Are Imelda Papin and Claire dela Fuente insecure with each other?

Jukebox queens Claire dela Fuente (left) and Imelda Papin took the hot seat in the "Don’t Lie To Me" segment of Showbiz Central yesterday, September 4, where they answered questions about enhancement, insecurity, and even lovelife.


Ang dalawang mentors ng Protégé na sina Imelda Papin at Claire dela Fuente ang sumalang sa "Don’t Lie To Me" segment ni John "Sweet" Lapus sa Showbiz Central kahapon, September 4.

Ang unang itinanong sa dalawa ay kung may ipina-enhance ba sila sa mukha o katawan nila?

"No" pareho ang sagot nila at pareho ring "Lie" ang naging resulta ng sagot nina Imelda at Claire sa lie-detector machine!

"Kasalanan ko ba kung original diyosa ito?" natatawang reaksiyon ni Claire.

Nang tanungin naman si Imelda kung totoo bang sa Los Angeles pa siya "nagpapagawa" o nagpapa-enhance, itinuro niya ang kanyang Mareng Claire.

"Hindi totoo ’yan! Si Mare lang dapat ang magsabi ng totoo.

"Mare, magsabi ka ng totoo!" sabi nito.

Ayon pa kay Imelda, kaya raw napapanatili niya ang kanyang youth and beauty ay "dahil ako’y in love kaya bumabata."

Nagbibirong pagtatataray naman na sabi ni Claire, "Kaya nga imposibleng hindi nagpapa-enhance dahil may boyfriend!"

Kinontra naman ito ni Imelda by saying na "diet at exercise" lang daw ang kanyang sikreto.

INSECURITY. Ang sumunod na tanong sa dalawang singers ay kung insecure ba sila sa isa’t isa.

"No" pareho ang sagot nina Imelda at Claire. This time, "Truth" ang naging resulta ng sagot ni Imelda, pero "Lie" ang kay Claire.

Paliwanag ni Claire, "Wala talaga akong insecurity sa ate ko.

"Ganito lang yun, medyo may konti lang akong envy dahil may boyfriend siya."

So, sa lovelife lang ni Imelda naiinggit si Claire?

Sagot niya, "Actually, choice ko naman yun, choice ko naman na walang boyfriend.

"Pero siyempre ako, naiinggit din ako sa kanya kasi siyempre masaya siya, di ba?"

Masaya naman din daw ang buhay ni Claire ngayong biyuda na siya.

"Can you not have a perfect life and have a boyfriend too, di ba?" sabi niya.

What about insecurity sa career; na mas maraming nag-number one na kanta si Imelda kay Claire? Na "Sayang" lang ang hit song ni Claire?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"A, hindi ako naniniwala diyan," pagkontra ni Claire.

"A, hindi totoo ’yan. May ’Sayang’ ako, may ’Nakaw Na Pag-ibig,’ may ’Minsan-minsan,’ and recently may ’Something In Your Eyes’ with Richard Carpenter.

"At meron din akong duet with Michael Bolton."

Si Imelda naman ay may duet din daw with a foreign artist, si Melissa Manchester, at nakakapag-concert daw siya sa Las Vegas.

Ayon naman kay Claire, choice niya to stay here in the Philippines dahil presidente siya ng asosasyon ng mga bus operators at talent manager siya nina Sam Pinto at Bela Padilla.

DEDMAHAN. Pagkatapos nito ay tinawag ni Sweet ang special guest na magtatanong kina Imelda at Claire—walang iba kundi ang journey host ng Protégé na si Ogie Alcasid.

Sa Protégé presscon ay nakuhanan ng kamera ang diumano’y dedmahan nilang dalawa.

Ang taong ni Ogie, once and for all, nagpaplastikan lang ba sina Imelda at Claire?

"No" pareho ang sagot nila at "Truth" pareho ang resulta nito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN