Jennylyn Mercado insists her relationship with Luis Manzano has no commitment yet

"Hindi, para sa akin kasi, MU, parang nandun pa rin kami sa process ng getting to know each other. Pero kumbaga, wala na akong in-entertain at, yun nga, sabi niya [Luis], wala na rin siyang ibang dinidiskartehan. Pero wala pang commitment talaga. Honestly, wala pa talaga, wala pa talagang kahit ano," says Jennylyn Mercado about the status of her relationship with Luis Manzano.


Sa isang interview ay inamin na ni Luis Manzano na higit pa sa "mutual understanding" ang estado ng relasyon nila ni Jennylyn Mercado. (CLICK HERE to read related story.)

Sa panayam naman ng kanyang co-host na si Raymond Gutierrez kay Jennylyn sa Showbiz Central kahapon, September 4, sinabi ng aktres ang reaksiyon niya sa "revelation" na ito ni Luis.

"Hindi, para sa akin kasi, MU, parang nandun pa rin kami sa process ng getting to know each other.

"Pero kumbaga, wala na akong in-entertain at, yun nga, sabi niya [Luis], wala na rin siyang ibang dinidiskartehan.

"Pero wala pang commitment talaga.

"Honestly, wala pa talaga, wala pa talagang kahit ano," pahayag niya.

Tanong ni Raymond kay Jennylyn: "What’s stopping you from taking it to the next level?"

Obviously naman daw kasi ay gusto nila ang isa’t isa, na they like each other’s company, at masaya sila kapag magkasama.

Sabi naman ni Jennylyn, "Hindi naman kami nagmamadali, e.

"So, sa ngayon, wala pa rin sa isip ko na gusto kong mag-commit, o wala pa talaga yung boyfriend-girlfriend thing.

"Basta hindi kami nagmamadali. Hinihintay namin yung tamang oras ’tsaka tamang panahon.

"Kasi sa ngayon, parang masyado pang maaga.

"Gusto ko pa rin siyang makilala nang mabuti."

KAPUSO AND KAPAMILYA. Nang lumabas ang balita tungkol kina Jennylyn at Luis, marami ang nagulat dahil Kapuso si Jennylyn at Kapamilya si Luis.

Hindi kaya maging mas mahirap ito para sa kanila? Na kapag pumunta si Jennylyn sa bakuran ng Dos ay gagawan iyon ng isyu, at ganun din kapag si Luis naman ang pumunta sa GMA.

"Mahirap, di ba?" sambit ni Jennylyn.

"Para sa akin okay, pero hindi okay.

"Okay, dahil hindi kami madalas na nakikita talaga, di ba?

"Unlike dito sa GMA, madalas nakikita yung mga couples, o madali nilang nakukunan ng mga clips na magkasama, na nagkikita, na sweet, ganyan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, kami, mas maganda dahil magkaiba kami ng station at hindi kami madalas na nakikita."

They say that it feels better when it’s a secret; iyon ba ang gusto nila ni Luis? Dahil hindi sila madalas magkita, mas exciting ba iyon?

"Oo naman, parang ganun!" at tumawa si Jennylyn.

HONG KONG TRIP. Nagpunta kamakailan sa Hong Kong sina Jennylyn at Luis. Ano nga ba ang ginawa nila doon?

Sabi ni Jen, "Meron akong ginawa doon na trabaho.

"Tapos isa pa, doon na rin kami nagkita-kita kasama ng mga friends namin."

So, hindi silang dalawa lang ni Luis ang nag-Hong Kong?

"Hindi!" bulalas niya.

"Malinaw yun na makikita sa mga litratong lumabas, ang dami-dami talaga namin.

"May mga tinu-tweet pa ako na mga pictures na six kami na girls, tapos six sila na boys... Ang dami talaga namin."

Given a chance, willing ba si Jennylyn na magbakasyon na silang dalawa lang ni Luis?

"Bakit hindi?" sagot ni Jennylyn.

"Pero siyempre, mas maganda kung ano... kasi wala pa naman, hindi pa naman, di ba?

"Wala pa namang commitment, so... okay lang naman siguro."

Supportive si Patrick Garcia, ang dating boyfriend ni Jen, sa relasyon nila ni Luis. Sinabi pa nito na sana ay mahalin din ni Luis si Alex Jazz, na anak nina Jennylyn at Patrick.

Ano ang comment ni Jennylyn dito?

"Kasi ano naman, e, si Luis naman, mahilig talaga sa mga bata.

"So everytime na dumadalaw siya, sila ni Jazz, parati silang naglalaro, ganyan. Makikita mo na nag-e-enjoy silang dalawa."

Ano naman ang message ni Jennlyn for Luis?

"Maraming salamat dahil parati siyang nandiyan para pasiyahin ako at suportahan ako.

"Lalo ngayon na... I just wanna share this... Yung Protégé, di ba, yun yung bago kong show? First time ko na magiging host na medyo formal..."

Binibigyan daw siya ni Luis ng mga tips on hosting.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nakakatuwa, nung pinadala sa akin yung script, ni-read pa namin yun.

"Parang, ’O sige nga, sige nga, ire-review kita.’ Parang ganun," sabi niya.

Si Luis ay host naman ng Pilipinas Got Talent, na katapat na programa ng Protégé.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN