JC de Vera clarifies his joke about courting Jasmine Curtis-Smith when she turns 18

JC de Vera on his TV declaration that he’ll court Jasmine Curtis-Smith when she turns 18 years old: "Joke lang yung sinabi ko kanina. Yun nga, gaya ng sinabi ko kanina [sa Paparazzi], naka-focus siya sa studies. Tapos, nakasingit pa itong trabaho. Saan niya isisingit yung ano [pakikipag-boyfriend]? Ang mangyayari diyan, magiging playtime."


Very vocal ang newcomer na nakababatang kapatid ni Anne Curtis na si Jasmine Curtis-Smith sa pagkakaroon nito ng crush kay JC de Vera habang ginagawa nila ang ipalalabas nilang serye na Utol Kong Hoodlum sa TV5.

Hindi lang sa presscon ng nasabing action serye nagpahayag ng kanyang saloobin ang dalagitang newbie kundi maging sa harap mismo ng TV camera nang sabay silang mag-guest ni JC sa Paparazzi kahapon, September 4.

Inulan ng tukso si JC sa mga pahayag ni Jasmine at kinilig naman ang hosts ng showbiz talk na sina Cristy Fermin, DJ Mo Twister, Ruffa Gutierrez, at Zoren Legaspi.

Sa exclusive interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay JC matapos ang guesting nila ni Jasmine, umamin din ito na kilig sa kanya ang pagtatapat ng saloobin ni Jasmine para sa kanya.

"Well, yes. First of all, important para sa isang mag-partner ang mag-open [up] sa isa’t isa," bungad ni JC sa kanya namang saloobin.

"Ngayon, kung very open siya [Jasmine] sa nararamdaman niya, at open din siya sa pagsasabi ng emotions niya, napakagandang kalalabasan no’n para sa aming dalawa.

"And since gano’n siya, eventually naging gano’n na rin ako.

"Kaya siguro kapag nagsasabi siya ng mga ganong klaseng bagay parang normal na sa aming dalawa.

"Kasi, yun din ang nakasanayan namin sa taping," paliwanag ni JC sa chemistry nilang dalawa ni Jasmine bilang mag-partner.

Hindi raw mababaw kay JC ang narinig na papuri sa kanya ni Jasmine lalo na ang pag-amin nitong crush siya ng dalagita.

"Kasi ano ’yan, e, bihira yung tao talaga, lalung-lalo na yung ka-partner ko.

"Minsan nahihirapan talagang maka-penetrate sa akin, nahihirapan silang umamin.

"Kasi yun nga, sabi parang mahirap nga raw akong kausap. Mahirap akong kasama.

"Yun, na-prove ni Jas na hindi naman ako gano’n.

"So, siya, naka-penetrate siya sa akin nang maayos. Naging close kami. Naging friends kami.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, maganda yung pinagsamahan namin, kaya maganda yung kinalabasan ng show.

"Walang hesitation talaga," pahayag niya.

JASMINE’S AGE. Bagamat natutuwa si JC kay Jasmine, naiintindihan naman nito ang ka-loveteam kung bakit masyado itong bukas sa kung anuman ang gusto nitong sabihin base sa kanyang nararamdaman.

"Well, nandoon kasi yung first time niya sa business. Tapos, first time niyang magkaroon ng loveteam.

"Hindi niya talaga alam yung do’s and don’ts. Plus nandoon na rin yung age niya, 17 years old. Marami pa talagang nangyayari sa kanya.

"Siguro sa ngayon, kaya pa niyang sabihin. But eventually, pag tumanda ’yan, mawawala na yung ganyang character niya," paniniwalang saad ng aktor.

Komo nga wala pang halong ka-showbiz-an, o sa mas simpleng termino, kaplastikan, hindi wini-wish ni JC na maging "showbiz" si Jasmine pag tumagal siya sa industry.

"Naniniwala akong hindi siya magiging gano’n [showbiz]. Kasi unang-una yung ate niya [Anne Curtis] hindi gano’n.

"Maganda yung pagpapalaki sa kanya ng magulang niya.

"Matalinong bata si Jas. Naniniwala akong hindi siya magiging ’showbiz.’

"Right now, hindi pa talaga napi-feel yung value ng work kasi naka-focus siya sa studies talaga.

"Pero habang tumatagal, as long as nabibigyan siya ng mga ganitong project, matutunan niya din kung ano ang ginagawa niya.

"Pero at the same time, siyempre parang ano na, magku-concentrate siya sa trabaho.

"Pero, sa ngayon, wala, e. Gusto muna talaga niyang mag-aral. Mahirap kontrahin yung gusto niya."

DANITA OUT, JASMINE IN? In case na humantong sa hiwalayan ang relasyon nila ng girlfriend niyang si Danita Paner, posible bang ligawan niya si Jasmine?

"Ahmm, ako, hindi ko naman masabi lahat ’yan, e. Mahirap kontrolin yung ganyan.

"Basta ako, kung anuman ang mangyari sa future, paninindigan ko yun.

"Kung ano yung mangyayari next week, or the other day, paninindigan ko yun.

"Kumbaga, naniniwala ako na yun talaga ang para sa akin. Kung siya, e, di siya," nakangiti niyang tugon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nilinaw ni JC ang binitiwan niyang salita sa Paparazzi na pagdating ng 18 years old ni Jasmine ay liligawan daw niya ito.

Sabi niya, nagbibiro lang daw siya no’ng sabihin niya iyon.

"Joke lang yung sinabi ko kanina. Yun nga, gaya ng sinabi ko kanina [sa Paparazzi], naka-focus siya sa studies.

"Tapos, nakasingit pa itong trabaho. Saan niya isisingit yung ano [pakikipag-boyfriend]?

"Ang mangyayari diyan, magiging playtime."

Hindi niya gusto ang long-distance relationship?

"Hindi ako ano...okey sa gano’n!" mabilis niyang sagot.

BONDING WITH JASMINE. Sinagot din ni JC ang pag-aakala ng marami na hindi man lamang niya tini-treat sa labas si Jasmine ngayong bumalik na uli ito ng bansa para sa promo ng kanilang serye.

"Hindi. No’ng nandito siya, first day pa lang ng kakauwi niya, siyempre, nagtrabaho muna kami na magkasama.

"Tapos after work, nag-dinner kami. Nag-bonding kami ng konti.

"Kahapon [Sabado] bago mag-presscon, nag-bonding din muna kami.

"Mamaya [kahapon, Linggo] din uli. Para at least masabi niyang nasulit yung five days niya dito sa Philippines ."

STILL OKAY WITH DANITA. Sa mga gustong makaalam kung ano na ang lagay ng relasyon nina JC at Danita, sinasabi ng aktor na "okay" pa rin sila ng young actress-singer.

"Okey naman. Hindi lang kami nagkikita ngayon dahil yun nga, masyadong hectic ang schedules ng lahat.

"A, tapos yung regular show namin ng Saturdays, na-cancel for a while kaya hindi kami madalas nagkikita," kuwento ni JC.

Tiniyak ni JC na hindi magiging malaking problema sa kanila ang hindi nila pagkikita ni Danita dahil sa kani-kanyang trabaho.

"A, nagkakaroon minsan ng problema, pero hindi talaga napag-uusapan pa.

"E, kasi minsan-minsan ka lang naman magiging busy, e, one-month straight. Tapos one month ka rin walang trabaho.

"Wala, e, kailangang makipag-deal ka sa gano’n, e," kibit-balikat niyang saad.

Sigurado rin si JC na hindi si Jasmine ang magiging ugat ng posibleng hiwalayan nila ni Danita. O, pagkakaroon nila ng problema lalo’t nababalitang selosa ang kasintahan niyang ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi. Hindi naman. Mas close nga sila kaysa sa akin," pagbabalita ni JC.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN