Claire dela Fuente heaps praise on talents Bela Padilla and Sam Pinto

Unknown to many, singer Claire dela Fuente has also ventured into talent management. Two of her talents are Kapuso stars Sam Pinto (inset, top) and Bela Padilla (inset, bottom).


Sa recent interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Claire dela Fuente, tinanong namin ang singer kung kumusta na ang sitwasyon sa pagitan ng alaga niyang si Bela Padilla at si Marian Rivera.

Matatandaang nagkaroon ng matinding isyu sa pagitan nina Bela at Marian noong ginagawa pa nila ang primetime series na Endless Love.

Sabi naman ni Claire, "I haven’t had any chance to see Marian after that fixing that was done." (CLICK HERE to read related story.)

May gap ba sa pagitan nila ni Marian?

"Wala! I don’t think I have a gap with anyone, wala akong gap with anyone," sagot niya.

What about Bela and Marian? Naayos na ba talaga ang mga bagay-bagay sa pagitan nila?

"I don’t think they were able to see each other after all those times.

"And ako kasi, iniiwasan ko na pag-usapan ’yan dahil sa, unang-una, tapos na.

"Pangalawa, e, ayoko kasing maungkat pa yung dati at mapagbintangan kami that we’re just using them.

"Ayoko ng ganun kasi ano na, e... Kumbaga, parang, sabi ko nga, ang tagal ko na sa showbiz, wala naman akong ginamit kahit sino.

"You know, if you’re good, if you’re a natural artist, if you’re going to be a success, walang makakapigil diyan, e. Kahit anong gawin nila, if you’re a good actress."

BELA PADILLA. Ibinida rin ni Claire ang kanyang alaga.

Aniya, "Bela, among her peers, sinasabi ng lahat ng tao...

"Even Carlo J. Caparas, he was telling me that when she was young, she was like fifteen or seventeen...

"I think, nasama yata sa isang production, I forgot kung ano...

"Ang sabi ni Carlo, sabi daw ng mga staff niya, ’Loaded itong batang ito, napakagaling umarte!’

"He was telling me... Kaya binigyan niya ng... isinama niya dun as regular kasi nga napakagaling umarte nung bata.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, sabi nila, she’s really a natural! She was really born a dramatic actress.

"Everyone was saying para daw siyang si Charito Solis when she cries. So sabi ko, ’Wow!’

"It’s really, kumbaga, it’s a confirmation of my own belief in her."

SAM PINTO. Bilang talent manager, alaga rin ni Claire si Sam Pinto.

"I’ve been saying to everyone that she’s a naïve little girl.

"That all of a sudden, she was just a sensation! And everyone loved her and everyone fantasized about her.

"And hindi iyon natapos dun. And so it was actually a love affair between the audience and Sam.

"And at the time na dumating sa buhay ni Sam ’yon, she was not even prepared to be a star.

"So, sabi ko sa kanya, ’Naunahan ka ng kasikatan anak, naunahan mo na maging pantasya ka ng tao.’

"And so now, they’re just... I think it’s a plus for her because at least now people are just taking it slowly.

"And nakita mo naman ang mga commercials niya kung gaano karami, napakarami. And these are blue-chip commercials, these are multinational commercials.

"Proving to you that she really has a big following and people are curious about her, they’re curious about her, and kaya siya nagkaganun.

"But now, I’d like to really tell people that she’s really very serious about her craft now.

"At first, it was actually... Sabi niya sa akin, parang ano daw... it was just something na parang naisip niya, ’Try natin, baka sakali, di ba?’

"When she won [as FHM’s Sexiest Pinay of 2011], she was just telling me while she was posing, sabi niya sa akin, ’Tita, pinaghirapan natin itong dalawa. We came from scratch and now we’re here!’

"Muntik na akong maiyak dahil, siyempre, naisip ko din na she’s my first talent.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"And I didn’t know that I’d be able to do something like that for her," magabang lahad ni Claire.

Una niyang naging talent si Sam kaysa kay Bela?

"Yeah, two years na si Sam. Si Bela is only one year and a half."

First time daw ni Sam mag-pose for FHM at naging number one ito agad.

"Oo naman!" bulalas naman ni Claire.

MORE PRAISE FOR SAM. Sabi pa ng singer, "Alam mo, ang nakakatuwa kasi kay Sam, contrary to what people are saying, walang plastikan yun at walang halong, kumbaga, parang bola sa mga tao.

"Sam is a very, very nice girl.

"She’s the reason why she became who she is right now.

"It’s because she is a girl who is just a girl next door, who will just sit down there.

"And whenever you give her anything, she’ll just appreciate it.

"Napakalaki ng appreciation niya about everything in life.

"May mga instances ’yan na she will go to my restaurant, she’ll tell me, ’Tita, I’ll go there!’

"Pagkatapos niya yung mag-shoot, pawis na pawis siya, na malagkit na daw ang katawan niya.

"Pero she just wanna go there and hang out because... She would tell yung mga staff ko na, ’I just want to be with Tita, kasi Tita, she just makes me laugh.’

"Ganun, and very appreciative siya of everything, kung ano yung napupunta sa kanya.

"And I always tell her na, ’Alam mo, anak, of all the things na nangyayari sa iyo, you don’t forget to give honor to God and also to your parent.’

"Lagi kong sinasabi sa kanya na ’Sundin mo nanay mo.’

"It’s actually biblical kasi, about the Ten Commandments, I’m talking about the Ten Commandments sa kanya.

"Palagi ko yung sinasabi sa kanya na ’Unahin mo ang magulang mo.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Alam mo naman ang mga bata kung minsan they have differences with their parents.

"Lagi kong sinasabi sa kanya and, you know, she is a girl that easily absorbs everything.

"Pag sinabi mo sa kanya yun, talagang nagte-turn around siya."

Malapit daw si Sam sa kanyang mga magulang.

"Oo naman. I think the mother more. The father is... they don’t see the father, e, di ba, may sarili nang pamilya.

"Ano siya, noon ngang nahihirapan na siya, napapagod siya, nagte-text sa akin mga staff niya, sabi ko lang, tinext ko siya, ’I know it’s hard, darling, but you should remember that there are so many girls out there who wanted to be in your shoes.’

"Sabi ko, ’They wanted to be you but you are such a blessed girl and you have to be thankful of that.’

"And then she texted me back, sabi niya, ’Yes Tita, I’m so thankful and I’m really happy!’

"Sabi pa niyang ganun, ’Sometimes nauunahan lang ako ng pagod, but I really appreciate everything.’

"Sobrang pagod na pagod siya, kapag napapagod siya, sasabihan ko siya na ganun, right away nagpe-perk up siya.

"Iba na agad yung ano niya, nagiging perky na, nagiging masaya siya."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN