Leandro Muñoz admits exclusively dating Nadine Samonte

Leandro Muñoz on exclusively dating Nadine Samonte since August: "In-assure ko si Nadine na walang lokohan. Magiging fair kami sa isa’t isa. Kung hindi magwu-work ang relasyon, huwag na naming ituloy. Pero, hindi ko siya kayang lokohin. Napakabait niya, ayaw ko siyang makitang nasasaktan."


Mas confident and always with a smile nang sumagot si Leandro Muñoz ngayon kaysa noong una siyang nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment portal) sa first taping day nila ng The Sisters sa Calatagan, Batangas.

Sa first taping day naman nila ng Felina, Ang Prinsesa ng mga Pusa, ang first dramaserye sa hapon ng TV5, muling nakausap ng PEP ang comebacking actor.

No holds barred nga ang interview namin kay Leandro kahapon, Sunday, September 4, sa set nila sa Yñares Stadium na ginawa nilang isang perya, complete with rides at tiangge.

EXCLUSIVELY DATING. Inamin agad ni Leandro that they are exclusively dating ng leading lady niya sa The Sisters na si Nadine Samonte.

So, hindi gimmick para sa kanilang final week itong linggo ng kanilang dramaserye ang pagli-link sa kanila pati ang breakup ni Nadine at ng boyfriend for seven years na si Emerson Chua.

"Yes, it’s true. We have been exclusively dating last August pa," nakangiting sabi ni Leandro.

Paano iyon, ibig sabihin, matagal na ring wala sina Nadine at Emerson? At paano naman na ang Pinay girlfriend niya sa States?

Ipinaalaala namin kay Leandro na sa first interview namin sa kanya, sinabi niyang iniwanan niya ang 17-year-old daughter niyang si Francesca sa pangangalaga ng girlfriend niya na malapit lamang ang bahay sa kanila sa Cerritos, California. (CLICK HERE to read related story.)

Paliwanag niya, "Actually, nang pumunta ako rito last July, medyo nagkakalabuan na kami after four years.

"And now, break na talaga kami. Pero, friends pa rin kami at may communications pa.

"Si Francesca, kasama na niya ngayon ang brother kong si Carlo and his family."

COURTING NADINE. Paano niya niligawan si Nadine kung may boyfriend pa siya no’ng magsimula silang magkasama sa The Sisters?

"Never naman akong manliligaw sa kanya kung may boyfriend pa siya," sabi ni Leandro.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nang malaman kong wala na sila, doon lamang ako pumasok.

"Pero, noon pa, may nararamdaman na talaga ako kay Nadine.

"Siguro, nadala rin ako sa mga eksena namin sa The Sisters.

"But I tried myself na i-block ang feelings na iyon, until nga nalaman ko na wala na pala sila ng boyfriend niya.

"Pero siyempre, hindi ko agad niligawan si Nadine. Kinuha ko muna ang blessing ng mommy niya

"At hindi naman siya tumanggi nang magsabi ako sa kanya."

So, una muna niyang niligawan si Mommy? Ano ba ang nagustuhan niya kay Nadine?

"Parang ganoon na nga," sambit niya.

"Madali akong ma-in love, hindi sa beauty kundi sa personality.

"Iba si Nadine, beauty na, ang bait pa niya. Ang dali niyang patawanin.

"Nakita ko na mas inuuna niya ang family niya kaysa sa sarili niya.

"Hindi siya gumigimik. Trabaho lang at family niya ang concern niya.

"Although hindi pa naman namin iniisip, I think she’s a wife material."

HIS PRIORITY? Si Nadine ba ang inspiration niya kaya pumayag siyang mag-stay pa rito sa bansa?

"Ang anak ko pa rin, si Francesca, ang inspiration ko, siya ang first priority ko.

"Mahal na mahal ko kasi ang anak ko. Kaya nga sa Tuesday, September 6, aalis muna ako para umuwi sa amin sa Cerritos.

"Ipinangako ko sa kanyang nandoon ako sa first day of school niya as a senior sa high school.

"I will be back on September 24 dahil aayusin ko pa ang iniwan kong work doon.

"One month lang kasi ang vacation ko with pay sa work ko at hindi ko alam kung papayag pa silang mag-extend ako.

"Hindi naman ako worried na mawalan ng work doon dahil marami na rin akong connections.

"At kung bumalik ako ulit sa States, hindi ako mahihirapang magkaroon ng bagong trabaho."

DO THEY KNOW? Alam na ba ni Francesca at ng mommy nito ang tungkol kay Nadine?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Yes, alam na nila. Lagi kaming magkausap ng anak ko sa Skype at Facebook.

"Ang mommy ni Francesca, nandito naman siya sa Pilipinas at may communication din kami.

"Kahit ang former girlfriend ko, alam din niya ang tungkol kay Nadine."

HOME WITH MY DAUGHTER. Sa pagbalik daw niya rito sa September, hindi na siya puwedeng umalis hanggang hindi tapos ang Felina.

"Kaya kung papayag ang anak ko, gusto kong umuwi siya rito sa Pilipinas para dito kami mag-celebrate ng Christmas.

"Sa eight years namin doon, minsan lang siyang umuwi rito," sabi ni Leandro.

Ang anak niya, mayroon na kayang suitors, o may boyfriend na? Paano kung humiling na maging independent sa kanya ang anak?

"I guess so, pero wala naman akong magagawa kung gusto na niyang magka-boyfriend.

"Sa aming mag-ama, itinuloy namin ang Filipino tradition na hindi siya hihiwalay sa akin.

"Yes, spoiled sa akin ang anak ko. Naghahanapbuhay ako para maibigay ko ang lahat ng kailangan niya.

"Sinabi ko sa kanyang if she wants to stay with me, I will support her until nakakuha na siya ng trabaho.

"After kasi ng high school niya, itutuloy niya ito sa film course.

"Ayaw niyang mag-artista. Gusto niya sa likod siya ng kamera.

"And for one year of her study in a film school in Los Angeles or New York, I need forty thousand dollars.

"Kaya kailangan ko talagang magtrabaho nang husto."

Kaya ba tinanggap niya ang Felina?

"Yes, kasi sinabi naman ng TV5 na they will take care of me. Mag-trust lang daw ako sa kanila.

"Kaya let’s see what will happen next after nitong Felina.

FELINA. Sa dramaserye na idinidirek ni Argel Joseph, gaganap si Leandro bilang si Joaquin.

"Isang mekaniko sa perya ng mga rides. Magkasama na sila ni Felina [Arci Muñoz], mga bata pa sila dahil siya ang nakapulot at nag-alaga rito hanggang sa magdalaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"May pagtingin siya kay Felina at hindi niya pinapansin kung mukha nga itong pusa.

"Pero wala siyang lakas ng loob na sabihin ito sa dalaga," kuwento nito sa ginagampanang papel.

Madali siyang ma-in love, hindi kaya tulad ng kay Nadine, ma-in love din siya kay Arci, ngayong ito naman ang katambal niya?

"No, iti-trace nga namin ni Arci ang aming family tree, kasi parehong taga-Spain ang father side niya at ang father side ko. Baka magkamag-anak kami.

"Saka in-assure ko si Nadine na walang lokohan. Magiging fair kami sa isa’t isa.

"Kung hindi magwu-work ang relasyon, huwag na naming ituloy.

"Pero, hindi ko siya kayang lokohin.

"Napakabait niya, ayaw ko siyang makitang nasasaktan."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN