Maja Salvador finally admits real score with Matteo Guidicelli; also admits she is the reason for altercation between Matteo and Coco Martin

After denying in previous interviews about the real status of her relationship with Matteo Guidicelli, Maja Salavador (in photo) admitted to the public that they are an item. This came a few hours after the altercation between Matteo and Coco Martin.


Bago ang live interview ni Maja Salvador sa The Buzz kaninang hapon, September 4, may mga nagduda na baka magkaroon ng news blackout tungkol sa nangyaring engkuwentro sa pagitan nina Coco Martin at Matteo Guidicelli pagkatapos ng Star Magic Ball kaninang madaling-araw. (CLICK HERE to read PEP’s report.)

Maging ang isa sa mga host ng showbiz talk show ng ABS-CBN na si Boy Abunda ay nagsabing hindi raw niya inaasahan that he would get to talk to Maja personally that time.

Si Maja kasi ang sinasabing dahilan kung bakit nagkaroon ng engkuwentro sina Coco at Matteo.

Ayon pa kay Boy, hindi raw madali ang pinagdadaanan ni Maja ng mga oras na yun kaya nagpasalamat ito at nagpaunlak ang young actress na magpa-interview.

Ayon naman kay Maja, "Nagpapaka-Thelma lang siguro Tito Boy.

"Di ba nga, si Thelma, lahat ng problema, tumatakbo siya para ayusin."

Ang tinutukoy ni Maja ay ang role na ginagampanan niya sa pelikulang Thelma.

PARALLELISM. Bago talakayin ang mabibigat na isyu, minabuti ni Boy na umpisahan ang tanong sa naging pahayag ni Maja, na kung ang iba ay tinatakbuhan ang kanilang mga problema, si Thelma naman ay hinaharap at inaayos ang problema.

Gaano kalaki ang pagkakahawig ng pagkatao ni Thelma kaya Maja Salvador?

"Si Thelma at saka si Maja, parehas sila na mahal nila ang pamilya nila.

"Na kahit na anong problema ang dumating, kung kayang ayusin, aayusin agad. Parehas silang matapang," sagot ng young actress.

Sa interview ni Boy sa direktor ng Thelma na si Paul Soriano sa programa nitong Bottom Line, napag-usapan ang shooting nila sa Laoag, Ilocos Norte kung saan nagkaroon sila ng immersion at walang telepono for two weeks.

How difficult was that for Maja?

"Mahirap po," sagot niya.

"Wala ka na nga rito sa Manila, tapos nilayo ka pa ng director mo, sa malayong lugar ka pa nagsu-shooting, so kami-kami lang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Masaya naman po kami. Parang naging family kami. Yung director, staff, kaming artista.

"Maganda po ang nabuo namin after kami mag-shooting sa Laoag."

Was there a moment in her life na napansin niya ang kaguwapuhan at kabaitan ng kanyang director, at na-in love siya rito?

"Hindi po, wala!" natatawang sagot naman ni Maja.

Pero dagdag niya, "Marami po akong natutunan kay Direk Paul. Isa na po siguro yung faith kay God.

"Dahil, di ba, sobra po si Direk? Kapag nagbibigay siya ng advice, grabe talaga.

"Meron pa po siyang binigay sa akin na libro para basahin ko every day. Para mas maging maganda ang pag-iisip mo sa buhay."

THE REAL ISSUE. Pagkatapos nito ay diretsuhan nang tinanong ni Boy si Maja kung may relasyon nga ba sila ni Matteo Guidicelli.

Sa mga interview kasi ng dalawa ay panay ang tanggi nilang sila na, bagamat marami na ang nakakakita at nakakapansin sa ibang pagtitinginan nila.

Pero sa unang pagkakataon ay umamin na rin si Maja sa tunay na estado ng relasyon nila ni Matteo.

Yun nga lang, ilang segundo rin bago nagawang sagutin ni Maja ang tanong at hindi na niya napigilang maging emosyunal at mapaluha.

Sabi niya, "Opo, Tito Boy.

"Pero pagkatapos po ng nangyari kagabi, hindi ko po alam kung saan pupunta. "

Diretsong tinanong ni Boy si Maja kung nagsuntukan ba sina Coco at Matteo pagkatapos ng Star Magic Ball.

Sa pagitan ng pagluha ay inamin din ito ni Maja.

"Opo. Lahat naman po alam na yun. Opo," sagot niya.

Meron ba siyang gustong linawin kung ano ang naging dahilan ng altercation o pag-aaway ng dalawa?

"Siguro po, Tito Boy, huwag po muna siguro ngayon... Sana po, sa Thelma muna po tayo mag-focus," pag-iwas ni Maja.

Sinabi ni Boy na nauunawaan niya si Maja sa bagay na ito. Pero, siya nga ba ang dahilan ng pag-aaway nina Coco at Matteo?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa pagitan ng pagluha, isang maikling sagot ang ibinigay ni Maja:

"Opo."

Nagkasama sina Maja at Coco sa teleserye ng ABS-CBN na Minsan Lang Kita Iibigin at dahil dito ay na-link sila sa isa’t isa.

STAR MAGIC STATEMENT. Kaugnay ng kumprontasyong ito sa pagitan nina Coco at Matteo ay isang maikling statement ang inilabas ng Star Magic at JLD Management sa media.

Narito ang kanilang pahayag:

"What happened was just a simple misunderstanding. Both Coco and Matteo are sorry it happened. Everything has been resolved."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN