pamilya ko. Siyempre gusto ko ng magandang buhay para sa akin at sa pamilya ko. Hindi naman masama yung magkaroon ka ng ganung goal, di ba?"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Kaya nga extra happy daw si Carlo ngayon dahil parehong okay ang kanyang career at lovelife.

JC’S KONTRABIDA. Sa TV remake ng hit movie na Ang Utol Kong Hoodlum ay ginagampanan ni Carlo ang role ni Ethan, isa sa mga kontrabida ng bidang si JC de Vera as Ben Maningding.



"Isa ako sa mga magpapahirap kay JC dito. Bale master ko si Kuya Jay [Manalo] sa taekwondo. [In the TV series], nagalit ako kay JC kasi akala ko siya yung pumatay sa dad ko."



What’s it like to work with JC?



"Si JC, very cool yan, e. Talagang makuwento. E, kasi ako hindi naman ganun, e. Tahimik lang ako. So, pagkasama ko yan, talagang nagdadaldalan kami.

"At saka parehas kami ng mga gusto. Magkasama rin kami sa training ng mixed martial arts para sa fight scenes namin. Tapos nakakasama ko siyang mag-basketball."



Hindi ba sila nagkakasakitan ni JC sa fight scenes nila?



"Kung meron man, minor lang. Pero wala naman yung napipilayan at yung talagang nasasaktan. Kasi talagang inaalalayan namin yung isa’t isa. At saka nire-rehearse muna namin bago i-take."



Magiging ka-love triangle ba siya ni JC kay Jasmine Curtis Smith?



"Hindi, walang ganung anggulo. Pero kasama si Jasmine sa mga pahihirapan ko."

NO ISSUE WITH SUPPORTING ROLES. Nagsimula bilang child actor si Carlo at nanalo na ng maraming acting awards. Fourteen years na siya sa showbiz. Madalas siyang gumanap na bida noon. Isyu ba sa kanya na supporting role na lang siya ngayon at kontrabida pa?



"Sa ngayon, ang tanda ko na, wala na akong pipiliin pa. Gusto ko na lang talagang magtrabaho.

"At saka never naman akong nag-demand na maging bida ako. Sa panahon ngayon, mas importante yung may trabaho ka. So, ke bida o kontrabida ang role, kahit support lang ako, hindi na isyu sa akin yun. Nagpapasalamat lang ako at binibigyan ako ng trabaho."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Pero nami-miss niya rin ba ang magbida?



"Oo naman. Kaya kung mabibigyan ulit ako ng pagkakataon na magbida, sobra akong matutuwa. Sana may dumating pa rin na ganung opportunity."



Ano ang feeling ng back to showbiz after matagal siyang walang regular show?

"Siyempre masarap yung pakiramdam. Tapos sa TV5 kasi inaalagaan naman kami. At saka yung ibang staff nakasama ko na before sa ibang network.

"Yung ibang cast nakatrabaho ko na rin, like si JC, pati sina Arci (Muñoz), Buboy (Rainier Castillo), pero karamihan first time."

Ayon pa kay Carlo, wala raw sa original movie version ang kanyang role.



"Actually, wala sa movie yung character ko. Dinagdag lang dito sa TV. Dapat nga three or four days lang ako magte-taping. E pinahaba nila yung role ko, kaya thankful ako kina Ate Mau [Herrera, executive producer] at Ms. Edlyn [Tallada, production manager].

"Umabot nga ako hanggang last taping day, e. Nagpapasalamat din ako sa TV5. Hopefully, magkaroon pa ako ng ibang projects dito."



Bukod sa mga nabanggit na artista ni Carlo sa interview, kasama rin sa cast ng Ang Utol Kong Hoodlum sina Ara Mina, Empoy, IC Mendoza, Regine Tolentino, Mariz Ricketts, Benjie Paras, Ramon Christopher, Bella Flores, Flora Gasser, Dennis Padilla, Jef Gaitan, Noel Trinidad at marami pang iba.



Magkatulong naman sa pagdidirek ng show sina Topel Lee at Argel Joseph.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN