Maja Salvador says she and cousin Deborah Sun have settled their differences: "Nakapag-lunch na kami together."

Maja Salvador (right) on her upcoming movie, Thelma, where she stars for the first time: "Kinakabahan talaga ako, pero excited ako na maipapalabas na itong pelikula kasi ma-i-inspire kayo dito. Kapag napanood niyo ito ay sasabihin niyong tama si Thelma, gagawin ko yung ginawa ni Thelma, hindi siya sumuko. Tumakbo siya nang tumakbo hanggang sa maabot niya ang gusto niya." Maja is seen here with her cousin Deborah Sun (left), whom she invited to watch t



Noong August 31, nagkaroon ng isang bloggers night ang pelikulang Thelma sa isang pizza chain sa Quezon City.

Dumating ang cast ng pelikula na pinangungunahan ni Maja Salvador. Masaya ang naging usapan between cast members and bloggers, pati na rin ng ibang media na naimbitahan.

Sa pakikipag-usap ng ilang TV crew at PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Maja, inamin nitong sobra siyang kinakabahan sa nalalapit na showing ng kanyang kauna-unahang pagbibidahang pelikula.

“Nate-tensiyon po ako pero very excited. Sabi ko nga po, isa ito sa mga pinakahihintay ko, at ibinibigay na sa akin ng Time Horizons. Sobrang nagpapasalamat ako sa Star Cinema kasi hindi nila ako pinapabayaan. Tinanggap nila at sila ang magdi-distribute nitong Thelma.”

Ang pelikulang Thelma ay produced by Time Horizons ni Direk Paul Soriano at co-producer si Maja.



Patuloy na inusisa ng media si Maja kung bakit siya sobrang na-tensiyon.

“Kinakabahan talaga ako, pero excited ako na maipapalabas na itong pelikula kasi ma-i-inspire kayo dito. Kapag napanood niyo ito ay sasabihin niyong tama si Thelma, gagawin ko yung ginawa ni Thelma, hindi siya sumuko.

"Tumakbo siya nang tumakbo hanggang sa maabot niya ang gusto niya. Ako ha, nakikita ko si Thelma kay Maja, dahil ako, eight years na ako sa show business. Hindi man maganda yung career ko, hindi man sikat na sikat, hindi pa rin ako humihinto. Tumatakbo pa ako nang tumatakbo, hanggang sa marating ko ang gusto kong marating,” ang sabi ni Maja.



Naging inspirasyon ba sa kanya ang tema ng pelikula?

“Sabi ko nga after doing this film, hindi ko alam kung naging mas mature akong tao... After gawin ko yung pelikula, parang talagang andami ko nang iniisip sa buhay.

"Hindi lang sa sarili ko, kundi sa pamilya ko, kung ano ang gusto kong mangyari sa career. Mas nadagdagan ang mga pangarap ko sa buhay. Parang naging ibang tao ako. Naging mas malawak yung pag-iisp ko, yung pag-iintindi ko sa lahat ng mga nangyayari,” aniya.


ON DIREK PAUL SORIANO. Nabago ba ang pagtingin niya sa buhay?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Oo. Mas naging strong si Maja, hindi na bumibigay agad-agad. Nadadapa ako, pero tinatanggap ko yung pagkakadapa ko at bumangon nang dahan dahan.”



Kasama kaya sa tinutukoy niyang pagkadapa ang mga intrigang nag-uugnay sa kanya sa director ng pelikula na si Paul Soriano?

“Nasagot ko na po yung mga intriga and issues sa last presscon. I think tama na po yun. Huwag na natin balikan, positive write-ups, positive interviews na lang muna. Let’s move on, let’s be happy, positive na lang tayo sa Thelma,” ang sabi ni Maja.



Mahigpit ang naging pagbantay ng mga handlers ni Maja kaya hindi na nausisa pa ng media ang tungkol sa lumalaking isyu na iniyakan pa daw noon ng dalaga.



ON JANELA ARCOS LELIS: Noong July 26, sa kasagsagan ng bagyong "Juaning," isang bata mula sa Malinao, Albay ang walang takot na nagligtas ng bandila ng Pilipinas mula sa kanilang bahay na unti-unti nang binabaha.

Siya ay si Janela Arcos Lelis, 12 anyos, na unang naging sentro ng paghanga nang ang kanyang larawan, bitbit ang Philippine flag ay kumalat sa mga networking sites.

Sa panayam kay Janela, naibahagi nito ang kanyang paghanga sa mga artista, at isa na nga rito si Maja Salvador.

Pero ayon sa aktres, mas iniidolo niya ang batang si Janela.

“Janela, gusto kong magpasalamat. Mas idolo ko siya, kasi nag-swim siya at kinuha niya yung bandila natin. Salamat at iniidolo niya ako. Sana marami pa akong magawang tama para mas lalo mo akong idolohin," ang sabi ni Maja.


ON DEBORAH SUN. Kamakailan ay lumabas sa PEP.ph ang balitang may tampuhan daw between Maja at ang pinsan niyang si Deborah Sun.

Nagsimula daw ito nang hindi nagpansin ang dalawa nang nagkasalubong sa may pasilyo nang ABS-CBN. Pero masayang ibinalita ni Maja na OK na ang lahat sa kanila ni Deborah.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I am very happy na nakilala ko na siya, at nakapag-lunch na kami together," ang sabi ni Maja.

Positibo naman siya na hindi nagtatapos sa sinasabi niyang "lunch" ang kanilang pag-aayos ni Deborah. So posibleng maging close silang dalawa.

“Yes, I have her cellphone number, at minsan nakakapag-text na po kami."



ON HER CAREER. Halos mag-iisang dekada na si Maja sa industriya, at marami na ring intriga ang kanyang napagdaanan. Masasabi ba niyang narating na niya ang "finish line" ng tagumpay?



“Ayoko pang makita yung finish line, gusto ko pang magtagal dito sa industriya. Masaya ako kung nasaan yung career ko ngayon. Wala pa man dun sa pinakatuktok, pinakarurok, pero darating ako dun.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN