Teresa Loyzaga avoids becoming a stage mom to son Diego Loyzaga

Teresa Loyzaga’s advice to son and newbie showbiz personality Diego Loyzaga: "Discipline. Keep your feet on the ground. Huwag lalaki ang ulo. At saka matuto siyang gumalang sa lahat ng tao, importante ’yon."


Masayang in-escort-an ng newbie actor na si Diego Loyzaga ang kanyang ina, ang dating aktres na si Teresa Loyzaga, nang dumating sila sa Star Magic Ball noong Sabado, Setyembre 3, sa The Peninsula Manila, Makati City.

Sa maiksing panayam ng media kay Teresa, sinabi niya mas kinakabahan siya kaysa sa anak na si Diego nang pumasok ito sa showbiz.

"Diego seems to be enjoying very much and it’s also because na-welcome siya, e.

"Ang laki ng pasasalamat ko sa mga tao na tinanggap siya. Ako ang ninenerbiyos," sabi ni Teresa.

Hindi ba nag-aalala si Teresa na baka maging stage mom ang dating niya sa kanyang anak?

"Ganun na nga!" sagot niya.

"Kaya I’m trying to keep a distance pero ’yong nasusubaybayan ko pa rin. Ayaw ko nga na baka, ’yon nga, stage mom ang labas ko."

Tulad ng iba pang showbiz personalities na may mga anak na pumasok na rin sa industriya, may kaunting paalala rin siya sa kanyang anak na si Diego.

"Discipline. Keep your feet on the ground. Huwag lalaki ang ulo.

"At saka matuto siyang gumalang sa lahat ng tao, importante ’yon," ang payo ni Teresa kay Diego, na mapapanood weekly sa youth-oriented show na Growing Up.

Samantala, naging pagkakataon din ang panayam na ito para linawin ang mga bali-balitang nagkaroon ng problema si Diego sa kanyang ama na si Cesar Montano. (CLICK HERE to read related article)

Sabi ni Teresa, "You know, walang hindi naaayos in time. And I think enough time has passed.

"He’s [Diego] all grown up and we’re looking forward to better time."

Sa ngayon, ito lamang ang masasabi niya tungkol sa kanyang anak:

"I’m very proud, very, very proud."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN