Jasmine Curtis Smith says it’s "normal" for celebrities to take public transportation, like the MRT

Though people find it weird for celebrities to take the public transportation, Jasmine Curtis Smith says, "For one, I think my sister and I are normal people it’s just that we have different job or doing things for work. Pero, sa akin naman normal lang naman mag-MRT, I don’t think it’s anything exquisite or special na dapat nawi-wirduhan yung mga tao sa amin na nage-MRT din kami. Kasi, way of transport lang naman yun, e, and it'


Marami raw natutunana ang young actress na si Jasmine Curtis Smith sa kanyang pinakaunang teleserye sa TV5 na, Ang Utol Kong Hoodlum.

Ginagampanan ni Jasmine sa naturang teleserye ang papel ni Bing, at makakatambal niya rito si JC de Vera na gaganap naman bilang Ben.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ng iba pang press si Jasmine noong Sabado, September 3, sa presscon ng Ang Utol Kong Hoodlum na naganap sa Bayanihan Center, Mandaluyong City.

Dito’y sinabi ni Jasmine na ang pag-arte ang pinakaunang bagay na natutunan niya sa paggawa ng naturang teleserye.

"Kasi ito yung first na pinaghirapan ko nang todo-todo na project.

"So, marami akong anggulo na kailangan i-face, na I’d never have to face before in my life, kasi sobrang bata ko pa.

"Siyempre, I still lack that experience, pero it’s nice na merong tumutulong sa akin in order to channel that type of emotion or character in me.

"So, I think that’s the biggest thing that I’ve grown into," saad niya.

ANNE CURTIS. Si Jasmine ang nakababatang kapatid ng actress-TV host na si Anne Curtis.

Bilang nauna sa industriya ang kanyang nakakatandang kapatid, hindi nawawala ang posibilidad na maikumpara siya rito.

Gayunman, hindi raw nangangamba si Jasmine sa posibilidad na pagkukumpara sa kanila.

Paliwanag niya, "Of course, meron pong takot sa akin na baka meron mag-end up sa comparisons.

"Pero, the way I see it, maganda pag kinu-compare kami kasi nakikita yung differences namin lalo na as a person.

"I don’t think that pointing out the differences is such a bad thing.

"When people start seeing it bad it’s when its starts to be bad."

Handa na kaya siya sa mga intrigang maaaring ibato sa kanya ngayong parte na siya ng showbiz?

"Tingin ko kasi, hindi mo talaga mapaghahandaan yung mga issues," pahayag niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero, I guess it comes with confidence na lang sa sagot mo and sa honesty on how you answer.

"Kung hindi ka kumportable, then find a way to say your answer in an honest way.

"Pero in a way na you’re still answering the question and not holding things back, di ba?

"Siyempre, hindi ka dapat gumagawa ng sikreto kasi yun ang mahirap, e, pag may sikreto na yun na, e, dun na yung simula ng mga intriga."

RIDING THE MRT. Noong Biyernes, September 2, ay may nakakita raw kay Jasmine na sumakay ng MRT.

Matatandaang noong July 5 nitong taon na ito ay sumakay rin ang ate ni Jasmine na si Anne sa MRT para makarating agad sa concert ng singer na si Kylie Minogue sa Araneta Coliseum.

Saan naman kaya ang punta ni Jasmine nang mamataan itong sumakay ng MRT?

"Nag-MRT po ako papuntang studio ng TV5, para sa Utol Kong Hoodlum rehearsal sa Will Time Big Time," wika niya.

"E, ayaw ko naman po magsayang ng oras, ’tsaka hindi naman po mahirap mag-MRT.

"So, ginawa na lang po namin, ’tsaka ginawa ko na din po yun dati. So, okey lang naman po."

Bagamat hindi ito pangkaraniwan para sa ilan, tingin ni Jasmine ay "normal" lang naman para sa mga tulad niyang artista ang gumamit ng public transportation.

"For one, I think my sister and I are normal people. It’s just that we have different job or doing things for work.

"Pero sa akin naman, normal lang naman mag-MRT. I don’t think it’s anything exquisite or special na dapat nawi-weirduhan yung mga tao sa amin na nag-e-MRT din kami.

"Kasi, way of transport lang naman yun, e, and it’s faster and it’s cheaper!

"Kaya as much as possible, kung kaya, doon, para hindi tayo nag-aaksaya ng panahon."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

At lalo pa siyang natuwa sa pagsakay ng MRT dahil sa magandang trato ng mga tao sa kanila.

"Mababait yung mga nakakasama namin sa MRT!" bulalas ni Jasmine.

"Very, very ano sila... very generous kasi minsan nag-o-offer sila ng upuan.

"Minsan pag may nakita silang ibang tao na medyo harassing or parang too close, yung iba pinagsasabihan na, ’Uy, ’wag naman, buti nga nag-e-MRT sila, di ba?’

"So, maganda na may respeto sila para sa akin. Pero at the same time, it’s the same special respect na ibinibigay nila sa lahat ng tao."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN