Mentalist Nomer Lasala accurately reads Aljur Abrenica’s mind

Aljur Abrenica (in photo) made a guest appearance on Showbiz Central last Sunday, September 4, where his mind was read by mentalist Nomer Lasala.


Live na nag-guest si Aljur Abrenica sa "CSI (Celebrity Secrets Intensified)" segment ng Showbiz Central ng GMA-7 kahapon, September 4.

Dito ay binasa ng mentalist na si Nomer Lasala ang mga nasa isip ni Aljur.

Ang unang nagtanong kay Aljur ay si Kris Bernal via a video clip: Sino ang huling babaeng hinalikan ni Aljur ng may feelings?

"Kylie" ang isinulat ni Nomer na nagtugma sa sagot ni Aljur—si Kylie Padilla na hinalikan daw ni Aljur sa pisngi.

Ang sumunod naman na nagtanong via a video clip kay Aljur ay si Rhian Ramos: Sino ang huling espesyal na taong dinala ni Aljur sa resort niya sa Batangas?

"Kakai with friends" ang isinulat ni Nomer sa kanyang white cartolina, na tugmang muli sa sagot ni Aljur.

"Marami kami, marami kami, with friends, e, mga kaibigan ko pati si... si Kylie, kasama ko rin Kylie. Matagal na ’to," sabi niya.

Nagulat si Aljur kung paano nalaman ni Nomer ang tungkol kay "Kakai."

"Kasi po ano, e, kasi naghanap kasi ako ng nickname para kay Kylie. Tawag ko kasi sa kanya, Kakai," paliwanag ni Aljur.

Ang last question ay nanggaling kay Dennis Trillo: Ano ang image na pumapasok sa isip ni Aljur kapag naririnig ang pangalan ni Robin Padilla na ama ni Kylie?

Sabi ni Aljur, "Unang pumasok sa isip ko, puso. Kasi kilala ko po talaga si Sir Robin Padilla na sobrang mapagmahal na tao, kaya puso yung inisip ko."

Ang drawing naman ni Nomer ay baril na may binabaril na puso.

Na-associate daw ni Nomer si Robin sa baril (bilang isang action star si Robin). Sinabi naman ni Aljur na iniisip rin daw niya ang "guns and roses."

May show si Robin sa ABS-CBN na Guns and Roses ang titulo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN