Arci Muñoz excited about her first solo project with Kapatid network

Arci Muñoz on Felina, Prinsesa ng mga Pusa, her first solo project with TV5: "Heavy drama [yung serye]. Akala ko nung una, fantasy siya, pero last week nag-storycon kami, as in heavy drama. Isinumpa siya. Chaka [pangit] siyang tao, as in mukha siyang pusa. Nung una, akala ko rin superhero, ala Catwoman," she says.



Excited si Arci Muñoz sa first solo project niya sa TV5, ang Felina, Prinsesa ng mga Pusa, isang afternoon TV series.

Ngayong Linggo, September 4, ang pilot taping ng naturang serye.

"Heavy drama [yung serye]. Akala ko nung una, fantasy siya, pero last week nag-storycon kami, as in heavy drama. Isinumpa siya. Chaka [pangit] siyang tao, as in mukha siyang pusa.

"Nung una, akala ko rin superhero, ala Catwoman," kuwento ng aktres matapos ang presscon ng isa pang TV5 series, Ang Utol Kong Hoodlum, kagabi, September 3. Kasama din si Arci sa cast ng aksyon-serye.

Kailangang lagyan ng prosthetics si Arci para sa kanyang karakter. Aminado ang aktres na nagkaroon siya ng trauma sa prosesong ito noong ginawa niya ang seryeng, Mga Nagbabagang Bulaklak.

"Kasi mahirap naman talaga, kahit naman sino sigurong artist ayaw yon. May trauma na nga ako e, pero alam naman nila [TV5] ito. Saka ang gagamitan lang naman nila yung tenga ko.

"Pero sinukatan na ako ng costume, ng ngipin, talagang pinagkagastusan, pati yung hair ko, ay, bongga!" kuwento niya.

Ang target airing ng Felina ay sa darating na Oktubre. Nabanggit din ni Arci na ang dalawa niyang leading men dito ay sina Leandro Muñoz at Ahron Villena. Kukunan na raw ang mga eksena nila ni Leandro dahil kailangang bumalik na ito sa Amerika.

Lahad pa ni Arci, may shortage daw ng lead actors sa TV5.

"Iilan lang kami dito, di ba? Dito nga, nahirapan kaming maghanap ng leading man for Felina," aniya.

Pero may request daw ang daddy niya na makatambal niya si Gerald Anderson.

"Sabi ng daddy ko, ’Sabihin mo naman kay Tita Annabelle [Rama], baka naman puwedeng hiramin si Gerald Anderson.’"

Masaya at very thankful si Arci sa trabahong ibinibigay sa kanya ng TV5. Isa siya sa tinuturing na Primetime Princesses ng TV network.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero lahad ng aktres, hindi naman daw siya nakikipag-compete para mas umangat sa iba niyang Kapatid.

"I’m here to work and have a career. Ngayon, gagawin ko nang maayos ang trabaho ko. Saka ipapakita ko sa kanilang lahat na iba ako. I have my own identity, sila naman meron [din]. I just do my job. Kung ano ang inasa sa akin na task, mas malaki pa yung ibibigay ko.

"Para naman hindi ako mapahiya sa kanila na napakalaki nitong opportunity na ibinibigay nila sa akin... Lahat naman kami nabibigyan ng opportunity. Ako, gagawin ko lahat ng makakaya ko. And I know naman that it’s the same with them," aniya.

"Very blessed kami, kaya kailangang gawin namin yung trabaho namin nang maayos, very professional. Kailangan lahat ng effort ibigay na namin."

Arci portrays the role of Vanessa, isang martir na girlfriend ni Ben, played by JC de Vera, in the upcoming TV5 series, Ang Utol Kong Hoodlum.

Nakaka-relate daw siya sa karakter niya. "Siguro gano’n talaga pag sobrang mahal mo yung isang tao," she says.

Sa ngayon ay sa career daw siya naka-focus. Kaya zero ang kanyang lovelife. May nagparamdam, pero hindi na raw nagtuloy ’yon.

"Siguro dahil sa work. And he’s happier now!" ang natatawang pagtatapos ni Arci.

Sa September 12 na ang pilot telecast ng Ang Utol Kong Hoodlum sa TV5. Mula ito sa direksyon nina Argel Joseph at Topel Lee.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN