Luis Manzano is not closing his door on politics

"Kasi napakaganda ng nasimulan ni Mommy sa Lipa. Second, siguro alam naman ng mga Lipeño na hindi ako gagawa ng kahit na anong kalokohan na ikasisira ng pangalan namin. At saka mahal ko ang Lipa," says Luis Manzano about the possibility of him running for mayor of Lipa City.


Pagkagaling sa trabaho, kahit wala pang tulog ay dumiretso na si Luis Manzano sa Batangas City para makiisa sa Alay Lakad, na pinangunahan ng kanyang inang si Governor Vilma Santos, noong September 1.

Bago ito nagsimula bandang alas-sais ng umaga ay naroon na ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kasama ang iba pang taga-media.

Kasamang naglakad nina Governor Vi at Luis si Optical Media Board Ronnie Ricketts at ang mga delgasyon mula sa iba’t ibang bayan sa Batangas na sumuporta sa proyektong ito na ang layunin ay makalikom ng karagdagang pondo para sa mahigit na dalawang libong scholars ng lalawigan.

Mula sa kampo ng Kapulisan ng Batangas ay dumiretso sila sa kapitolyo na siyang destinasyon ng pagtitipon.

Humabol doon para makiisa rin sa Laguna Board Member Angelica Jones at ang guest speaker doon na ang Pambansang Kamao at Sarangani Representative na si Manny Pacquiao.

Paalis na sana agad si Luis dahil wala pa raw nga siyang tulog, pero hindi nakatanggi nang mahiritan ng isang mabilisang panayam.

Puyat at pagod man, kita sa mukha ni Luis ang kasiyahan na naging bahagi siya ng makabuluhang pagtitipon na iyon na alay sa mga kapus-palad pero deserving na maging scholars ng provincial government.

"Oo naman! ’Yong pagsuporta ko naman, e, hindi lang kasi sa Mommy ko talaga. Suporta ko rin iyon sa Batangas.

"This is my second na pagsama sa Alay Lakad dito sa Batangas. ’Yong una was two years ago. Last year, si Diet [Diether Ocampo] ang narito.

"Kung magagawa ko na every year, sasama ako rito. Basta maayos lang ang schedule ko.

"Ang sa akin naman kasi, kahit wala ako rito, basta meron akong naibabahagi para sa mga estudyante. Hindi naman kailangang maglakad talaga ako.

"Basta alam ko ang adhikain. Alam ko ang importansiya niyan.

"So, kahit hindi man ako makasama sa lakad ni Mommy, kahit wala ako, basta laging susuportahan ko talaga ang adhikain na ito."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

JOINING POLITICS. Senyales ba ito na gusto niyang sundan ang footsteps ng mommy niya sa pulitika?

"Never ko namang isinara ’yong pinto ko pagdating sa politika. Ang gusto ko lang talaga, tamang oras.

"At kung saka-sakaling pumasok man ako ay maibibigay ko ang buong puso at utak ko.

"Hindi ’yong papasok ka, 50 percent lang ang maibibigay mo. Lugi naman ang tao.

"Pagdating sa politika, never kong sinabi na hindi ako papasok," sagot ni Luis.

Para maging mayor ng Lipa City ?

"Siguro," nangiting sagot ni Luis.

Bakit sa Lipa? Bakit hindi sa Quezon City?

"Kasi napakaganda ng nasimulan ni Mommy sa Lipa.

"Second, siguro alam naman ng mga Lipeño na hindi ako gagawa ng kahit na anong kalokohan na ikasisira ng pangalan namin.

"At saka mahal ko ang Lipa," saad ni Luis.

"BABAERO"? Nang i-announce ng mommy niyang si Governor Vi na magdu-donate si Luis ng 50 thousand pesos, pabirong nasabi nito na ang dating paslit na anak na lagi niyang binabati sa TV ng ’I love you, Lucky!’—ang laki na at binatang-binata na raw at... babaero!

Ano bang nagiging reaksiyon niya kapag binibiro siya ng Mommy niyang babaero?

"Si Mommy naman... parang kabarkada ko rin ’yang si Mommy. Ang dami naming napagtatawanan... napaghihiritan.

"At natatawa ako sa mga gano’ng hirit ni Mommy. Biro lang naman niya ’yon."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN